Kabanata 9

303 31 22
                                    

Jav, 20

Hey, Ave


Whaaaaat!

Kain na hahah

Bakit dito mo
pa ako chinachat?
pwede naman

sa messenger


Para unique hahaha

K

Inawan ko ‘yung cellphone ko sa kwarto tapos bumaba ako sa kusina kung saan naabutan ko sila na kumakain na. Nakangiti sa akin si Jav noong nakita niya ako, saya niya ah.

Ngayon lang ba naka-experience na may makachat sa Tinder? Tuwang-tuwa na sa Tinder niya ako kinausap, ang babaw talaga ng kaligayahan ni Jav. Sabagay wala naman kaming pinag-uusapan sa messenger.

Puro lang na saan kuya mo? Sabihin mo sa kuya mo reply siya. Kuya mo? Sabihin mo sa kuya mo. Ginawa pa akong tulay para magusap silang dalawa.

“Funny that we both swiped right”Jav said.

“Tuwang-tuwa ka naman”I chuckled.

“Can I check your Tinder feed?”binigay sa akin n Jav ‘yung cellphone niya tapos nakita ko na ako nga lang ang kamatch niya.

He’s not lying. Pagbalik ko sa feed niya ay sinwipe right ko lahat ng mga babaeng nasa feed.

“What are you doing?”tanong niya sa akin tapos binalik ko sa kanya ‘yung phone niya.

“Para hindi ako na ako ang kinukulit mo”I answered.

“Ayoko nga magkaroon ng quaranfling sa Tinder”natatawa lang si kuya sa usapan naming dalawa ni Jav, pero alam ko na may ibig sabihin ang mga tawa’t ngiti niya.

“Sa landi mong ‘yan, Jav?”nakangiting sabi ni kuya sa kanya.

“I can’t see any reasons para hindian ka ng mga babae--- look at you, almost perfect”I said.

Jav smile. “Eh bakit hindi na lang ako piliin mo?"

“Tropa kaya kita!”sagot ko.

“Gutom lang kayong dalawa, kain na”awat sa amin ni kuya tapos heto na naman.

Pinaguusapan na naman nila ang paborito nilang subject na Chemistry, hindi ko nga alam kung paano nila naging favorite iyon. Ang gulo kaya ng subject na iyon, ang hirap intindihin atsaka ang daming computations.

“Ano palang agenda natin ngayong araw?”tanong ko ni kuya kay Jav.

“Inisin si Avery”natatawang sabi ni Jav.

Noong tignan ko si Jav ay inirapan ko siya, palagi na lang niya akong iniinis. Wala na siyang ibang ginawa kung ‘di ang inisin ako at parang hindi kompleto ang araw niya kapag hindi niya ako iniinis.

“Wala ako dyan”sagot ni kuya tapos patuloy lang si Jav sa pagtawa.

Alam ko na masama mag-isip ng masama sa kapwa, pero sana mabulunan siya.

Pagkatapos ko kumain ay nanood ulit ako ng movie sa Netflix. Afternoon routine, here we go again. Hihintayin ko na naman gumabi para matulog.

Binuksan ko ang twitter ko kasi ilang araw na rin akong hindi nakakapagtweet, nakita ko rin na nagmessage sa akin si Darin at hindi ko alam kung bakit ako napangiti na parang sira-ulo.

@AveKleinSuarez
I’m so bored! What to do?

Nagtweet ako tapos chineck ko ‘yung notifications ko, puro likes and retweets lang mula sa mga kaibigan ko na bored na rin sa quarantine na ito.

We Both Swiped RightWhere stories live. Discover now