"I thought you left" aniya sa mababang boses.

"Paano ako aalis, Zarrick? Wala akong mapupuntahan. Ang tanging iniisip ko na lang ay si ate. Nangangamba parin ako para sa kaniya lalo na at hindi ko siya kasama ngayon. Kaya hindi, Zarrick, hindi ako aalis" kahit na ang hirap hirap sa parte ko na kasama kita dito at para akong mababaliw sa pagpipigil ng nararamdaman. "Lumabas lang ang kakambal mo. Bibili raw ng maisusuot natin"

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang beywang tsaka mabilis na nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang titig niya sa akin kaya naman naglakad na ako papunta sa kama at baka madambahan ko pa siya, hindi ako makapagpigil. Anong nangyayari sayo, Erriah!

Nakatitig lamang ako sa kisame hanggang sa makabalik si Zarria. May dala itong mga paper bag na inilapag na lamang basta basta sa tabi ng kama naming dalawa. Slim lang naman kaming dalawa kaya paniguradong kasya kami sa kama. Hindi ko maiwasang hindi mapaamoy sa aking sarili. Mayamang tao ito at maarte, hindi naman ito nagkulang sa pagpapakita noon kanina pa, kaya naman labis ang aking pagkaconcious sa aking amoy.

"Don't be" tila alam nito ang aking iniisip. "Kung si kuya Zarrick nga ay nagawa kang singhot-singhutin, hindi ka mabaho" bigla itong natawa. Iba sa Zarria na kanina ay napakasungit akong pinagsasabihan. Magkapatid nga sila ni Zarrick. They are twins after all. Medyo nahiya pa tuloy ako sa naturan niya at napatingin kay Zarrick na ngayon ay nakatalikod sa aming banda pero alam kong narinig nito ang kakambal.

Di kalaunan ay nakatulog din naman ako. Nawala ang pagkailang sa babaeng katabi.



NANG MAGISING AKO KINABUKASAN AY hindi pa sikat ang araw. Mapapaunat na sana ako pero hindi ko maigalaw ang aking mga kamay. Doon bumaba ang aking tingin sa mga brasong mahigpit na nakayakap sa akin.

Napalingon ako ng bahagya at nasilayan ang maamong mukha ni Zarrick na tulog na tulog pa. Ang natatandaan ko ay si Zarria ang aking katabi kagabi. Umikot ako upang mapagmasdan siya. Medyo lumuwag naman ng kaunti ang pagkakayakap niya sa akin. Alam kong dapat ko nang tapusin ang eksenang yon pero gusto kong sulitin ang oras na ito na yakap yakap niya ako. Na ramdam ko na mahal niya ako kahit na kabaliktaran 'yon. Ang hilig ko talagang magsinungaling sa sarili ko, ako ang nagbibigay ikasasakit sa sarili ko.

"Ang hilig mo mag-urong-sulong" mahinang bulong ko. "Ang hilig mong umakto na mahal mo'ko kaya ako naman itong naiisip na ganoon nga ang nararamdaman mo"

Ilang minuto akong nanatiling ganoon hanggang sa mapapikit ako uli, nakatulog na muli, pero sa pagkakataong ito ay magaan ang aking pakiramdam.

Alas singko nang makababa na kami at makasakay sa hotel. Pagkagising ko ay nakahanda na sila at ako na lang ang hinihintay. Napapasulyap pa nga ako kay Zarrick pero hindi niya magawang tumingin sa akin. Sabi na nga ba, ito nanaman siya.

"Buckle up" anito sa aming dalawa. Nasa likuran si Zarria at ako ang nasa tabi ni Zarrick. Abala ang babae na makinig ng music kaya naman awkward nanaman sa part ko dahil kaming dalawa nanaman ni Zarrick ang natira sa ganoon na sitwasyon.

Nang huminto ang sasakyan sa isang drive thru ay tinanong ako ni ate Zarria kung anong gusto ko, siya kasi ang nagsalita at kanina pa talaga tahimik si Zarrick. Huminto kami sandali sa isang tabi para kumain. Zarrick went outside and smoked, kitang kita ko kasi siya sa labas. Prenteng nakasandal sa pintuan ng sasakyan. Hindi ko maisubo ang fries na ibinigay ni ate Zarria. Alam kong kanina pa patingin-tingin sa akin ang babae, pagkatapos ay iiling.

"Ubusin mo. Huwag si kuya ang inuubos mo. You need to eat, ang payat mo"

Nagsalita ang hindi payat. Gusto kong ibulalas pero pinigilan ko na lamang. Nang matapos ang isang stick ay pumasok na din si Zarrick sa loob, kumagat ng tatlong beses sa hawak na burger at uminom ng kaunti sa coke na nasa harapan. Sa akin yon at nainuman ko na, wala tuloy akong nagawa at kinuha ko na lang ang para talaga sa kaniya.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now