c h a p t e r 7

39 21 0
                                    

Isolde's POV

It's been a day since that incident happened, and I am currently having tea with my parents and this mysterious man which is not mysterious anymore, in fact this gorgeous man who saved my life... is my brother.

Ang malas naman, ang pogi pa naman, kung wala ako sa katawan na'to naku...

Paanong hindi ko napansin? Red hair just like my mother and blue eyes from my father, bihira na nga lang makakita ng gwapo kapatid ko pa.

"Buti nalang at saktong nandoon ka anak, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag napahamak na naman ito si Isolde." May pag-aalalang tono ng tatay ko.

"Mabuti nga at nakita ko agad ang grupong iyon, ramdam ko na may balak talaga silang gawing masama, at mukhang pakana din nila ang kaguluhan na nangyari doon." Pagpapaliwanag nitong kapatid ko.

Kaya pala nagkaroon ng kumpulan kahapon dahil sa grupo nila, at kasama na iyon sa plano nila, nasaktuhan lang ako ang naging target nila dahil akala siguro nila ay mag-isa lang ako.

Kinuha ko ang tsaa na nasa harapan ko at uminom dito, sakto namang nagtama ang mata namin ng kapatid ko at nginitian ako. Nabulunan naman ako.

"Isolde, ayos ka lang?" Kumuha ng lampin ang nanay ko at pinunasan ang kalat na nagawa ko.

"I-I'm fine mother." Hindi ako mapapakali hanggat may gwapong nilalang dito sa harapan ko.

Still, how unfortunate, na s-starstruck ako dito sa kapatid ni Isolde. When our eyes met yesterday fragments of memories of this man came through, ilang taon din ang tanda nito sa akin at mukhang siya yung tipo ng kapatid na maalalahanin at maalagain. He is also part of the Imperial Knights, he is in fact a Commander, this man right in front of me is Commander Conlaed Valentia.

"Paanong napunta ka sa Central Town, hindi ba dapat ay nasa scouting kayo?" Tanong ng tatay ko, I'm also curious.

"Naalala niyo bang pinadalhan niyo ako ng kasulatan noong dalawang araw pagkatpos ng paggising ni Iso? Nasa kalagitnaan kami ng selebrasyon noon dahil tapos na kami sa Annual Scouting at dali-dali naman akong umuwi at saktong napadaan ako kahapon sa Central Town at naisipan sanang bilhan ng regalo si Iso." Pag papaliwanag naman nito.

"Annual Scouting?" Tanong ko

"Me and my troop together with the Crown Prince goes scouting for three months, iniikot namin ang buong border ng Faseas to see if everything is still intact or if any irrelevant occurances appears, in short to keep peace." Masiglang pagpapaliwanag nito.

Crown Prince? Base on books that I've read on my past life, this is the son of the emperor and the next in line to the throne. Faseas, I'm guessing that's the name of this Kingdom?

Natapos din naman ang pag-uusap namin, napag desisyunan ko na ubusin na lamang ang oras ko sa Azure Garden since wala din naman akong magawa dito.

Being a noble is sometimes quite boring..

Naupo na ako sa tambayan ko, which is dito sa ilalim ng gintong puno na ito, I somehow always feels relax everytime I'm here, kaya siguro eto ang palagi kong tambayan dito.

Anyways, I didn't know magic exist here in this world at ang pangalan ng Kingdom na ito ay hindi ko pa nababasa sa libro noong nabubuhay pa ako.

I thought magic was just a myth.

"So may posibilidad na may mga magicians dito o kaya naman mga sorcerers?" Utal ko sa sarili ko. I somehow find this exciting.

Nilabas ko ang diyamanteng nabili ko kahapon sa El Magica, tinapat ko ulit ito sa araw ngunit hindi na ito naglabas ng iba't-ibang kulay. Sayang naman, pero maganda parin naman ito kahit ganto.

Mukhang hindi ko parin makalimutan ang nangyaring insidente kahapon, paano kung hindi pala dumating si Conlaed? Paano na ako? Humihinga pa kaya ako ngayon?

Mukhang oras na para matuto akong mag-aral ng sariling depensa, dahil hindi ko naman alam kung kelan lilitaw ang ganong insidente ulit. I can't predict when trouble will stir up so it's better to be prepared.

Isa pa, si Abellona, hindi ko rin alam kung may gagawin pang masama ang babaeng iyon sa akin, I need to protect myself.

I am now the new owner of this body and this time for sure I'll take proper care of it, I won't be reckless anymore since I've been given a second chance.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pinagpag ang puwetan ko, tiningnan ko ang langit na kanina lang ay asul pa ngunit ngayon ay naghahalo na ang kulay ng pula, kahel at lila at ang palubog na araw.

"Alright, It's time for us to shine! Let's see what's this new lifetime will offer, for this is now my Odyssey."

A Writer's OdysseyWhere stories live. Discover now