Chapter 2: Untitled

8 0 0
                                    

Trixie's point of view


"Sa tingin mo ok lang kaya yun?" Tanong ko kay Lorrey habang tinutukoy si Sachi na kasalukuyang mag isa lang ngayon.

Nag aalala kasi ako sa babaeng 'yon.

Lapitin din kasi ng disgrasya minsan 'yon at isa pa lapitin ng away. Eh pano ba naman walang kontrol yung bibig, may masabi man siya, ayun na'yon walang bawian maganda man o hindi yung nasabi niya.

Ni-hindi manlang nga uso ang salitang white lies sa babaeng 'yon ewan koba.

Pero alam ko namang kaya niya mag self defense kung sakali mang may mangyari.

Inabot niya naman yung bag na kulay yellow sa akin, "Don't worry Trix, she's fine. Hindi ugali ni Sachi ang pag alalahanin tayo."

"May point ka naman."

30 minutes na kaming nandito sa Dark International School (Bags) ni Lorrey.

Halos limang minuto lang kami nagikot bago makapunta dito sa D.I.S Bags dahil nasa first floor lang naman ito ng mall, kaya no hassle.

Sa ngayon tatlong bag na ang pipili namin.

Isang kulay pink na bag, na para kay Amber.

Kulay maroon na bag, para kay Miyu.

At ang yellow bag na para kay Sachi.

Ako at kay Lorrey na lang ang hahanapin pagkatapos non ay tapos na kami ni Lorrey sa mission namin.


***

Ilang minuto pa nang mapili na namin ni Lorrey ang gusto naming bag.

Sa kanya ay kulay black at sa'kin namay ay blue.

Pagkatapos naming magbayad sa cashier ay agad na kaming lumabas para hintayin sila Miyu sa labas ng Mang inasal.

Dun din kasi namin napagplanuhan na magkita-kita pagtapos bumili nang gamit.

Para dito na kami sa mall diretso na mag lunch.

***

Miyu's point of view

"No,no,no. Mas maganda 'to. Pink is the most beautiful color duh." Nagtatalo kami ni Amber ngayon sa kung anong bibilhin naming notebook para kay Lorrey.

Nakabili na kasi kami ng para sa aming dalawa, pero yung sa tatlo hindi pa.

"Oo na,oo na. Maganda na. Pero hindi gusto ni Lorrey ang pink, Amber. Gusto mo bang makatikim ng sapak ni Lorrey ha?"

Napaisip naman siya sa sinabi ko.

Totoo 'yon. Ayaw kasi ni Lorrey ang pinapakielaman siya sa gusto niya. Dahil nga masyadong mataray ang babae na'yon at isa pa black belter 'yon sa taekkwando kaya nakakatakot talaga labanan si Lorrey.

Bukod kay Lorrey, si Sachi at Trixie lang may kakayahang mag self-defense.

Tapos kaming dalawa ni Amber? Wala lang.

Eh kasi wala naman akong time sa mga ganon no, sa mga pag aaral kung pano makipagbasag ulo, wala talaga. Dahil hindi ko naman kailangan 'yon. Libro lang ang kailangan ko.

"How about this?"

Pinakita niya naman sa akin yung isang set ng notebook na ang kulay ay matte black, pero iba-iba ang pagkakadesign.

"Good. Maganda 'yan, siguradong magugustuhan ni Lorrey. And.... eto pa para kay Sachi at Trix." Ani ko.

Nakita ko kasi yung nasa tabi non na may isang set din ng notebook na kulay blue at yellow, ang pinagkaiba lang ay may kasama na 'yong mga ballpen, lapis at marker.

***

Pag ka tapos namin makumpleto ang dapat naming bilhin ni Amber ay lumabas na kami ng D.I.S (school supplies).

Atsaka pumunta sa Mang inasal, doon kasi ang usapan na magiging hintayan namin.

Sakto namang pagkarating namin ay nandon na si Trix at Lorrey.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Over WarWhere stories live. Discover now