9

4.1K 58 0
                                    

Nagluluto si Suho ng almusal nila ni Athenna. Umuuwi na rin siya sa bahay nila. Gumagaling na si Athenna dahil bumabalik na ang dating lakas niya. Pinacancel pa nga ni Suho ang lahat ng meeting niya for one week para alagaan ang kaibigam dahil kahit sa ganun na paraan lang ay makabawi man lang siya. Pinatay niya na ang stove nang matapos na siyang magluto. Inayos niya ang lamesa at hapag kainan nila. Hinubad niya ang kanyang apron at naglakad papasok ng kwarto ni Athenna. Nadatnan niyang wala na si Athenna sa kama nito.

"Athenna? Where are you? " tawag ni Suho pero walang sumasagot. Binuksan ni Suho ang pintuan ng paliguan nila at nadatnan si Athenna na nakahandusay sa sahig. Mabilis na binuhat ni Suho si Athenna at nilagay sa kama nito. Basa ang damit at namumutla. Agad niyang tinawagan si Tyron at pinapunta sa bahay nila. Agad namang dumating si Tyron kasama ang asawa niya.

"Anong nangyari? " agad na tanong ni Tyron.

"I was just making breakfast and then came here to eat with her pero naabutan ko na lang siyang nakahandusay na sa sahig ng paliguan. " sagot ni Suho.

Tinignan ni Tyron si Athenna at napahinga siya ng malalim.

"Ano na Tyron? " nag aalalang tanong ng asawa sa kanya.

"She just collapse due to sleepiness. Wala namang hemorrhage or what sa kanya. Dahil lang yan sa gamot na iniinom niya. " kalmadong sagot ni Tyron.

"Akala ko ano na naman ang nangyari.. " mahinang sambit ni Suho.

"Papalitan ko lang siya since basa siya. Kaya labas kayong dalawa. " ani ni Johanna at lumabas na sina Tyron at Suho sa kwarto.

"I want to say something to you.. " umpisa ni Tyron. Napatingin si Suho kay Tyron at napakunot ang noo nito.

"Ano? "

"Naalala mo yung araw na late na umuwi si Athenna sa bahay niyo dahil lasing siya kasama yung maliit kong asawa? " tanong ni Tyron at napatango si Suho.

"Athenna was suffering from depression and anxiety. Ito ang rason kung bakit bumalik ang heart failure niya and.... "

"Tell me what is next Tyron? " tanong ni Suho.

"Her heart starts to develop a hole that can possibly put a limit to her life. Sinabi ko na tuh sa kanya pero hiniling niya na kami lang ang makakaalam. Even Johanna doesn't know about it. " paliwanag ni Tyron at napahilamos lang si Suho ng kanyang mukha gamit ang kamay niya.

"Is there any way to help her? " tanong ni Suho sa doctor pero napailing si Tyron.

"There is pero kailangan ko ng puso na compatible sa kanyang dugo and I tried to search every hospital states pero wala. Her blood is a rare type kaya mahirap maghanap. " sagot ni Tyron.

Napaupo lang si Suho. He was reason behind it. Kung hindi lang sana siya naging ganun kay Athenna hindi sana mangyayari tuh sa kaibigan niya but it was too late. The damage had been done and there's none of 50% to help Athenna out of it.

"Sana maalagaan mo siya ng mabuti. Wag mo ng sabihin sa kanya ang nalaman mo. It can bring depression to her. Sinabi ko tuh sayo dahil alam kong kaya mo pang magbago at maalagaan si Athenna ng mabuti." Nakangiting sabi ni Tyron kay Suho. Bigla namang lumabas si Johanna sa kwarto ni Athenna na inaalalayan si Athenna na maglakad. Mabilis na lumapit si Suho at binuhat si Athenna ng bridal style. Pinaupo niya si Athenna sa couch at sinabihang manatili lang.

"Stay there. " utos ni Suho at sinunod siya ni Athenna.

"So we're going now Suho. Call me if something happened. " ani ni Tyron at tumango lang si Suho. Lumabas na ang mag asawa sa bahay nila at pumunta si Suho sa kusina nila. Inayos niya ang pagkain ni Athenna at nilagay sa tray. Bumalik siya sa sala at pinatong ang tray sa lamesita na nasa harapan ni Athenna. Naghihiwa si Suho ng gulay nang hinawakan ni Athenna ang kamay niya.

"Mind to tell me what happened? " tanong ni Athenna.

"You collapsed due to sleepiness. That's all I can say. " mahinang sagot ni Suho.

Nabulabog ang dalawa nang tumunog ang cellphone ni Athenna. Sinagot nito ang tawag.

"Yes? "

"Ma'am may nanggugulo dito sa shop at di namin siya mapigilan. " sumbong ng assistant niya. Napakaba si Athenna kaya dahan dahan siyang tumayo. Hinawakan ni Suho ang kamay ni Athenna.

"Saan ka pupunta? " striktong tanong ni Suho.

"Sa shop. May nanggugulo dun. I need to handle it. " malumanay ni Athenna na sagot.

"You're not going there. Stay here at ako ang pupunta. " ani ni Suho.

"No. I need to be there. Please. It is my shop. " ani ni Athenna.

Tinignan siya ni Suho. Inayos ni Suho ang kanyang kinainan at nagbihis. Lumabas si Athenna nang bahay at naghihintay na si Suho sa labas. Pumasok siya sa front seat at inabot ni Suho ang kanyang jacket kay Athenna.

"Malamig sa labas kaya suotin mo yan. " utos ni Suho na siya namang sinunod.

Mabilis na nagmaneho si Suho papuntang shop ni Athenna at pinarada ang sasakyan niya sa labas. Mabilis silang pumasok at nadatnan ang isang lalaki na nagsasalita ng ibang lengguwahe habang kinakausap ang mga staff. Lumapit si Athenna pero pinigilan siya ni Suho.

"I'm the one who will talk with him. " ani ni Suho.

Lumapit si Suho sa lalaki at nakasunod lang si Athenna sa likod niya.

"Where is the owner of this shop?! I want to talk to him or her?!" Pasigaw na tanong ng lalaki sa lengguwaheng chinese.

"What's wrong Sir? " tanong ni Suho.

"I want to order something but they doesn't do anything! " sagot nito kay Suho.

"Sorry because they can't understand chinese. We will just follow up your order if you want to. " kalmadong suhestiyon ni Suho. Kumalma ang lalaki at tumango.

"I want an espresso and a triple chocolate deluxe. " sabi ng lalaki.

Tinignan niya si Athenna at nginitian para mawala ang kaba nito.

"One espresso and triple chocolate deluxe." Sabi ni Suho sa isang staff ni Athenna at mabilis namang ginawa ng mga ito ang order. Nilapitan ni Suho si Athenna.

"How's it? " tanong ni Athenna.

"It was settled. Don't worry. " ani ni Suho at niyakap si Athenna.

"Thanks Suho-yah.. " sambit ni Athenna.

His Unloved WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora