25

3.9K 55 0
                                    

*3 YEARS PASSED

Maagang gumising si Athenna at hinalikan ang anak sa noo na mahimbing ang tulog sa tabi niya. Bumangon na siya at agad na bumaba para magluto ng almusal. Nagluto siya ng paborito ng anak niya. Bacon sandwich, omelette at sinangag. Natatawa si Athenna habang hinahanda ang mga pagkain. Ewan nga ba kung bakit gusto ng anak niya ang sinangag.

Napatingin siya sa mga maliliit na yabag ng paa at bumungad sa kanya ang anak niya na kinukusot ang mata gamit ang maliliit nitong kamay.

"Mommy~"

Lumapit siya sa anak niya at binuhat ito. Kumuha siya ng wet wipes sa itaas ng ref niya at nilapag sa lamesa kasabay rin nun ang pagbaba niya sa anak para umupo sa upuan. Nilinisan niya ang mukha ng anak niya at inayos ang buhok nito.

"Morning Baby Sohee." nakangiting bati ni Athenna sa anak.

"Good morning Mommy." cute na bati ni Sohee.

"Eat your breakfast and Mommy will be going to pack your clothes. Be sure to finish it up okay?" bilin ni Athenna sa anak. Tumango si Sohee at tinignan ang ina

"Is Tito Jongsuk and Tita Hyeon Joo going with us? I want to play with Chan Seong." tanong ni Sohee. Umiling si Athenna na siyang kinalungkot ng anak.

"Baby diba I already told you na hindi pwedeng sumama si Chan Seong satin. Your tito and tita are in Santorini right now and they bring Chan Seong there." explain ni Athenna sa anak.

"Don't worry baby. Your Papa Tyron and Mama Johanna will be there with your cousin Nikka. Eat your food baby. We need to be there at Airport before our flight." ginulo ni Athenna ang buhok ng anak bago pumunta sa kwarto nito at inayos ang mga gamit nila.

After 3 years, Athenna was a successful owner of their company. Lumago ito ng lumago hanggang sa nagkaroon na ng branches around the world. Nagpatayo rin siya ng isang branch sa Germany. Sinalin ng parents niya ang kompanya sa pangalan niya nang malaman nito na nagkaanak si Athenna and her parents even said na matanda na sila para magmanage pa nito. Di alam ni Athenna kung paano uumpisahan ang  paliwanag sa parents niya tungkol sa anak niya but she manage to explain every details. Wala namang nagawa ang magulang niya kundi suportahan na lang siya.

Bago mag tatlong buwan si Sohee ay nagpatayo si Athenna ng bahay sa Germany. Hindi naman malayo sa kinatitirikan ng bahay ni Jongsuk at Hyeonjoo. Sohee and Chanseong always play together whenever Athenna left for work at susunduin niya ito pagkatapos. A full time CEO and a mother to Sohee. That's her role everyday since then.

It's been 3 years rin na hindi na niya nakita si Tyron at Johanna. Naging busy na kase si Tyron nang siya na ang owner ng hospital na tinatrabahuhan niya. It was his parents gift to him and his wife, Johanna, is a full time mother to their only 1 year old daughter, Nikka. Next week ay 2nd birthday na ni Nikka and her oh so makulit na pinsan ay magtatampo kapag wala ito sa birthday celebration ng pamangkin nito. Hindi kase nakapunta si Athenna last time dahil nasa France siya for a month for business expansion at dinala na rin si Sohee.

Kaya ngayon ay uuwi siya sa Seoul kasama ang anak. Di alam ni Athenna kung ano ang pwedeng mangyari kapag nakauwi sila. Andun si Suho at sana naman wag ng maglihis ang landas nila.

"Mommy i did finish my food!" masayang ani ni Sohee at pumasok sa kwarto nila.

"Very good baby. Now wait mommy here and we are going to take a bath okay? then we are ready to go."

Tumango si Sohee kay Athenna at isa isa ng nilagay ni Athenna ang gamit nila sa sala. Dalawang maleta ang dala nila at dun niya nalang bibilhan ng iba pang kailangan si Sohee.

Bumalik siya sa kwarto nila at pinaliguan ang anak. Pinabihisan niya muna ito at inayusan bago siya maligo at mag ayos ng sarili niya. Nakasuot siya ng bodycon na kulay itim at wedge na itim na rin. Nakadress naman ang anak niyang si Sohee ng pula. The red dress really complements Sohee fair skin. Katulad ng kaputian ni Suho. A perfect mini Suho na babae. Bumaba na sila at tinawag ni Athenna ang driver niya para ipasok ang mga gamit niya sa sasakyan.

"Ready to go baby?" tanong ni Athenna sa anak at masayang tumango si Sohee.

Habang nagbibiyahe papuntang Airport ay tumawag si Johanna sa kanya. Agad niyang sinagot ang tawag at halata sa boses nito na excited na siyang makita si Athenna at ang pamangkin nito.

"Athenna nasaan na kayo? " Tanong ni Johanna.

"On the way to airport Jox. Calm down makakarating din kami jan." natatawang sagot ni Athenna.

"Si Sohee dala mo?"

"Of course. I won't leave without my daughter."

Pagkarinig ni Sohee sa sinabi ng ina ay agad itong napatanong.

"Mommy who is that?" tanong ni Sohee at niloudspeak ni Athenna ang tawag.

"Hello Sohee-ya."

"Mama Johanna!!!" masayang ani ni Sohee at binigay ni Athenna ang cellphone sa anak.

"We are going there Mama Jox. I'll buy toys for Nikka and then we'll play." masayang sambit ni Sohee.

Binigay ni Sohee ang cellphone kay Athenna pagkatapos ng tawag at tama lang naman na tumigil ang sasakyan nila at nakarating na sila sa Airport.

"Ibaba niyo na ho ang mga maleta at ilagay sa garahe ang sasakyan. After that you can go home with your family. Have a rest while I'm in Seoul. Ibibigay lang po ng secretary ko ang sahod niyo." mahinang sabi ni Athenna habang kausap ang driver nito.

Bumaba sila ni Sohee sa sasakyan at pumasok na sa loob ng Airport habang hila hila ang maleta nilang dala.

"Mommy I'm hungry." atungal ng anak niya at kinuha ang pagkain na nilagay niya sa bag niya.

"Here baby. Eat slowly okay. Baka madumihan ang damit mo." Tumango lang ang anak niya at hinintay ang flight nila pa uwing pilipinas.

FLIGHT 354 GET IN TO THE PLANE AS WE WILL BOARD TO FLY WITHIN 30 MINUTES.

Hinila ni Athenna ang maleta at nakahawak sa kamay niya ang anak habang masayang kumakain. Pagkatapos i scan ang mga maleta nila ay agad na silang pumasok sa eroplano para hanapin ang upuan nila.

Dumungaw si Athenna sa bintana at pinagmasdan kung paano umangat ang eroplano papuntang himpapawid. Hindi niya akalain na makakauwi pa siya ng Seoul pagkatapos ng mahigit apat na taon.

His Unloved WifeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα