Chapter 14: Apple

11 1 0
                                    

Chapter 14: Apple



Napasapo ako sa noo ko sa aking sinagot, bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko? Damn it! Shit!

Biglang siyang lumapit sa amin na ikinatayo ng balahibo ko. Sunod na sunod din sa kaniya si Aleur, buntot ba siya?


"Uhm..." tumikhim siya at wala sa modong naalimpungatan si Clency.



"What?! Maninira nang tulog," bumuntong hininga ito at bumalik ulit sa pagtutulog.



"Hindi ba at crush mo si Aleur?" Biglang napaupo nang wasto si Clency at hindi makapaniwalang tumingin kay Jervy. Ah, crush niya pala si buntot, kaya pala. I laughed.



"W-What?! Bakit naman ako magc-crush sa kaibigan mo na medyo makapal ang mukha." Napaismid si buntot sa sinabi ni Clency habang ako ay hindi ko na mapigilan ang tawa ko kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Kahit anong oras tatawa na ako.





"Hoy! Hindi makapal ang mukha ko. Gwapo lang talaga ako." Tiningnan ko na ang magkaibigan na makakapal ang mukha.



"Hoy, buntot! Ang kapal talaga ng mukha mo. Pare-pareho lang kayo ng kaibigan mo." Napatakip ako sa bibig, bakit ko sinabi ang buntot dapat akin-akin lang 'yon.



"Buntot?" His eyebrows formed an arch at si Clency naman wala sa modong tinitigan ako. "Why, buntot?"



"Paano naman kasi kung saan pupunta ang kaibigan mo, sunod na sunod ka din sa kaniya. Makapal na nga ang mukha, buntot pa." I rolled my eyes at them.


Pumunta sila sa likod namin, hindi ko alam kung paano nila napaalis ang estudyante na nakaupo na doon. Tinakot siguro o natakot dahil sa mga mukha ng makakapal na magkaibigan.


Padabog silang dalawa umupo dito at habang nakatingin sa labas ng bintana nakita ko sa gilid ng mga mata ko na may tumitingin sa akin. Hindi ko lang ito pinansin.


Nabuhay na ang makina ng bus, so, I think, ito na siguro ang huling tingin ko sa University. Like what they've said, goodbye means going away and going away means forgetting and I will never say goodbye because I don't want to forget this University. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ko ito makakalimutan.


--


Naalimpungatan ako dahil kanina pa may sumisipa sa likuran ng upuan ko. Tumingin ako sa likod, sa pagitan ng upuan ko at ng bintana. Wala sa modo nitong sinisipa ang aking upuan, kanina pa ako inis na inis sa kaniya.


"Tumutulog ang tao, sinisipa mo ang kaniyang upuan. Tanga ka ba?!" Nakasalampok ang kaniyang mga kilay nung tinitigan na niya ako.



"Ay, nakatulog ka na pala? Hindi halata sa mga mata mo." Pabalang na sagot nito sa akin. Kanina may pabigay-bigay pa siyang kuwintas ngayon sinisipa-sipa na niya ang upuan ko. Bipolar ba siya?


Inirapan ko na lang ito at tumalikod na din ako sa kaniya. Napansin ko na nasa Framiya pa din kami, malayo pa din ito sa border ng Sathy. Babalik na sana ako sa pagtutulog kaso biglang nagpreno ang bus dahilan para maumpog ang aming ulo sa harapan ng upuan. Luckily, malambot ito.



Biglang tumayo ang makapal na mukha naming President. "Are you all right?" Nagtanguan naman ang mga estudyante na halatang bagong gising dahil sa nangyari.


"Bwisit." Napamura ito at lumabas na sa bus,  I saw him through the window that he's calling someone in his phone. Tumawag siguro nang tulong sa unibersidad at ang nakapagpalala pa nang sitwasyon namin, the bus is automatic, walang driver, kami lang na mga estudyante. At sino pa ba dito marunong mag-ayos ng sira na bus? Eh di wala. But wait, I have an idea.



Mystic UniversityNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ