15

4.7K 64 3
                                    

Hawak hawak ni Athenna ang divorce papers nila at sa kabilang kamay niya ay hawak niya ang isang bolpen. The court sends the divorce papers. Isang pirma lang nila ay matatapos na ang kasal nila sa wala. Nasa harapan ni Athenna sina Jong Suk at asawa nito na nakatingin sa kanya.

"Athenna kung hindi ka sigurado pwede mo namang pag isipan muna. " suhestiyon ni Jong Suk. Tinignan lang ni Jong Suk si Athenna at ginantihan lang ni Athenna ang pinsan niya ng ngiti.

Nilapag ni Athenna ang mga papeles at idnikit na ang bolpen sabay pirma nito. Pirma ni Suho na lang ang kailangan para matapos na ang kasal nila. Yun na lang ang kailangan. Binaba ni Athenna ang bolpen at ipinasok na ang papel sa sisidlan nito. Tama ang ginawa niya. Tama lang na tapusin niya ang kasal nila. Iniabot niya kay Jong Suk ang envelope at naglakad na siya papasok sa kwarto niya. Tapos na at ginusto niya yun. Napaupo lang siya sa kama niya at nag umpisang humikbi. Ang sakit ramdamin at isipin. Ayaw niya pero ginusto niya. Ang hirap diba? Tumulo isa isa ang mga luha niya na parang walang katapusan. Sumuko siya sa paraang alam niya at bumitaw siya dahil pinili niya. Pinunasan niya ang mga luha niya at huminga ng malalim. Bumalik na siya sa pagiging Miss Lee Athenna.

***************

Nilapag ng abogado ni Suho ang isang sisidlan ng papeles. Tinulak nito ito papunta sa direksiyon niya.

"Ito lang ang dahilan kung bakit nandito ako. " ani ng abogado niya. Binuksan ni Suho ang envelope at binasa ang papel. A divorce paper. Ngumiti lang ng mapait si Suho. Talagang sinigurado ni Athenna na tapusin na ang lahat.

"Pinirmahan ba niya? " tanong ni Suho sabay tukoy kay Athenna. Tumingin siya sa abogado niya at dahan dahan itong tumango. Wala na siyang asawa at yun ang gusto niya pero ginusto niya yun dahil akala niya mababalik niya pa ang dating minamahal niya ngunit masakit malaman na kasal na ito sa iba. Kaya ano pa ang silbi ng divorce kung wala ring patutunguhan? Tinulak ng abogado niya ang isang bolpen sa harap niya.

"Basahin mo daw ang sulat na pinadala niya. " utos ng abogado niya. Dinampot ni Suho ang bolpen at kinuha ang nakaipit na maliit na papel.

Be happy Suho-yah! -- Lee Athenna

Napatawa lang si Suho nang mabasa na Lee na ang gamit ni Athenna na apelyido. Nakakatuwa isipin na ang tanga niya para saktan ang matalik niyang kaibigan ng paulit ulit pero iniisip pa rin nito ang kaligayahan niya. Pinirmahan ni Suho ang pap at iniabot sa abogado niya. Lumabas na ang abogado niya at naiwan siyang mag isa sa opisina niya. Napayukom lang siya ng kamao niya. Si Athenna na matalik niyang kaibigan simula pagkabata. Naging sandalan niya sa lahat. Kakuwentuhan niya sa oras oras. Ang tanging babae na nagmahal sa kanya nang walang hinihiling na kapalit galing sa kanya. Napahilamos lang siya ng palad niya at sumigaw.

"Bat ba ang tanga ko?! "

Biglang pumasok ang sekretarya niya at tinignan niya ito ng masama.

"Labas!" Utos niya.

Isang buwan na umalis si Athenna at si Suho na mismo ang umuuwi sa bahay nila. Dun na niya nalaman na ang lungkot na mag isa sa bahay na yun. Paano kaya nakakayanan ni Athenna yun diba? Siguro yun talaga pag naghihintay sa isang tao na kahit alam niyang di na dadating ay hinihintay niya pa rin.

**************

Nakaupo at nakatulala si Athenna habang nasa harap ng lamesa. Nag aayos ang mag asawa at nakatingin lang sa kanya. Masakit tignan na ang dating masayahin at makulit na Athenna ay unti unti ng nawawala bawat segundo. Nilapag ni Jong Suk ang steak at dun na natinag si Athenna. Her nose scrunched up as the smell of the steak enter her nostrils. It was unbearable. Tinakpan niya ang ilong niya at tinignan si Jong Suk.

"Jong Suk, bat ang baho? Baka panis na yan? " tanong ni Athenna habang sinesenyasan si Jong Suk na ilayo sa kanya ang putahe. Inamoy ni Jong Suk ang steak at wala naman. Ang bango pa nga eh.

"Kakaluto ko lang niyan ah. Grabe ka naman. " ani nu Jong Suk at inirapan lang siya ni Athenna.

"Basta ilayo mo yan. " ani ni Athenna at nagtatakbo siyang pumunta sa kwarto niya.

Nakakunot ang noo ng mag asawa habang nakatingin sa isa't isa.

"Problema nun? "

"Hayaan mo na. May pinagdadaanan eh. Mauna na tayong kumain. I bet that she will eat later if she gets hungry. " sagot ni Hyeon Joo sa asawa.

Pagkapasok ni Athenna sa kwarto niya ay dun na siya nakahinga ng maluwag. Ang baho talaga ng steak kanina. Biglang nag ingay ang cellphone niya at sinagot ang tawag.

"Mrs. Kim--ehem! I mean Miss Lee. He signed the papers already. We will just send it to the judge and we'll wait for the result from the court. " ani ng abogado niya.

"Thanks. "

Binaba na niya ang cellphone niya at napahinga siya ng malalim. Malamang pipirmahan talaga ni Suho yun lalo na at ito naman ang ginusto nito simula pa lang. Humiga si Athenna sa kama niya at kinuha ulit ang cellphone niya. Hinanap niya ang mga litrato at mga video nila ni Suho. She click the one video and watch as it plays. Ito yung araw ng 20th birthday niya. Suho surprise her that time.

"Athenna!! Happy birthday! " bati ni Suho at ngumiti lang si Athenna. Hawak hawak ni Suho ang isang malaking cake na may isang birthday candle. Lumapit si Athenna para tignan ang cake at napakurap siya nang makita ang mali.

"Sorry. The designer only put your name with a single letter N. " nahihiyang sabi ni Suho at tumawa lang si Athenna. Hihipan na sana ni Athenna nang tinakpan ni Suho ang kandila.

"Wish first. " ani ni Suho pero hinipan na kaagad ni Athenna ang kandila. She don't wish for anything or something.

"You're the best bestfriend I ever had. Happy birthday Athenna-ssi! " sambit ni Suho.

It was one of her best days. Yung palaging sinasabi ni Suho na siya ang best bestfriend nito. Isang luha ang pumatak sa mata ni Athenna at pinunasan niya ito.

"Maybe we are only up to be bestfriends. " mahinang bulong ni Athenna.




His Unloved WifeWhere stories live. Discover now