Only Yours

18.4K 492 23
                                    

SWAN

"Oh bat nakasimangot ka? nag-cr lang ako busangot ka na" biro ni Xen sa akin pag-balik nya.

Naiinis pa rin ako nakikita ko kung panu kinukulit ni kuya at ni Tei ang tattie ko kahit na nga ba mukhang hindi nageenjoy si Pear ayoko pa rin nakikita na my mga umaaligid sa kanya.... oo nagseselos ako hindi ko mapigilan.

"Wala,nakita mo na ba si Aidan?" pag-iwas ko sa topic ayoko naman aminin kay bff na kahit sarili kong kapatid pinagseselosan ko.

"Ah nasa taas daw sabi ng bartender halika na pwesto na tayo dun oh" nguso ni Xen sa isang pwesto good for 5-6 person.

"Sige mauna ka na hintayin ko lang yung order natin".

"Ak----".

Nanlaki ang mata ko "sabi ko umuna ka na tsupi!".

Walang nagawa si Xen kundi sumunod sa akin, sorry bff nadadamay ka sa inis ko.

Um-order ako ng cocktail drinks for me and Xen, habang naghihitay hindi ko maiwasang mangalumbaba sa counter.

"Oh malas yan sa negosyo".

Tumingin ako sa nagsalita.

"Liiiimmmmmeeeeee ikaw talaga sumusulpot ka pag malungkot ako" masayang boses ko agad na yumakap ako sa kanya.

Natatawa naman sya na kumalas sa pagkakayakap "welcome sa bar ko, co-owner ako dito".

Nangingiti pa rin ako "so kayo ni Aidan ang may ari nito??".

"Yup panu mo naman nakilala si Aidan?" sabi nya habang naupo ulit kami sa counter.

"Uhm ex-boyfriend ko sya".

Ayan na naman yung mapanuksong tingin nya sa akin "aba craddle snatcher pala itong si Aidan".

"Excuse me 18 na ako nung maging kami hindi lang talaga tumagal".

Tumawa sya "aba akalain mo 18 ka pala akala ko 13 ka lang" tawa ulit.

Natawa na din ako panandalian ko nakalimutan yung inis ko kay Pear.

"Saan ang pwesto nyo?".

Itinuro ko yung pwesto namin kumaway pa si Lime kay Xen.

"Mamaya pupunta ako sa pwesto nyo mag dry run muna kami sandali ng banda sasabihan ko rin si Aidan ok?".

Tumango lang ako.

"Oh tapos na pala ang order nyo halika na tulungan kita magdala" sabi nya bago mabilis na dinala ang mga baso nasa tray.

Nang marating namin ang pwesto namin nag-apir pa si Lime at Xen natatawa ako kasi Feeling close din si Lime.

Bago umalis bumulong pa sya sa akin "wag ka magselos sa kasama nya kasi lagot ka for sure ang sama ng tingin sayo ni ate" sabay tawa.

Huh???

Maya-maya pa ay dumating na sila Arla at Jyothy afterwards nagsimula na tumugtog ang band ni Lime.

First key pa lang na-excite na kami ni Arla agad na hinila namin si Xen at Jyothy sa dance floor... sino ba naman ang hindi fan ng one direction???.

Maybe it's the way she walked
Straight into my heart and stole it.
Through the doors and past the guards
Just like she already owned it.

I'm swaying to the song habang tila nahihiya pa si Xen inilagay ko ang kamay nya sa bewang ko ganyan naman parati si Bff kunwari pahiya hiya pa pero mamaya bigay todo na.

My Hottie Blast From The Past (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon