Chapter 7

91 2 0
                                    

Nagsimula na ang laro kaya lalong umingay ang mga manonood. Tahimik lang akong nanonood sa mainit na laro.


Ang gagaling nila pero mas lamang parin ang team nila Yahir. Halos karamihan ng puntos nila ay galing sa kanya kaya mas lalo syang binabantayan ng mga kalaban.




Napatitig ako sa kanya habang tumatakbo sya para pigilan ang kalabang may hawak na bola upang hindi ito maka iskor. Kahit pawis na pawis at pagod sya sa laro ay hindi nabawasan ang mala anghel nyang mukha.




Sobrang daming babae ang nagkakagusto sa kanya kaya alam kung lahat ng gusto nya ay nakukuha nya kasama na don ang mga babae na kusang lumalapit sa maamo nyang mukha.




Nanlamig ako dahil bigla syang tumingin sakin dahilan para magtama ang mata namin. Nanginginig ang mga kalamnan ko ng ishoot nya ang bola na agad namang pumasok sa ring. Natilian ang karamihan habang ako'y nanlalaki parin ang mata lalo na nang bumaling ulit sya sakin matapos itira ang bola. Kumalabog ang dibdib ko at nanghihina ang mga tuhod ko kahit naka upo.





Nag iwas ako ng tingin upang mabawasan ang abnormal na tibok ng puso ko. Nadako ang mata ko sa mga kaibigan kung nakatingin sakin. Nakakahiya dahil baka nakita nila lahat ng kilos ko kanina.




Lumapit sya sakin ng tumawag ng time out ang kabilang team. Hindi ko alam ang gagawin ko ng tumabi sya sakin. Uminom sya ng tubig. Napatingin ako sa adam's apple nyang gumagalaw. Umiling iling ako saka nag iwas ulit ng tingin.





"Can you?" Sabi nya habang inaabot ang towel sakin.





Naiintindihan ko naman yung gusto nyang sabihin pero kumunot parin ang noo ko.






"Pinapunta mo ba ko para maging yaya mo?" Kunot noo kong tanong.






Tumawa sya ng bahagya saka umiling.






"No, hindi ko lang kasi kayang punasan ang likod ko. Please?" Seryoso sya.






"Ayoko, madaming mata baka maissue" Sabi ko.





Tumawa ulit sya. Hinawakan nya ang kamay ko at inilagay doon ang tuwalya.






"So what? They don't mind. Come on, para manalo kami." Tumalikod sya kaya wala nakong nagawa.





Nilapat ko ang tuwalya sa likod nya. Nagulat ako ng may sumigaw na may girlfriend na daw ulit si Yahir. Madami ding nagbulungan. Mabilis kung pinunasan ang likod nya dahil sa sobrang hiya.




Humarap sya sakin saka ngumisi.





"Sure win" Aniya saka bumalik gitna para maglaro.







Naramdaman kung nagvibrate ang phone na hawak ko.




' So sweet'




Galing kay Tinsley ang mensahe kaya tumingin ako sa gawi nila. Nakangisi silang dalawa ni Ash na ang katabi ay ang boyfriend nyang tutok sa laro. Ngumiwi ako sa kanila at binaling ang atensyon sa laro.





Natapos ang game nila at panalo ang naging resulta.






Agad na lumapit sakin si Yahir na naka ngisi.






"Thank you" Kumunot ang noo ko dahil don.






"For what?" Tanong ko.






All Cried OutTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang