Chapter 22

57 1 0
                                    

"Ayoko nga." Kanina pa ako tumatanggi kay Tin sa pag aaya nya.

May pupuntahan daw kami pero wala ako sa wisyo para don.  Kahapon pa kasi walang paramdam ang lalaking Yahir, pumapasok sa isip ko na baka ayaw nya na sakin kaya wala syang paramdam pero isinasantabi ko yun dahil baka busy lang sya. 

Nasa condo kami ngayon. Ito yung regalo ni Mommy at Daddy nung birthday ko. Tatlong araw na ang nakakalipas. Kalilipat ko lang kahapon. Bad trip ako simula kahapon pa. Nagulat nalang ako nang nakita ko sila sa harap ng condo ko at nagyayayang gumala.

"Bilis na, treat ko kayo. Minsan lang ako manlibre sis. Tara na." Pilit ni Tin.

"Oo nga Sari. Please." Ani Ash.

Napabuntong hininga ako. Tumayo ako sa pagkakaupo sa couch. Maggagabi na pero hindi pa ko kumakain.

"Wait me here. Maliligo lang ako." Pumasok ako sa kwarto.

Narinig ko ang sabay na 'Yes' nila sa sala. Naghanap ako ng maisusuot. Pinili ko ang isang oversized  striped shirt na kulay black and white at black reap jeans. Sandali lang akong naligo dahil naligo nako kanina. Lumabas ako sa kwarto at agad nila akong pinasadahan ng tingin bago sila tumingin sa isa't isa, sabay silang tumango.

"Tara, ang bagal mo. Gutom nako." Ani Ash.

Sinuot ko muna ang white shoes ko bago kami umalis. Sumakay kami sa kotse ni Ash pagkadating sa parking lot. Panay ang lingon ko sa cellphone habang nasa byahe, nagbabakasakaling nagtext si Yahir pero wala. Mas lalo lang akong naiinis. Ghoster ba yun? Hinilig ko nalang ang ulo ko sa bintana.

"Bakit ang bigat ng awra mo gurl?" Lumingon sakin si Tin mula sa unahan.

Umirap ako bago sumagot. "Ang lintek na Yahir walang paramdam simula pa kahapon." Matabang kung sambit.

Bahagya silang natawa dahilan ng pag irap ko ulit. Ano bang nakakatawa? Duh'

"Nighost ka? Hahaha. Malay mo may inaasikaso lang." Nilingon nya si Ash na nagdadrive.

"Edi dapat nagsabi sya. Epal." Umirap ulit ako.

"Wala namang kayo ah? Bat ka gagalit?" Nagtawanan silang dalawa.

Lalo akong bumusangot. Porket walang kami hindi ako pwedeng maging ganto? Nahanap lang naman ako ng timing e. Habang nasa byahe patuloy akong iniinis ng dalawa hanggang sa huminto kami. Kumunot agad ang noo ko ng makitang nasa parking lot kami ng isang hotel.

"Gaga, ang gagawin natin dito?" Agad kung tanong.

"Kakain? Boba." Ani Tin.


Anong kakain? Pwede namang sa mall o kaya sa restaurant. Bakit sa hotel? Ang syosyal naman. Pinagsawalang bahala ko nalang ang kaartehan nila, hindi naman ako ang gagastos kaya okay lang. Dumiretso kami sa reception, kinausap nila yung babae don habang nasa likod nila ako. Humarap sila sakin at ngumiti. Nauna silang pumasok sa elevator, sumunod lang ako.

"Ang yaman nyo naman? Sa room pa tayo kakain?" Kunot noong tanong ko.

Tumawa sila. "Tumahimik ka nalang, hindi naman ikaw ang gagastos. Ganto kami kayaman." Ngumisi si Tin saka bumungisngis.

Tumunog ang elevator. Sumunod ako sila ng naglakad patungong rooftop. Medyo nahuli ako dahil tingin ako ng tingin sa phone ko. Bigla silang lumiko kaya nawala sila sa paningin ko. Ang bilis maglakad ng mga gaga. Bumilis ang lakad ko para abutan sila. Lumiko ako sa dinaanan nila pero hindi ko na sila makita.

Luminga linga ako habang pinagpapatuloy ang paglalakad patungung rooftop. Kinabahan ako ng matanaw ang madilim na daan sa harap ko.

"Tin?...Ash?... Asan ba kayo?" Para akong baliw dahil dahan dahan akong lumapit sa madilim na daan.

Napahawak ako sa dibdip ko ng bumukas ang ilaw sa gilid ko dahilan para lumiwanag ng konti pero hindi iyon sapat para matanaw ko ang daan sa harapan. Maglalakad na sana ako ng makita ang isang sulat na nakadikit sa pader.

'I still remember the feeling when i first saw you.'

Humakbang ako matapos ko yung mabasa at tulad kanina, umilaw din ang nasa gilid ko at may naka sulat din don.

'My worst enemy is my heart because it is mine, but beats for you only.'

Humakbang ulit ako...


' I smile every time i hear your voice.'

' My heart is perfect because you are inside.'

Ang kaba ay napalitan ng pagtataka habang papalapit ako sa pintuan ng rooftop.

' Sariah i'm waiting. Please hurry up.'

Bahagya akong natawa sa huling mensaheng nakadikit sa pinto. Tinulak ko ang pinto para magbukas ito. Isang hakbang palang papasok doon ay agad na naglandas ang mga luha ko. Hindi kong inaakalang ganto pala ang mangyayare sa pag aaya ng magkaibigan kong lumabas. Tinakpan ko ang bibig ko sa sobrang pagkabigla.


My family,Yahir's family, friends and Yahir. Nasa harap ko lahat sila at nakangiti. Ang sahig na punong puno ng mga talulot ng rosas na puti habang ang harap ko ay kulay pulang talulot na hugis puso. Ang kadilang naka hanay sa harap ko na para bang nagmistulang daanan papunta sa harapan. Ang mga puting christmas lights na nasa taas ang nagpapaliwanag sa buong paligid. Nagtilian ang mga babae ng lumapit sakin si Yahir. Nakasuot sya ng itim na long sleeve na tinupi hanggang siko. Mas lalo akong naiyak dahil kumakanta sya kahit na nanginginig ang boses nya sa kaba.

Pinunasan nya ang luha ko. "I don't know what to say Sari..." Kinakabahang aniya.

"Hindi ko maipapangakong magiging perpekto ako... but i will do everything to make you happy...." Lumuhod sya sa harap ko.

Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko. "Sariah Zadie Fryxell..will you be my girlfriend?" Nakatingala sya sakin.


Patuloy na lumalandas ang mga luha sa mukha ko. Sunod sunod akong tumango sa kanya. "Yes, Yahir Hardison."

Agad syang tumayo at niyakap ako, halos di ako makahinga. Nagsigawan ang mga taong nakasaksi sa oras nato. Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at nakangiting hinalikan ako sa noo. Hinataw ko naman ang kanyang braso ng maalala ang ginawa nyang hindi pagpaparamdam.


"Nakakainis ka! Akala ko ayaw mo na sakin kaya di ka na nagtetext o tumatawag!" Patuloy ko syang hinampas habang umiiyak.

Natatawa nya naman itong sinasanggi at iniilagan. Hinawakan nya ang dalawa kung kamay para tumigil ako sa aking ginagawa.

"Part of the plan babe." He winked.


Wow ha? May endearment agad ang mokong. Tinawag na kami nila Mommy para kumain. Hawak kamay kaming humarap sa kanila. Lalong nadagdagan ang saya ko dahil lahat sila ay narito.


Hindi ko maiwasan tingnan si Yahir habang kumakain sa tabi ko. This is our first day as a couple. Hindi ko maiwasang kiligin sa ginawa nya. Naramdaman nya atang nakatingin ako sa kanya kaya sya lumingon. Kumunot ang noo nya pero agad ding ngumiti.

_______*

(A/N)

Slow update hehe :>

Ty!

All Cried OutWhere stories live. Discover now