[17] THINK NEGATIVE.

843 23 14
  • Dedicated to Misskpoplover
                                    

dedicated kay Misskpoplover , natuwa po kasi ako sa iyong mga comment :)) hehehe. Salamat sa suporta ^_^

--sassyabhie05

***********************************************************************************

INAH’S POV...

“INAAAAAAAAAAAH!” napalingon ako sa pinaggalingan ng matinis na boses na iyon. There I saw Sammy, running like a kiddo towards me -.-

“Are you Ok bes?? Are you really fine now?” she asked me while holding my arm.

“Sammy, you’re holding me too tight. Baka magkapasa naman ako nyan.” Sabi ko sa kanya. Agad naman niyang binitawan ang braso ko, “I’m sorry you’re highness!” tapos nag-bow pa siya >.< after that, tumawa pa siya ng tumawa. Uuuuh. Scary Sammy, She’s nuts -.-

“Ok lang ako Sammy, masama lang talaga pakiramdam ko kahapon.” Sabi ko sa kanya, ipinagpatuloy na namin ang paglalakad papunta sa klase namin.

“Great! Gusto mong gumala Inah?? Hindi na kasi tayo nagbe-bestfriends bonding ni Aya kaya naisip kong manood tayo ng movie then shopping tayo afterwards, what do you think?” nangingislap ang mata ni Sammy. Parang batang sabik na sabik gumala sa mall. Weird.

Nang nasa tapat na kami ng classroom ay humarap ako sa kanya, “Sammy, yung totoo? Bakit parang ang weird mo ngayon?? May nangyari ba?” curious na tanong ko sa kanya. Naglaho lahat ng ngiti niya, pero agad ding bumalik yung sigla niya kanina, pero ngayon, hindi na umaabot sa mata niya yung ngiti na binibigay niya, “Ano ka ba naman Inah? Kelan ba ako naging normal, matagal na akong weird. Ha-ha-ha. At saka, nagyayaya lang naman ako na magliwaliw tayo eh, ikaw talaga, echusera ka. Ha-ha-ha.” Tapos nag-iwas siya ng tingin at nagdire-diretso na sa pagpasok sa classroom namin. Napapailing na lang din ako habang sinusundan ng tingin si Sammy. Ano na naman kayang nagyayari sa bruha kong bestfriend, tss. Maya-maya, pumasok na din ako sa classroom namin.

“Halooo mga Bestfriend!” nakangiting bati samin ni Aya. Galing ang bruha sa pakikipagdaldalan sa mga kaklase namin. Talaga naman Oo. Tss. Tsismosa din yang si Aya eh.

“kamusta ka naman Inah?” baling sakin ni Aya maya-maya.

“Ok naman ako, masama lang siguro talaga pakiramdam ko kahapon kaya ganun.” Tapos ngumiti na lang ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ok na nga ako, kanina, I threw up a lot of times before I got here in the school. I have to put light make up so they won’t see how pale I am right now. Err. What’s going on with me? Am I really sick? Do I really have to go to the hospital and consult about my condition? I am afraid of what the doctor may tell me about this >_<

“Bestfriends bonding tayo later!” sabi na naman ni Sammy, isinisingit talaga ang paggagala, mukhang may problema talaga si loka *iling iling*

“Osige ba! Nuod tayo movie, gusto ko yung something funny! Hahahaha.” Sabi naman ni Aya, si Aya Danica Fortalez, asa ka naman na tatanggi yan, hilig kaya nyan ang mag-mall, certified galaera yan eh. Nako. Ako na lang ang kelangang kulitin ni Sammy. And I won’t make it that easy for her, not until she told me what’s bothering her >:D

“Inah...” tawag sakin ni Sammy. “Uy, Inah kasi, sama ka na.” *kulbit kulbit* tumingin ako kay Sammy, nasa likod ng upuan ko ang upuan niya, “Ok.” Sabi ko sa kanya... “YEHEY!” sigaw ni Sammy, tapos yayakapin na dapat niya ako ng dugtungan ko ang sasabihin ko, “Kapag sinabi mo na sa akin kung bakit ka nagkakaganyan ngayon. You know Sassy Abhie Malliari, you’re so transparent for me, that you can’t hide things to me.” Then ngumiti ako sa kanya, nalalag naman ang balikat niya sa sinabi ko. Tapos isinubsob ang ulo niya sa desk niya.

H.E.L.L.I.S.H LOVE ♥Where stories live. Discover now