Chapter 23

94 2 0
                                    

"Tired?" Tanong agad ni Yahir nang makapasok ako sa kotse nya.

He kissed my forehead. Katatapos lang ng klase ko. Lagi nya naman akong hinahatid at sinusundo noon pa mang nanliligaw pa sya. Bumuntong hininga ako saka bahagyang tumango. Ang dami kasing pinagawa ngayong araw nato.

"Malapit na ang Christmas, san kayo magse-celebrate? Sabi ni mommy kakausapin nya daw si tita na sabay sabay na tayong magcelebrate sa bahay nyo. What do you think babe?" Lumingon sya saglit sakin bago binalik sa daan ang tingin.

"That's good idea." Nakangiti kung sabi.

Hinawakan nya ang kamay ko. Ngumiti sya nang nilingon nya ko. Isang linggo na simula nung sinagot ko sya at sa mga araw na nagdaan lagi nyang pinaparamdam na ang swerte ko na meron akong isang lalaking katulad nya. Napangiti ako. Nakarating kami sa condo ko, pumasok muna sya at umalis din  dahil may gagawin din sya.

Nagdaan ang ilang araw at ganon lang kami lagi. Madalas kaming pumuntang mall para magdate. Minsan kasama namin sila Tin.

"Babe, kumain ka na." Galing syang kusina, naka suot pa sya ng apron.

Nagluto sya ng tanghalian namin. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Nandito na naman sya sa condo ko. Nanonood ng K-drama habang nagluluto sya kanina.

Ngumuso ako dahil tinatamad pa kong kumain. Tutok na tutok ako sa TV. Hindi ko pinansin ang alok nya.

Umupo sya sa tabi ko. Kinuha nya ang remote at hininto ang pinapanood ko. Niyakap nya ako ng patagilid at hinalikan ang gilid ng buhok ko.

"Kain na tayo. Tama na yang kanonood mo tapos mamaya iiyak iyak ka na naman dahil dyan." Aniya.

Natawa naman ako. Tumayo ako at nauna sa kusina. Inamoy ko ang luto nyang adobong manok. Magaling syang magluto, isa iyon sa mga nalaman ko nung naging kami. Bumaling ako sa kanya nang umupo sya sa harap ko.

"Kumain ka na." Sabi nya habang pinagsasandok ako ng kanin.

Pinagmasdan ko lang sya habang nilalagyan nya ng pagkain ang plato sa harapan ko. Hindi ko maiwasang kiligin dahil sa mga simpleng ginagawa nya. First time kong magka boyfriend kaya ngayon ko lang ito nararamdaman lahat. Ang saya pala. Ang seryoso nyang mukha ay humarap sakin. Ngumuso ako para pigilan ang ngiting gustung kumawala sa aking labi.

"Alam kung gwapo ako babe, kumain ka na." Nakangisi sya.

"Subuan mo ko." Ngumiti ako.

"Anong isusubo ko sayo?" Tumawa sya pagkatapos nyang sabihin yun.

"Manyak."

"What? Nagtatanong lang ako. Green ka." Tumawa ulit sya.

Natapos kaming kumain pero nang aasar parin ang mokong.

"Ikaw maghugas." Utos ko.

"Yes, ma'am." Sumaludo pa sya.

Nakangiti akong bumalik sa sala. Pinagpatuloy ko ang aking pinapanood kanina. Hindi sya nagtagal sa kusina. Umupo sya sa tabi ko at yumakap na naman habang nakatingin din sa TV.

"Babe, may tanong ako." Biglang sabi nya habang nasa TV parin ang paningin.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Kung sakaling manligaw ba yang si Park Hyung Sik sayo, sasagutin mo?" Seryosong tanong nya.

All Cried OutNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ