Chapter 15

57 0 0
                                    

"Can we eat first? Bago kita ihatid sa inyo." Ani Yahir habang nag dadrive.


"Oh, sure." Sagot ko.



"Tawagan mo muna si Mommy, sabihin mo na medyo matatagalan tayo bago umuwi sa bahay nyo." Seryosong aniya.


Kumunot ang noo ko. "Mommy mo?" Tanong ko.


"No, i mean Mommy mo." Tumawa sya.


Assuming. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mommy. Gaya ng sabi nya sinabi kung hindi pa ko makakauwi dahil kakain kami ni Yahir sa labas. Hindi naman sya umangal dahil si Yahir naman daw ang kasama ko. Botong boto ah.



Huminto kami sa Korean restaurant. Kinwento ko sa kaya kung anong nangyare sa Baguio sa tatlong araw.


"Kasama pala yung best friend mo?" Matabang nyang tanong.


Minsan ko na kasing ikinwento si Rowan sa kanya kaya kilala nya nato. Hindi ko din alam kung bakit parang may galit sila sa isa't isa nung nagkita sila sa canteen. Pinakilala ko sila isa't isa pero naging sarcastic lang sila. Ewan ko ba.



"Oo, di ko rin inexpect kasi hindi ko naman sya kabatch pero kailangan daw sila don in case na magkaroon ng emergency." I shrugged.


"Sana all naman. Magkasama ba kayo the whole time?" Seryoso nyang tanong.



I chuckled. "Ow, jealous dog." Sabi ko habang nakangiti.



"Ya, yeah. So what? Normal yun sa taong may pagtingin." He winked at me.



Natahimik naman ako. Pinagpatuloy ko ang pagkain. Lagi syang ganan. May paraan sya para patahimikin ako.



"Yahir?... Oh my gosh. Hi?" Bigla akong nag angat ng tingin sa babaeng huminto sa harap namin.



"Hi Kathy. Long time no see." He smirked and i don't like it.



"You missed me? Ow boy." Malanding ani ng babae.



Tumuwid ako ng upo para tingnan sila. Hello guys I'm here pa. Umirap ako dahil parang wala ako kung mag usap sila. Malandi!



Yahir chuckled. "It's been awhile huh? Lalo ka atang gumanda Kat." Ani Yahir.



"I know right. By the way, are you single?" Tanong ng babae.


Napatingin sakin si Yahir na para bang don nya lang naalala na kasama nya ko. Putcha? Nag init agad ang ulo ko. Tumayo ako saka naglakad papuntang parking lot, hindi na hinintay ang sagot nya sa babae dahil alam kung sasabihin nyang single sya. Yes, because the girl is pretty. Oh, boys. Nasa kotse nya ang bag ko kaya hindi din ako makauwi. Buset!



Hinintay ko sya dahil nakalock ang pinto ng kotse nya. Hindi naman ako nagtagal dahil agad syang sumunod sakin. Napairap ako.


"Hey hey." Aba, ang gago tawang tawa pa.


"Oh? Asan babae mo? Lakad at lumandi." I said in sarcastic way


"Nasa harap ko." Nakangiti nyang saad.


Kumunot ang noo ko at umirap ng marealize yung sinabi nya. Playboy nga.


"Uuwi nako, bumalik ka nalang dito pagkatapos mo kong ihatid samin." Umirap ulit ako.


He just chuckled. Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Naiirita ako dahil sa ngisi nya. Lol, tuwang tuwa?


"Ngayon, ikaw naman ang nagseselos?" Sabi nya ng huminto kami sa tapat ng bahay.


"I'm not. Assuming." Binuksan ko ang pinto ng kotse para makababa nako.


Pinigilan nya ko.



"You're jealous." He smirked again.


Lalo akong nairita dahil don. Nako, kauuwi ko lang pinapainit na ang ulo ko.



"Hindi nga at bakit ako magseselos? E, hindi naman tayo?!" I yelled at him.



Agad akong bumaba at dumiretso sa gate.



"Hindi mo pa kasi ako sinasagot Miss pero handa akong maghintay, promise." Sabi nya.



Humarap ako sa kanya at tiningnan sya ng masama bago ako pumasok sa loob ng bahay. Agad akong sinalubong ni Mommy ng yakad. Nakita ko ang mga Kuya ko sa sala kaya doon ako dumiretso. Pumunta naman si Mommy sa kusina dahil nagluluto sya ng hapunan.


"Hi baby." Kuya Brayden kissed my cheek.



"Fresh from Baguio." Ani Kuya Lin sabay halik sa pisnge ko.



Humalik din si Kuya Wyatt na hindi inaalis ang paningin sa laptop. Nanood sila Kuya Lin at Kuya Bray ng movie. Nagpaalam ako saglit para magpahinga. Inilagay ko sa tabi ng kama ang bag ko. Mamaya ko nalang aayusin, kailangan ko muna ng pahinga.


Humiga ako sa kama saka pumikit. Nakakapagod. Hindi pa umaabot ng minuto ang pagpikit ko ng tumunod ang phone ko.



"Bakit?" Tanong ko kay Tin dahil sya ang tumawag.


"Sinagot mo na ba si Yahir?" Mataray nyang tanong.


Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi nito.



"Hindi pa?" Patanong kong sagot dahil naguguluhan ako.



"Gaga ka, punta ka sa Twitter. Goshy lang." Sabi nya.



"Bakit? Anong gagawin ko sa Twitter?" Tanong ko.


"Try mong kainin kasi ibon yun. Yak, corny at the same time so gross." Ayaw sumagot ng maayos ang gaga.



"Ano nga? Baliw ka ba? Pagod ako tapos mambubulabog ka? Sana nagpahing-" She cut me.


"Ginigiba ni Papa Yahir ang Tweeter te, tingnan mo nalang kasi. Arte ka pa porket may Yahir ka. Akin nalang si Rowan gurl." Pinatay ko ang tawag nya.



Agad kung binuksan ang data ng phone ko saka inopen ang App ng Tweeter. Wala namang kakaiba ah? Pinagloloko ako ng pucha. Nag scroll scroll lang ako hanggang sa nakita ko ang post ni Yahir na shinare ng kaklase ko. Agad na nalaki ang mata ko ng mabasa yun at pinindot para makita ang original post nya.


Yahir. 

@YahirHardison

I'm taken, sorry.

15 minutes ago .

39.5 Retweets     56. 8 Likes




What the? Umiling ako para hindi mag assume. Sino ba jowa nya? May iba pa ba bukod sakin? Kung makapagsalita ako tangena. Sino? Sinong tinutukoy nya? Binasa ko ang mga comments. Yanig nga ha? Daming fans ng pwet. Ang daming nagtatanong kung sino daw yung babae, ako din naman, yun ang tanong ko. Nagulat ako ng may post ulit sya. 1 minute ako. Nanlaki ang mata ko dahil don.



' With Sariah.'



Potek? Di ako nainform, lol. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ano bang ginagawa mo Yahir?! Alam mo namang nasa Pinas tayo, ang daming issue jusko!








All Cried OutWhere stories live. Discover now