20 : The Sixty-Nine

Começar do início
                                    

Namili ako ng mga gulay at nilagay sa trolly.

" Babe gusto ko 'to" Nakita kong may kinuha si Gigs na sitaw.

Favorite niya ang sitaw. Ewan ko ba kung bakit. Basta gustong gusto niya ng sitaw.

Kinuha ko iyon at chineck muna bago ko nilagay sa trolly. Kumuha pa ako ng tatlo pa nun. Nakita ko siyang napangiti sa ginawa ko.

Pagkatapos namin sa mga gulay, sa fish and meat section naman kami pumunta. Nakatingin lang siya sa akin habang namimili.

" Galing mo naman mamili Babe. Puwede na pala kitang asawahin eh" Bulong niya ng makaalis kami sa meat section.

" Gregoryo, hindi sa pagpili ng karne nakabase ang pag-aasawa." Sagot ko habang nakatingin sa mga frozen foods.

" Babe naman. Ayaw mo lang akong pakasalan eh." He said more before getting some hotdogs. Iyung kulay brown ang gusto niya, chicken flavor. Ewan ko ba, ayaw niya nung kulay pula.

Kumuha din ako ng sausage at iba pang delata. Hindi ako masyadong kumuha nung delata at frozen foods dahil ayoko namang ganon palagi ang ipakain ko kay Gigs.

Like the usual, he paid for the groceries. Umabot kami ng 5,000 pero parang barya lang iyon sa kaniya. Pansin ko ding nakatingin sa kaniya iyung cashier na babae. Palaging ganon tuwing lumalabas kami. Hindi ko mapigilang hindi mapansin ang mga simpleng pagsulyap sa kaniya nung mga babae. Tsk palibhasa may itsura.

Palibhasa guwapo.

Hindi na ako umarte pa. E ano ngayon kung naguguwapuhan sila kay Gigs? Bakit? Sila ba mahal ni Gregoryo? Hindi naman diba? Ako kaya mahal nito.

May sukli pa kaming 69 pesos. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako na may sukli pa o ano.

Nakitang kong ngumiti si Gigs at tumingin pa sa akin. Tsk addict. Iba na naman nasa isip niya.

" Thank you" I smiled. Kinuha ni Gigs iyung mga pinamili namin at siya na naghawak lahat. Wala manlang siyang pinahawak sa akin. Sabi niya kaya niya daw.

" Tawang tawa ah. Huwag ka ngang tumawa. Gregoryo ha, hindi na nakakatawa iyang ginagawa mo" I warned him but he just continued laughing while we were walking at the parking lot.

" Oh bakit? Kung may maganda akong naisip sa 69?" He even said. I rolled my eyes. Hindi ko na siya sinagot pa. Kakainis kaya kase.

Nang makarating kami sa kotse niya ay agad niyang nilagay sa likod nito ang mga pinamili namin.

" Babe anong oras na?" Tanong niya sa akin pagkatapos.

Tumingin naman ako sa relo ko.

" Nine na. Bakit?" Tanong ko pabalik.

" Gusto mong manood ng sine? May bagong action nakita ko showing" He said.

Okay. Baka gusto niyang magrelax sandali kaya nagyaya ng sine.

" Anong palabas? Tara?" I swear I saw him smile. Ang ganda pa ng ngiti niya.

" Halika nga dito. Payakap" He said. Nanlalambing lang. Lumapit naman ako para yakapin siya. It just felt true and real when I am in his arms. Parang lahat totoo sa kaniya.

" Pero kung pagod ka na Babe. Okay lang na umuwi na tayo" I've never thought this Jaguar is actually this caring.

Umiling ako.

" Tara na nga kase. Ano ba kaseng nakita mong bagong movie at ng mapanood na natin." I told him.

Napanguso siya

" Baka ayaw mo Babe. Hindi naman iyun romance eh. Action iyun. Baril barilan tapos upakan. Bawal sa 'yo iyun dapat eh" He told me.

" E ano naman ngayon kung ganon?"

" Mahirap na Babe. Baka gawin mo sa akin" Loko talaga.

" As if naman hahayaan mo akong saktan ka" Sagot ko pabalik.

" Masokay na iyun Babe kaysa ikaw ang saktan ko." Makahulugan niyang wika.

Hindi na ako sumagot pa. Nawawalan ako ng boses sa mga banat niyang iyun eh.

NAGLAKAD kami papuntang Cinema 4 para sa gusto niyang panoorin. Showing na ito kaninang alas nueve pa pero okay lang dahil hindi naman masyadong malayo iyung agwat ng panood nang makarating kami sa sinehan.

" Sir dalawang magkahiway nalang po na umpuan iyung available sa center." The woman infront if the monitor said.

" No, look at the left or right wings for vacant seats. Iyung magkatabi" Gigs said. Ginawa naman iyun nung babae na halos mapako na ang mga mata kay Gigs. Binayaran na ni Gigs at kinuha iyung ticket namin bago kami pumasok sa loob ng sinehan.

" Ba't di mo kinuha sa center. Masmaganda iyung spot dun" Wika ko habang naglalakad kami papunta sa upuan na napili niya.

" Ayoko ng hiwalay, Babe. Walang hiwalayang magaganap" Hanu daw? Para upuan lang eh.

Nilakad namin hanggang sa upuan namin. Nang makarating kami ay agad niya akong pinauna ng upo bago siya naman.

Tinanggal niya din iyung jacket niya at nilagay sa binti ko.

" Nakashorts pa kase eh. Pinapakita pa sa iba" Wika wika niya habang nilalagay sa binti ko. E hindi naman kase siya nagsasabing gusto pala niyang magsine di sana naghanda ako.

" Nood ka na nga. Gets ko na okay. Sorry na nga" Bulong ko nalang sa kaniya para tumigil na.

Umupo siya ng maayos at kinuha ang kamay ko bago pinagsiklop sa kamay niya.

Ang lamig nga dito sa loob. Lalo na kapag tumatagal, parang maslalong lumalamig.

Nasa kalagitnaan na kami ng panood ng maramdaman ko ang antok ko. I rested my head on his shoulder as I tried so hard to stay awake.

" Antok ka na Babe? Tulog ka na. Kuwento ko nalang sa 'yo mamaya" He kissed my forehead as I took that chance to close my eyes.

HINDI ko na namamalayang nakatulog pala ako sa buong magdamag ng palabas. Tapos na ng gisingin ako ni Gigs.

" Babe, gising na. Uwi na tayo" Wika niya. Oh shit! Natulog nga talaga ako.

" Uhm sorry. I over slept" Paumanhin ko. He just smiled.

" It's okay, Babe. Ang sweet mo nga eh. Humihilik ka pa" Then he chuckled. Asar talaga.

" Himihilik ako tapos hindi mo manlang ako ginising. Kakahiya tuloy" I told him when we were already walking out.

" Sweet kaya non Babe. Dahil kahit pagod ka na, sinamahan mo parin akong manood." He said then kissed me on the lips.

" Uwi na tayo. Pagod ka na eh." He whispered afterwards.

Tumingin ako sa kaniya at nginitian siya.

" I love you, Gregoryo" I whispered back.

Nakita ko siyang ngumiti ng malapad.

" Alam ko. Ramdam ko palagi. I love you, Melissa ko" Sagot niya bago nilagay ang braso niya sa balikat ko.

-----

Updated : May 13, 2020 Wednesday 8:30 AM

Concealed Identity (Completed) [R-18]Onde histórias criam vida. Descubra agora