Chapter 5: The Tragedy

54 2 0
                                    


Chapter 5: The Tragedy


After the exhausting night, bumalik na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Naligo muna ako dahil parang malagkit na ang buong katawan ko. After taking a bath, nagbihis na ako at akmang tutulog na pero nakita ko ang kalangitan sa labas ng bintana. The dark sky is filled with stars that flicker, bringing sparks of lightning breaking through it.

I'm wondering kung ano ang ginagawa na ni Lolo ngayon na mag-isa na lang siya sa bahay. Parang ako ang natatakot para sa kanya. Pero pilit ko na lang ito na kinalimutan dahil kung maalala ko si Lolo, I think, he is my weakness but he is also my source of strength.

Pumunta muna ako sa bookshelves at kumuha ng isang fantasy na libro, kahit hindi ko gusto ang mga fantasy parang naganahan ako ngayon na magbasa. Reading books is my kind of stress reliever, umupo na ako sa kama at nagbasa after an hour, hindi ko pala namalayan na nakalahati ko na ang libro. Tiningnan ko na ang orasan and it's already 11:00 in the evening, oras na para matulog.

--

Nagising ako ng maaga, nakakahiya naman na bago ko palang sa University na ito malelate pa ako. Nagbihis na ako ng usual na damit ko, a black blouse, skinny jeans and a rubber shoes. Wala namang uniform dito sa paaralan, hindi sila masyadong strict pagdating sa pananamit. Sinuklay ko na lang ang buhok ko, at nagtooth-brush.

Pipihitin ko sana ang doorknob at bubuksan pero napasigaw na lang ako nang may humawak sa braso ko.

"Miss Croft!"

"Ay putang*ina!" She stares at me na parang siya ay nagulat ko din.

"I'm sorry, hindi ko alam na magulat kita, magugulatin ka pala." Tiningnan ko siya ng masinsinan na parang inspector. "P-Paano ka n-nakapunta dito s-sa l-loob? May power ka ba? Magic?" Takang-taka na tanong ko.

"Bukas ang pintuan mo kanina e, hindi mo siguro na lock kagabi ano?" tanong niya na ikinabigla ko.

"Ni-lock ko 'yan kagabi e! Baka may magic ka lang?!" kinakabahan na talaga ako sa babaeng to. Nung una na ibuksan ko pa lang ang pintuan nakaupo na siya at ngayon andito na naman siya sa loob ng kwarto ko kahit naka-lock. That's weird... so weird.

Iniba niya ang direksyon ng kaniyang paningin, tiningnan niya ang libro na nakapatong sa bedside table.

"Sobrang basa ng fantasy na libro huh?" She asked and now there's a joker smile in her face. "Tara na baka malate kapa sa klase mo."

Wala na akong nagawa kundi ang mapasapo na lang sa noo.

--

Habang naglalakad sa hallway papunta sa next subject ko napatigil ako dahil tumigil din si Miss Elisse.

"What's wrong?" I asked. Napa-paused din ako dahil nakita ko ang mga estudyanteng nagsisitakbuhan and I heard the sound of footsteps grew closer.

Maraming nagpapanic at hindi nila alam kung saan pupunta but Miss Elisse stay calm pero ako namilog lang ang aking mga mata sa nakikita.

What's happening?

Nagtanong si Miss Elisse sa isang estudyante na nadaanan namin. "What is happening? Bakit tumatakbo kayo?" She asked.

"Mayroon daw nangyayari sa labas." Makikita mo sa mga mata niya ang takot. "Hindi namin alam kung ano pero-" hindi na niya napatapos ang kaniyang sasabihin ng may narinig kaming isang nakakabinging ingay sa labas ng University.

"Shit." Miss Elisse whispered. "Let's go!"

Tumakbo kami nang tumakbo pero napahinto ako dahil may nakita akong isang estudyanteng mabilis tumakbo kung tutuusin hindi mo na siya makikita dahil parang hangin na lang siya.

Mystic UniversityWhere stories live. Discover now