I said, "Can you give it back to me?"
She said, "Never in your wildest dreams."
And we danced all night to the best song ever.
We knew every line. Now I can't remember
How it goes but I know that I won't forget her
'Cause we danced all night to the best song ever.

Tumatalon talon pa kami habang nakikikanta sa tugtog kahit panu nakakalimutan ko sya pero hindi maiwasan na tumama yung mata ko sa kanila lalo ko nilakasan ang pagkanta nung makita ko parang hinalikan ni kuya si Pear sa pisngi... I know her hindi sya papayag na gawin yun ni kuya kung hindi nya gusto.

I think it went oh, oh, oh
I think it went yeah, yeah, yeah
I think it goes oh

Sige pa rin kami sa sayaw pawisan na ako pero ang puso ko naman ay luhaan hindi ko alam kung bakit si Pear na lang at kuya ang nasa table nila bakit wala si Tei I couldn't care less since parang nilulunod sa asido ang puso ko.

Ilang dance song pa ang tinugtog nila then they played a song alam ko ang title nya ay WHY CAN'T IT BE?

"Pare pwede hiramin si ex baby" biro ni Aidan kay Xen.

"Akala ko hindi ka na darating dude para iligtas ako sa kanya" natatawang sabi ni Xen bago umalis.

Hinapit ako ni Aidan palapit sa katawan nya nagpaubaya na lang ako may tiwala naman ako kay Aidan dahil kahit minsan he never took advantage to me.

"Bakit malungkot ka?" bulong nya sa akin.

Pakiramdam ko may kakampi ako hindi ko maiwasan na halos yumakap ako sa kanya mainit ang katawan nya gusto ko umiiyak pero walang luhang pumapatak sa mata ko...pinikit ko ang mata ko...

"Natulog ka na yata" biro nya sa akin.

Nangingiti akong nagmulat ng mata then our eyes meet... hindi ko inaasahan na magtatagpo ang direction namin ni Pear.

Walang kumukurap...

Hindi ko namalayan na sumasayaw din sila ni kuya...

Blank ang expression nya.

Hindi ko alam kung nakikita nya sa mata ko ang selos...

Sa bandang huli ako ang hindi nakatiis ako ang umiwas ng tingin...

Hanggang matapos ang kanta hindi na ako tumingin pa sa direction nila...

Bumalik kami sa pwesto namin panay inom tawanan namin kasama namin si Lime at Aidan.

"Ang sweet ng brother mo kay Pear ah" bulong ni Lime.

Tumingin lang ako sa kanya sabay irap.

"Hahayaan mo ba na maging sila ulit?" kulit pa na tanong ni Lime.

Inom naman ako ng alak kunwari hindi ko sya naririnig.

"Panu na yung pagsinta mo sa kanya?tsk! kawawa" pangiinis nya pa sa akin buti na lang ang lakas ng tugtog at hindi kami naririnig ng mga kasama namin sa table.

"Lime anu ba?ang sakit na nga dinadagdagan mo pa!" iritable kong tanong sa kanya.

Tumawa pa sya ng pang asar "akala ko nung una kita makilala go getter ka yun pala----".

Asar na tinulak ko sya palayo sa akin "makukuha ko din sya!".

"Really?bilisan mo pong pagong!" asar nya sa akin.

Akmang tatayo ako ng pigilan nya ako "san ka pupunta??".

Natawa ako sa expression nya parang natakot "tange! mg-cr lang ako noh chillax".

Nagkatawanan pa kaming dalawa...medyo nahihilo na ako alam ko na may tama na ako kahit panu sa dami ba naman ng nasa table namin.

Pagpasok ko ng wash room binasa ko ang mukha ko...

My Hottie Blast From The Past (completed)Where stories live. Discover now