27

3.6K 59 0
                                    

He manage to step down the airplane pagkatapos ng mahabang biyahe galing sa Spain. He spent almost three months sa bansang yun and he was work out. Kinuha niya ang maleta niya at lumabas na ng airport. Pagkalabas niya ay nandun na mismo ang sasakyan niya kasama nun ay ang driver niya na nakatayo sa tabi ng sasakyan niya.

"Manong albert." tawag niya at agad siyang nilapitan nito. Kinuha ng driver niya ang maleta niya at nilagay sa likod ng sasakyan niya.

Pumasok na si Suho diretso sa sasakyan at umupo sa front seat. Pumasok na rin ang driver niya pagkatapos nitong ilagay ang maleta niya sa likod.

"Kamusta ang Spain?" Tanong ng driver nito at napahingang malalim si Suho.

"Nakakapagod."

"Diretso po ba sa bahay niyo o may pupuntahan pa po kayo?"

"Punta tayong mall. May bibilhin lang ako." sagot ni Suho sa driver nito at nagmaneho papuntang Mall tulad ng utos nito.

Bumaba si Suho sa sasakyan niya at hinabilinan ang driver nito na hintayin na lang siya sa parking area.

Pumasok na si Suho sa Mall at pumuntang baby section. Bibili siya ng damit para sa inaanak niyang anak ni Tyron. He and Tyron was already in good terms kaya nung nanganak si Johanna ay kinuha agad siyang ninong. Hindi parin lubos maisip ni Suho kung bakit ganito si Tyron. Tyron has Athenna and their baby pagkatapos ay sige pa rin ang koneksiyon nila ni Johanna and they already have their legal child. Suho wonder if kamusta na si Athenna. Alam niyang mali rin ang ginawa niya 3 years ago pero hindi parin maalis sa isipan ni Suho si Athenna. He went to Korea para umuwi sa bahay niya doon at mag isip. He need to pull some slacks after those incidents.

Pumili siya ng damit para sa inaanak at kinuha ang kulay blue na damit. It will look cute on Nikka. Binayaran niya ito sa counter at nagplanong pumunta sa grocery store para bumili ng pagkain pero iniwan niya muna sa counter ang biniling damit. Babalikan niya lang ito pagkatapos niyang mamili ng pagkain.

Nag ikot ikot siya sa seksiyon ng mga inumin hanggang sa makarinig siya ng iyak. Hindi niya ito pinansin pero mukhang hindi tumigil ang bata sa kakaiyak. Tinignan niya ang kabilang seksiyon at nakita ang batang babae na umiiyak. Nakasuot ito ng pulang dress at may hawak na chocolates sa kamay. Sa unang tingin, malalaman mo agad na anak mayaman ang bata dahil sa mga magagara nitong suot. Nilapitan niya ang bata at lumuhod sa harapan nito.

"Hey baby girl. Why you're crying?" tanong nito at tumingin ang bata sa kanya. Tinignan niya ang bata sa mata at napatigil siya ng makita ang mata nito.

Those eyes were perfectly like his eyes. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya habang nakatingin sa mata ng bata. He shrugged it off.

"Are you lost?" Tanong niya at tumango ang bata.

"I was busy picking chocolates when I don't know where to go back to mommy." paliwanag ng bata. Ngumiti siya rito.

"Come on. I'll help you find your Mommy. Let's pay for this first." kinarga ni Suho ang bata at pumuntang cashier para bayaran ang chocolates na kinuha ng bata. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ng bata gamit ang panyo niya. Tumigil na rin ang bata sa kakaiyak habang kumakain ng chocolate.

Pinagmasdan niya ang bata at para siyang nalula sa mukha nito. Kamukha niya ang bata at parang nananalamin lang siya.

Pumunta sila sa paging area at pina announce na may nawawalang bata. Naghintay muna si Suho sa paging area baka may maghanap sa bata pero sa kaloob looban niya parang gusto niyang iuwi ang bata. Napasapo lang siya ng noo sa isip dahil dun.

"What's your name baby girl?" tanong ni Suho sa bata habang pinupunasan ang nakakalat na chocolate sa labi nito.

"I'm Lee Sohee." Sagot ng bata.

"Who's your mother---" naputol ang itatanong niya nang may pumasok sa paging area at nagulat siya kung sino ito.

"Papa Tyron!" ani ni Sohee at agad na binaba ni Suho si Sohee para pumunta sa kaibigan niyang nakatingin sa kanya.

"Tyron-ah.."

"Suho-ya..."

Tinignan niya si Sohee. Napakunot ang noo ni Suho. Sa pagkakaalam niya ay magdadalawang taon palang ang inaanak niya at Nikka ang pangalan nun hindi Sohee.

"You're his father? So is this Nikka already?" gulat niyang tanong kay Tyron at mukhang naghahanap si Tyron ng isasagot.

"Yes I'm his father but this is not Nikka. She is my daughter with---" naputol ang sasabihin ni Tyron nang mag ingay ang pinto at pumasok ang isang babae na nakaitim na bodycon. Mabilis itong lumuhod sa harapan ni Sohee at niyakap ang bata ng mahigpit. Nagulat si Suho sa babae at parang naubos ang dugo niya sa katawan.

"Athenna.."

HALOS maubusan na ng hininga si Athenna sa paghahanap sa anak niya. Halos bumigay na ang sistema niya. Sumisikip na rin ang paghinga niya. She know that it is risky for her to be emotionally stress pero isinantabi niya yun dahil kailangan niyang maghanap ang anak niya. Napatigil si Athenna nang narinig niyang may nag paging sa nawawalang batang babae.

'Paging to the parents of this lost child. The child is wearing a red dress. Please proceed to the paging area if this is your daughter.'

Walang alinlangan na tumakbo si Athenna ng mabilis papuntang paging area. Bahala na if may makakilala sa kanya na ang isang successful na CEO ng Lee Corp. ay umiiyak na tumatakbo sa loob ng mall. She doesn't care.

Nakarating siya sa paging area at mabilis na lumuhod nang makita ang anak na hawak ng isang lalaki na alam niyang si Tyron.

Ininspeksiyon niya ang anak niya nang may tumawag sa kanya.

"Athenna..."

Tinignan ni Athenna ang tumawag sa kanya at nagulat siya ng makita si Suho. It's been years since nakita niya ang mukha nito. Sa loob ng tatlong taon na yun ay kinalimutan niya ang galit sa lalaki dahil mas importante pa ang anak nito kesa sa pairalin ang galit niya kay Suho. Alam niya rin na darating ang araw na maghahanap si Sohee sa totoo niyang ama at kahit masakit ang ginawa ni Suho sa kanya noon ay gagawin niya ang lahat para sa anak niya. Sohee matters the most. Sinumpa niya man na hindi malalaman ni Suho ang tungkol kay Sohee pero nawala rin ito paglipas ng panahon.

"Suho-ssi.." ani niya. Tumayo siya at  kinarga ang anak niya.

"So this is you daughter with Tyron?" tanong ni Suho at nakita ni Athenna ang pait at selos sa mga mata nito. Napailing si Athenna baka guniguni niya lang yun. Napakunot ang noo ni Athenna sa tanong ni Suho. Sasagot sana siya ng iba nang biglang pumasok sa isip niya ang nangyari pagkatapos niyang manganak.

"Yes. Thank You." ani ni Athenna at ngumiti. Kahit ngiti na lang ang maipakita niya na. It's still the Suho she knows. Nagbago ng konti sa pangangatawan but she can sense the same Suho she knew way back ng hindi pa sila kinasal. Sana kung di lang ito nagbago.

"Malayo naman ata ang mukha kay Tyron." komento ni Suho na may bahid ng biro.

"Kay Athenna ata nagmana." sagot ni Tyron.

"Alis na kami at baka hinahanap na kami ni Johanna. Thank you Suho-ssi." sabi ni Tyron at agad na lumabas sa kwartong iyon.

Napahinga si Athenna ng maluwag habang bitbit ang anak na masayang kumakain ng chocolate.

"Mommy he's a good guy. He pay for my chocolates. He help me find you too." ani ni Sohee.

"Is he?" Tanong ni Athenna at pinunasan ang chocolate na nagkalat sa labi ng anak. Tumango ang anak niya at bumalik sa pagkain

"Do you know him?"

'Of course Sohee-ya. He is your real father. Who am I to forget your father? But not the right time for you to know Sohee-ya.' Yan ang gusto niyang isagot pero nginitian niya ang anak.

"Yes baby. Mommy knows him very well."

His Unloved WifeWhere stories live. Discover now