2

22 0 0
                                    

Keila's POV

Nakalipas na ng ilang araw at malapit na mag Linggo ang pinaka hinihintay kong araw na makikita ang ASTRO hehehhehe excited eh. Alam ko parang ang tanda ko na para sa ganito but hey fangirling is not bad tho. When you admire someone. You admire them. Matanda ka man o bata.

"Keila, excited ka na ba sa Linggo? Makikita mo na mga asawa mo hahahahah" sabi ni Wendy na katabi ko ngayon kumakain ng Lunch kahit na gabi na haixt. Wala eh, call center kailangan mag trabaho para sa future. If my baby was still alive.

(saka na yan malalaman niyo yan later on)

"Siyempre Wendy, nuh ka ba. Si Moonbin nandun eh hehehe saka ano uhm basta kumain na lang muna tayo baka ma over lunch pa tayo" sabi ko kay Wedny at patuloy nang kumain.




********** Sa bahay ***********



Eung? Bakit may envelope? Ano to meralco? Next month pa sila ah.

Dinampot ko ung papel na nakalagay sa gate namin. Di ko pa alam kung ano pero agad ko itong binuksan para tignan.

O.o??

"See you soon?" Huh? Sino naman to?

Tinapon ko nalang ung papel baka kasi may loko nanaman na nagtitrip

"Keila, wait." Agad akong napalingon dahil sa pamilyar ung boses na yun. Si Louie

"Anong ginagawa mo dito? Don't tell me ikaw nagpadala ng papel?" Sabi ko

"Oo ako, please Keila give us a second chance. I still love you." Sabi ni Louie na nagmamakaawa.

"Ayoko na Louie, move on na. Don't you get it na hindi kita mahal? I'm sure but please move on " I said.

"Paano naman ung plano natin? Magpakasal? Magka baby?" Sabi niya

I smirked. Siya lang naman nagplano niyan hindi ako. Never ko pa ulit magkababy ulit dahil sa trauma ang nangyare sakin. And ayokong mangyare ulit. Never.

"Plano natin? Di ba ikaw lang naman nagplano nang lahat ng yan? Di ako kasama kasi ikaw lang nagdedesisyon at hindi mo muna ako tinatanong kung gusto ko diba? Ano ikaw nalang lahat di porket may kaya ka ikaw na masusunod sa ating dalawa." Sabi ko na may puno ng galit sa mukha.

Umiiyak siya. Pero wala akong pake, ayoko ng ganoong set up. Nasasakal ako.

"Umuwi ka na bago pa ako tumawag ng mga taga barangay ginugulo mo ko."

At saka na ako nakapasok sa loob ng bahay.



Ayoko sakanya, siguro kaya lang ako nakipagsrelasyon sakanya dahil mabait at maalaga siya. But, infatuation lang siguro. Not really love.

Tinignan ko ang kalendaryo at nagulat akong off ko na pala ngayon??? Hindi ko namalayan na linggo na.

Nag vibrate phone ko at nakitang si Wendy ang tumatawag

"Ghhooorrrlll, sunday na ngayon !! Hahahaha nag OT lang ako kagabi heheheh sorry di ko na sabi so saan tayo magkikita remember sa Coliseum sila magconcert" sabi ni Wendy na may pagka excitement

"Ahm, anong oras ba ung concert?" Tanong ko

"8pm ang start matatapos ng 10:30pm" sabi ni Wendy.

"Uhm magkita tayo sa Gateway mga 4pm sa may Starbucks" sabi ko

"Sige doon nalang, see you later. Asawa ni Moonbin hahahahah" natawa ako agad at binaba na ang tawag.


"Hindi ako makapaniwala mamaya na kita makikita hehehehe" sabi ko sabay tingin sa picture frame niya.

Dating A Kpop IdolWhere stories live. Discover now