Kabanata 22

219 22 5
                                    

Twelve days na lang. Twelve days na lang at matatapos na ang season three ng quarantine na ito. Handa na ba ako harapin ang normal na araw at mga pagbabago sa buhay ko? Huminga ako ng malalim at bumangon na sa kama.

Kahit pinayuhan na ako ni Jav noong isang araw ay tinuloy ko pa rin, makulit eh. Patuloy kong pinapalayag ang AveRin na sinasabi ni Steph, pero hindi ko alam kung paano ko ito tatapusin.

“Hey,”paglingon ko ay nakasilip si Jav sa pinto habang nag-aayos ako ng hinigaan ko.

“Wow!”nagulat ako kasi nakita ko siya na sinilip ako dito sa loob ng kwarto ko, first time.

“Bakit?”tanong niya sa akin.

“First time mo akong pinuntahan dito at hindi chinat”sabi ko sa kanya tapos natawa naman siya sa akin.

Totoo naman kasi, palagi niya akong chinachat kapag kakain na o may sasabihin siya.

“Kakain na”he said.

I smiled. “Okay”

“First time yata na hindi manok ‘yung ulam natin”natatawang sabi ko. Pork barbeque ang ulam namin ngayong tanghalian.

Sa buong quarantine season na puro manok ang ulam namin, naiba na ngayon.

“Hindi ko alam kung masarap yan”sabi sa akin ni kuya tapos tinignan siya ng masama ni Jav.

“Bakit?”tanong ko.

“May halo yatang sama ng loob ang barbeque”natatawang sabi ni kuya.

Tinignan siya ng masama ni Jav dahil sa sinabi ni kuya at patuloy naman sa pagtawa si kuya. Pinagmamasdan ko ‘yung ulam namin ngayon na mukha namang masarap, hindi ko na sila pinansin at nauna na ako sa kanilang kumain kasi gutom na talaga ako.

Akala ko merong nagsusunog ng basura sa likod ng bahay, si Jav pala ang nagiihaw. Tinikman ko ‘yung inihaw ni Jav na pork barbeque, ang sarap parang walang halong sama ng loob.

“Okay naman ah”sabi ko kay kuya.

“Wala ka bang nalasahan na sama ng loob sa pagkain?”tanong sa akin ni kuya.

Umiling ako. “Bakit ano bang meron?”

“Wala! Hindi mo ako sinuyo kagabi”sagot ni Jav.

Ayan na naman siya, nagsusungit na naman ang Jav namin.

Napatingin ako sa cellphone ko dahil nagmessage sa akin si Darin, automatic talaga ang ngiti kapag nakikita ko ang pangalan niya sa notification ko. Binilisan ko ang pagkain ko para mareplyahan si Darin, here we go again.

“Anong papanoorin natin ngayon?”tanong sa akin ni kuya.

“I don’t know”I replied. Parang lahat na yata ng magandang series ay natapos na namin dahil sa quarantine na ito.

“How’s your investment?”

“What investment?”binalik ko kay kuya ‘yung tanong ko dahil wala naman akong maalala na naginvest ako sa isang bagay.

“The feelings that you invested to Darin”he replied.

I chuckled. “I don’t know, we’re sinking”

“Ay lulubog na ang AveRin?”asar sa akin ni Jav tapos natawa na lang ako at hindi nagalit sa kanya.

Kung lulubog man kaming dalawa ni Darin, pipiliin ko pa rin ang sarili ko kaysa sagipin at habulin siya.

“Lahat naman kasi ng shinip ni Steph, lumulubog”natatawang sabi ni kuya.

“Exactly!”Jav said.

“Kaya ako nagagalit kapag shinisip niya ako kay Ave e”kahit ako ay natawa dahil sa sinabi ni Jav.

May point naman kasi siya. Iyong unang shinip ni Steph ay AveGuel, hindi nagtagal ay ginhost ako ni Miguel. Ngayon naman AveRin, pinakilig lang ako saglit tapos mawawala na rin.

“Akala mo naman magiging tayo”pabirong sabi ko kay Jav. Kung kasama lang si Jav sa pagpipilian, sigurado ako.

Siya ang paulit-ulit kong pipiliin at hindi ang mga nauna, kaso kung A-Z ang choices, hindi ko siya makita kung na saan siya roon.

“Akala mo rin naman gusto kita”sagot niya.

Mahirap ipilit ang sarili sa taong hindi naman ako ang gusto. Masasaktan na naman ako.

“Sus! Kapag talaga kayo ang nagkatuluyan, ewan ko na lang”awat sa amin ni kuya tapos tinawanan lang namin siya ni Jav.

Alam kasi namin na hindi iyon mangyayari, magkaibigan lang kaming dalawa ni Jav.

“Kapag ba naging kami ni Jav, magagalit ka?”tanong ko kay kuya.

Umiling siya. “Mas gusto ko na kayo na lang”

“Lahat kaya ng shiniship ni Aiken nagkakatuluyan, Ave”natawa lang ako noong sinabi iyon sa akin ni Jav, maniniwala ba ako?

“Walang makakapag-palubog sa AveRin”sabi ko sa kanilang dalawa
sana nga ay tama ako.

Sana nga ay pagkatapos ng quarantine ay lumayag pa rin kaming dalawa.

We Both Swiped RightWhere stories live. Discover now