"Wala naman, ayoko lang mag-out of town." Sagot niya which made the two frown.
"Tayo-tayo naman eh, tsaka may iba't ibang teams naman para sa program, 'di naman lahat kelangang makipag-halubilo sa tao." Sabi ni Gon at lihim akong napangiti dahil don, then it just means that I can be part of a team that doesn't need to interact much with other people.
Tumahimik si Jisung, at ang dalawang mokong halatang nag-aabang ng sagot niya. "Sige, pag-isipan ko."
Ngumiti naman kami at nag-clap pa yung dalawa, "Yes! Makakagala na kami kasama ang one and only Jisung!" Sabi pa ni Seunghun at natawa kaming apat. "Teka, Math na pala namin, mauna na kami." Paalam niya at sabay silang umalis ni Gon.
Tumingin ako kay Jisung, at halata pa rin na ayaw niyang sumama. "Going through something?" I asked.
He was surprised, but ended up sighing. "I just..." bumuntong-hininga ulit siya, "Ayoko pa talaga, Hana. Even if kasama kayo ni Chan, ayoko pa rin." Sabi niya, halatang naiiyak kaya I held his hand and squeeze it gently.
"It's okay, sasabihin ko na lang sa dalawa na may mga gagawin ka na." Sabi ko at tumango na lang siya, halatang napagod agad with the idea of the summer program which I understand why.
Ngumiti siya. "Next time na lang siguro."
"Kung kelan mo na kaya, okay? Don't force yourself." Tumango ulit siya.
—
The following months...
Seunghun's POV
Sinabihan kami ni Hana na 'di makakasama si Jisung dahil 'di kakayanin ng schedule niya, may mga gagawin na pala siya, but it's such a waste, he's super fun to be with.
"Teka, so ilan tayo lahat lahat?" Tanong ni Gon, nasa bahay namin siya kasi mags-sleepover sana kami kay Hana but they were just finished cleaning their whole house so she immediately declined, ending, kami na lang ni Gon samin, kuya Seunghoon is here kaya okay lang.
"Video-call niyo na lang yung isa niyong tropa." Sabi ni kuya so I called Hana.
"'Di ka nagsasawa sa boses ko?" Iritableng tanong niya at natawa kami ni Gon, lagi na lang galit 'tong babaeng 'to.
"Pano kung hindi?" Banat ko at pinakyuhan lang ako which made Gon and I laugh more, "De joke lang, Gon is finalizing kung ilan kasama para san ulet?" Tanong ko kay Gon.
"Para ron sa hotel, kung ilang rooms ire-reserve."
"Oh, that, may hotel na kaming ni-book para samin nila Chanwoo at Chan." Sabi niya at nagulat naman kaming tatlo. Her eyebrows furrowed, "Ano? Eh sa may nagustuhan na kaming pag-stay-an eh?"
Kinuha ni Gon yung phone, "Are you guys sure? Kami naman ang may kelangan ng staff so it's really fine by us." Natawa naman ako dahil umirap lang si Hana which made Gon sigh.
"I agreed on this just because gusto kong igala si Chanwoo." Tumayo siya at pumunta sa kwarto ni Chanwoo, she asks if he wants to change hotels, "Depende raw sakin." Sabi ni Hana pero tinanong niya ulit si Chanwoo, "Final, he doesn't want to, tsaka siya rin kasi pumili."
Gon pouted, "Sige, sayang, malapit kasi yung hotel sa bahay namin."
"Nasa Zamboanga pa rin naman yung hotel na pinili ni Chanwoo, so it's fine, magkikita pa rin tayo." Pang-aasar niya at natawa kami ni kuya dahil halatang na-stress si Gon sa kaka-usap sa babae.
Kinuha ko na yung phone, "Sige, sige, basta next next week, sunduin namin kayo dyan." I said, pertaining to the flight as she nodded, nag-paalam na ako saka in-end yung call. Gon chatted his hyung about Hana's decision with the hotel.
Maya maya ay tinawagan siya, sleepover ba 'to o tawagan?
"Wait, Gon, who are they again?"
"Gurang amputa." Sabi ni kuya Seunghoon at natawa naman kaming tatlo, "Hana, Chanwoo, and Chan." He answers and the surprise on kuya Mino's face is apparent, natawa kami ni Gon kasi ganon din ang reaksyon namin nang malaman namin na kilala niya si kuya Mino.
"Hana?" Halata ang taka sa mukha at tono niya, pero halata rin ang hinala dahil baka kakilala niya, and yes... he knows her.
"Best friend of your friend, Bobby."
"Wow..." gulat pa rin na sabi ni kuya Mino, "This is great, then!" Gon told him that Hana knew about the program from her brother, tawang-tawa si kuya Mino pero halata pa ring 'di siya makapaniwala.
"Napaka-lupet nga, hyung eh. I also did not expect it."
"It's just fate, then."
"Wag ka ngang mag-drama." Banat ni si kuya Seunghoon at natawa kami dahil sobrang offended ng mukha ni kuya Mino. "Sige na, ba-bye na."
BINABASA MO ANG
in sync
Fanfictionadventures of five friends who figured they're simply... connected //taglish
Chapter Three - Part Two
Magsimula sa umpisa
