Chapter 1: Malas

12 1 0
                                    

Miyu's point of view

Pagkatapos kong mag bihis ay kaagad na akong bumaba.

Haynako naman kasi! Bat kasi sa lahat ng makakalimutan ko, yun pang pinaka importante. Jusko!

Pagbaba ko naman sakto nandun narin ang apat ko pang mga kaibigan. Nakaligo nadin silang lahat atsaka nakabihis na rin katulad ko.

"Wait. Saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ni Lorrey na ngayon lang ulit nag salita.

Kanina pa kasi ito tahimik, i mean, always naman. Kumbaga bihira lang mag salita, ewan ko ba sa babaeng 'to hindi manlang nabiyayaan ng pagiging talkative hindi katulad ni Sachi. Sagad hanggang buto ang pagiging madaldal, may pag ka pilosopo nga lang.

"Oo nga no, anong meron?" Takang tanong din ni Trixie.

"May pupuntahan ba tayong food festival?"

Tumingin naman ako kay Amber. Akala ko pa naman sinabi niya na. Yun pala ako parin ang magsasabi.

Sumenyas naman siya sa akin na ako na ang magsabi.

Eh ano pa nga ba?

"Ok. Ipapaliwanag ko, girls. Ganto yan, pupunta tayo sa mall. Yup, sa mall. Dahil bibili tayo ng gamit for school. Ok?" Anang ko atsaka tumingin kay Sachi na kanina pa may nginangata.

"At hindi tayo pupunta sa food festival, Sachi. Kumakain ka na nga, pagkain parin nasa isip mo."

***

Sachi's point of view

Kinse minutos ang inabot nang pag uusap namin nila Miyu.

Eh, kasi nga binugbog pa namin siya.

'Di joke lang.

Eh pano ba naman kasi sya lang pala ang nakakaalam kung kailan ang pasok namin sa bago naming school. Tapos, ngayon niya lang sinabi kung kailan bukas na ang start ng pasok namin.

Edi ayun sandamakmak na sermon tuloy ang inabot niya sa aming apat.

Sa dami-dami ba naman kasi ng pwedeng kalimutan bakit 'yon pa?

"Maghiwalay-hiwalay muna tayo, para mabilis tayong makabili ng kakailanganin natin." Sabi naman ni Miyu saamin.

Nasa loob na kami ng mall ngayon kung saan kami makakabili ng kakailanganin namin sa school. May sarili kasing store dito sa loob ng mall ang bago naming school, kung saan doon lang sa store na 'yon makakabili ng uniforms namin at iba pang gamit.

O 'diba ang bongga?

Atsaka bukod sa mga fastfood restaurant, eto lang ang mall na'to ang pinaka malapit sa school.

"So guys. Hahatiin natin  sa three ang grupo." Ani naman ni Amber, tumingin naman kami sa kanya atsaka pumabilog.

This time si Miyu naman ang nagsalita,
"Ako at si Amber ang magkasama. Kami na ang bahala sa mga notebooks, ballpen at iba pa," Aniya.

Sabay itinuro ang daliri niya kay Lorrey na katabi ni Trix.

"Sa bags naman, si Lorrey at Trix ang magkasama," Atsaka niya tumingin sakin.

Teka! Parang may mali? Lima lang kami tapos tatlong grupo-– "Sachi, ikaw sa uniforms hehe."

Ano?! Andaya naman! Silang apat may kasama, tapos ako wala? Nakakainis!

"What? Bakit ako? Andaya! Bakit ako lang mag isa? Unfair."

Nagpapapadyak padyak pa ako habang umaapila sa naging desisyon ni Miyu.

Tumitingin pa nga sa akin yung ibang nadaan eh.

Pero siyempre wala akong paki sa iisipin nila.

Cute naman ako eh.

Kung iisipin man nilang nababaliw na ako.

Edi baliw na kung baliw. Atlis cute parin kahit baliw.

"Sorry na Sachi. Eh ikaw lang naman kasi ang may alam sa fashion eh, tsaka alam ko namang maayos kang pumili ng damit. Atsaka alam mo naman mga size namin."

Sabagay. Kung tutuusin sa akin din naman sila nagtatanong kung bagay ba yung suot nila o ayos lang ba.

Tumango naman ako bilang pagpayag.

Pero siyempre unfair padin! Magisa lang ako no!

May sariling store nga dito ang school namin, pero ang alam ko magkakaibang floor naman.

Jusko naman kasi! Bat may sari-sarili pang puwesto 'yon? Eh pare-pareho lang din naman na gamit 'yon huhu.

***

"Dark International School (Uniforms)." Basa ko.

Umirap naman ako sa hangin bago humingang malalim.

Halos 20 minutes na kasi akong nag-iikot at pabalik balik sa 3rd floor dahil ang sabi nila dito daw makikita ang bilihan ng uniforms ng D.I.S.

Nakakainis lang! Feeling ko tuloy pinaglalaruan ako ng engkanto eh.

Kanina pa kasi akong parang tanga ditong nagpapabalik-balik tapos ngayon ko lang nakita tong store ng D.I.S.

Nakakainis lang talaga!

Yung tipong mag isa ka na nga lang, pinagtitripan kapa ng engkato. Bwesit!

"Aray!"

Napatingin naman ako sa nakabangga sakin or i should say yung bumangga sakin!

Pero hindi ko na nakita 'yon, nakapasok na kasi agad siya sa store.

Pero kung hindi ako nagkakamali, lalaki yun! Naamoy ko sa pabango nya.

Mabango nga siya pero parang bulag naman!

Ang lalaki ng entrance tapos mababangga pa'ko. Hmp! Ano 'yon?! Nakakainis! Ano ba'tong araw na'to.

Sobrang malas, grabe.

Salamat nalang talaga ang kupal na 'yon at nakatingala ako kaya 'diko siya nakita.

Nako! Baka kung nakita ko 'yon masampal ko pa 'yon ng takong sa muka.

Pumasok naman ako sa loob atsaka sinubukang iwasang isipin ang mga hindi magandang nangyayari sa akin ngayon.

Pangit na nga araw ko baka pati uniform na mabili ko pangit din.

Love Over WarWhere stories live. Discover now