Chapter 16: Words

11 0 0
                                    

Chapter 16: Words


Hindi na ako nag-abalang magsalita pa. She's a little bit scary, the Wolf Queen. Who wouldn't be? I have this feeling na grabe ang ginawa ng pamilya niya noon sa kaniya. Pinahirapan ba siya? Sinaktan ba siya? Inabuse? Napailing na lang ako sa aking naiisip. Stop this nonsense thing, Val.


Kumalas na ako sa itinali sa aking mga kamay, sobrang higpit nito. Fvck!


"Uhm... Can you help me po?" The old woman nodded at kaagad pumunta sa likuran ko para tanggalin ang tali dito. Shit, my wrists is so red, fvck that man!


"T-Thank you..." hindi man lang ako makatingin sa kaniya ng diretso.

Nang aakma na siyang tatalikod sa akin hinablot ko ang kaniyang at kaagad ko siyang niyakap. Anong nangyayari sa akin?


"P-Para saan ito, h-hija?" Nauutal niyang tanong sa akin. Agad akong kumalas sa pagyakap. Nabigla din ako sa aking ginawa.


"Kung hindi po kayo dumating siguro alikabok na pa ako ngayon." Pumilit akong tumawa sa harapan niya. The atmosphere here is so heavy. Pakiramdam ko may mga mata pa din tumitingin sa amin.


"No. I'm just doing my job—" napahinto siya sa kaniyang sasabihin at kunot noo ko naman siyang tiningnan. Job?



"What job?" I asked.


"I mean, dapat nagtutulangan naman tayo, diba? Hindi ko gusto na may sumasakit sa aking kapwa." Mabilis siyang nakabawi sa akin. "Pareho naman tayong nakatungtong sa ibabaw ng mundo, pareho tayong mga tao, pero bakit kailangan ng iba na manakit ng kapwa din nila?" Ngumiti ito sa akin.


Yes, she's right. I think they want to hurt their fellow people and that's because of jealousy 'cause they are not contented on what they have. Ilang beses ko na ba itong narinig?



"Why people love to hurt other people? Dahil nangingibabaw na sa kanila ang kainggitan. But remember, perception of others is none of your business." Bakit kahit ang isang simpleng salita ay may malalim na kahulugan kapag siya ang nagsasalita?



"Kahit anong sasabihin nila na masama sa iyo, huwag na huwag mong pakinggan. You have your own path to walk to, don't let the others be a hindrance to your pathway." Tumango na ako sa kaniyang sinabi. Ano pa ba ang laban ng aking mga salita kapag siya na ang nagsasalita?


"Thank you for your deep words. But anyways, pwede ko bang makilala kung sino ang nasa harapan ko ngayon?" Mahina siyang tumawa sa aking tanong. A rare laugh of a grandmother. Hindi ko man lang alam kung sino ang aking Lola.



"You don't need to know, hija. Pero kapag magkikita ulit tayo, sana maging maayos na ang lahat." Hinawakan nito ang aking kamay at marahang hinaplos. "Ang isang puno at ang isang bunga." Umarko ang aking kilay sa kaniyang sinabi. I can't understand what she's talking about.



"A-Ano–" hindi ko pa napatapos ang aking sasabihin ay bigla na lang may isang nakakasilaw na liwanag ang sumilay sa aking mga mata. Nang iminulat ko na ang aking mata ay wala na siya sa aking harapan. Argh! I hated this thing in my whole life. People come and people go. Why they can't just stay? Oh, wala palang permanente dito sa mundo.


Nang naglaho na ang matanda sa harapan ko agad namang lumambot ang aking mga tuhod. Nag-iisa na naman ako. Hinaharap ko ang aking kinatatakutan na mag-isa. Shit! Nasaan na ba si Clency na 'yon?!


"Clency!" Sumigaw na ako nang napakalas pero umalingawngaw lang ito sa loob ng kagubatan. Umalis na ako sa aking pwesto at bumalik na sa gilid ng kalsada. Hindi ko kayang magtagal ng mag-isa doon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mystic UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon