Chapter 13: The Painful Past

10 1 0
                                    

Chapter 13: The Painful Past


Isang malakas na bagyo ang humagupit sa lugar ng Halvetica. Maraming buhay ang nawala, maraming pamilya ang nagwatak-watak, marami ang nawalan ng tirahan and I'm standing in the middle of nowhere.

"Anak!" Binalingan ko nang tingin si tatay. "Kumapit ka lang sa lubid!" Sigaw nito at medyo hindi ko pa narinig ang kaniyang boses dahil sa lakas ng hangin at dinagdagan pa nang hindi humihinto na ulan.

"Kailangan natin makatawid sa kabila dahil mas mataas doon." Marami kaming pumipila para makatawid sa kabila pero kami ang pinakahuli sa pila. Marami ang nagsisigawan na bilisan na daw namin bago pa mas lumakas ang alon ng madumi na tubig. We're slowly drowning, we're slowly dying.


"Bilisan niyo!"


"Ano pa ang hinihintay niyo diyan?!"


"Kumapit na kayo sa lubid bago pa ito maputol!"


Marami na ang sumisigaw sa amin, ang iba ay nagmumura na din at hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Kahit anong oras pwede na kaming malunod dito ni tatay at kailangan na talaga naming makatawid sa mas mataas na lugar.

"Ikaw ang una kumapit sa lubid anak! Susunod lang si tatay!" I hugged him tightly na parang wala nang bukas.


"Tatay sumunod ka ha!" Pinatahan na ako ni tatay at hiniwalay niya ako sa kaniya at dahan-dahan niya akong inihatid sa lalaki na siyang tutulong sa akin para makatuwid sa kabila. One person at a time, pero hindi naman ako malaki at nagvolunteer ang lalaki na hindi masyadong kalakihan ang kaniyang katawan na siya ang tutulong sa akin.


Unti-unti ko nang binitawan ang mga kamay ni tatay at hinawakan ko na ang lubid at ginuide na ako ng lalaki para hindi ako madulas sa putikan. Tiningnan ko si tatay na nakangiti sa akin and he mouthed 'I love you.'



Nakatuwid kaming ligtas ng lalaki at andito ako ngayon sa medyo maburol na lugar at tinitingnan si tatay na makatawid dito sa amin at para makasama ko siya ulit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak na naman dahil kahit anong oras parang puputol na ang lubid na hinahawakan ni tatay. Malapit na malapit na talaga siya sa akin, inilahad ko ang kaming kamay sa kaniya at hahawakan na niya sana ito pero sumagi lang ang kaniyang mga malamig na daliri sa aking kamay.


Tuluyan na naputol ang lubid. Inches apart between me and my father, but I don't hold again his hand and I can't hug him again tightly and kiss him in his cheeks.


"Tatay!!!" Gusto ko siyang tulungan pero inanod na ito ng rumaragasang tubig. I can't leave him like this, hindi ako mabubuhay kung wala siya sa tabi ko. I'm nothing without him. Pinigilan ako ng mga tao magtatangka ako sana na lumangoy para iligtas si tatay. Pero wala na akong nagawa kundi umiyak habang tinitingnan si tatay na lumalayo na sa akin at may sinisigaw siya na hindi ko na marinig.


"Hija, huwag ka na sumama sa Itay mo. Sigurado ako na gusto niyang mabuhay ka pa, marami pa ang naghihintay sa iyo, hija." Napatigil ako sa pag-iyak dahil sa sinabi ng matandang babae na pinapatahan ako na nasa gilid ko lang. "Siya lang ba ang kasama mo?" Tanong niya sa akin na bigla ko namang inilingan.


"S-Si Lolo..." nauutal kong pasambit. I have my Lolo.


"Tara na, hija. Wala na tayong magagawa pa." Sinunod ko na ang kaniyang mga yapak.






"Sasakay tayo sa unang bus." Binalingan ko nang tingin si Clency na nakatayo na parang naestatwa.


"What if we can't–" Hindi na niya ako pinatapos sa aking sasabihin.


Mystic UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon