CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love

En başından başla
                                    

Totoo naman yun, corny mang sabihin pinakamagandang regalo na siya na natanggap ko bukod sa magiging anak namin.

Yung nandito lang siya sa tabi ko sapat nang bagay para magpasalamat ako. Pero talaga? Sa loob ng ilang taon na magkasama kami taun-taon sa tuwing sasapit ng araw na 'to ngayon pa talaga siya walang ginawa samantalang sa bawat taon na dumaan ay marami siyang gimik?

Okay, siguro nga dapat ko na lang tanggapin na siya ang greatest gift ko ngayong taon.

-----------------------

LUMIPAS ang buong araw na parang simpleng araw lang. Kanina ay kumain kami dito sa bahay kasama ang buong pamilya ko at pamilya ni Erik.

Nagkwentuhan, videoke at kung ano ano pa. Halatang nag enjoy ang mga pamilya namin at masaya din ako na makita silang lahat nang magkakasama.

Hindi naman sobrang normal kung tutuusin pero simple at memorableng araw naman ito dahil ngayon lang ako nagcelebrate ng birthday ko sa ganitong pamamaraan.

Hindi na kasi ako pwedeng lumabas dahil sa susunod na buwan lang ay manganganak na ako. Mahirap na at baka ngayon pa kami magkaproblema sa career namin kung kailan malapit nang dumating ang araw na inaantay namin.

Ngayon ay hapon na. Medyo napagod ako kanina kaya natulog muna ako ulit sandali sa kwarto kahit na nandoon pa rin silang lahat ngayon sa baba.

Si Erik naman ay hindi ko alam kung nag inom ba kasama sila Rudy, Ron, Kuya Noy at Kuya Boy. Hinayaan ko na lang siya tutal ay nandito lang rin naman kami sa bahay.

NAGISING naman ako nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko.

Kamay pa lang niya ay alam ko na. I turned around to face him and I saw him smile nang makita niyang gising na ako.

"Love," tanging sabi ko lang.

He smiled at dumiretso nang upo sa kama kaya umupo rin ako.

"Nakapagpahinga ka na ba?"

"Hmn yeah. Ikaw, lasing ka na ba?" pabiro kong sabi kahit na alam ko namang hindi. Kasi kung lasing yan ay kanina pa yan nangulit at naglambing sa akin.

"Hmmn no. Hindi ako nag inom."

"Bakit naman? Hindi naman kita pinagbabawalan ah. Dapat sinamahan mo sila Rudy doon."

Umiling, "Hindi, mamaya na lang. May importante pa akong gagawin kaya hindi pa ako pwedeng malasing."

May event ba siya? Tatayo na sana ako para ihanda ang mga gamit niya kagaya ng palagi kong ginagawa.

"Hmmn may biglaang event ka ba? Ano, anong oras ka aalis, teka ihahanda ko na yung damit mo. Anong susuot---"

"Hindi, basta mamaya na natin pag usapan yan. May surpresa muna ako sayo." he cutted me off at tumayo siya mula sa kama at tumayo sa gilid nito.

"Surprise? Oh akala ko ba wala kang bala ngayon ha? Umalis alis ka pa nang bahay e alam mo namang birthday ko." maloko kong sabi

"Well, ako pa ba mawawalan? Actually, pinaghirapan ko nga talaga tong surprise ko sayo eh. Kaya siguradong matutuwa ka." natatawang sabi niya

Hindi ko alam pero feeling ko kalokohan lang nanaman 'to kaya sinakyan ko na lang ang mga pinagsasabi niya.

Mukhang gusto niya lang akong pagtripan buong araw.

"Talaga lang ha? Sige nga ano ba yan ha?" kunyari ay interesado kong sabi at itinaas pa ang isa kong kilay.

"Actually, ireregalo ko sana yung bagay na pinakagusto mo kaso wala eh hindi na kasya sa box kaya hindi ko na ibinalot so ayan, eto na yun."

Secrets Beyond the StarsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin