CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love

En başından başla
                                    

Wow naman, feel na feel ko talaga ang pagiging misis niya sa part na yun.

He shrugged, "Sungit. Uhm wala, dyan lang. Bumili lang ng pagkain para mamaya."

"Weh talaga?"

"Opo nga, bakit ano bang iniisip mo?"

Tiningnan ko siyang mabuti, para namang seryoso siya pero basta hindi pa rin.

Nagkibit-balikat din "Hmmmn wala din. Bakit may dapat ba akong isipin ha? " nakakalokong ngiti kong sabi

"Ha? Ewan ko, parang wala naman? Bakit?"

Ito nanaman siya at nagpapaka best actor. Umaartista ah.

I just shrugged at pinigilang hindi mapangiti, "Sige okay lang yan, hindi mo naman kailangang gawin yan kasi matagal na tayo pero sige, gusto mo eh."

Sus if I know isusurprise ako nito kunyari pa. Okay lang Pogs, hindi mo kailangang aminin kahit na halata na.

I saw how he frowned. Sandali niya akong tinitigan nang may halong pagtataka.

Maya maya ay tumawa naman siya bigla.

"Oh bakit?" balik atensyon ko sa kanya

"Mukhang nakuha ko na kung bakit ka ganyan. Ang assuming mo talaga minsan Love."

I frowned, "What did you say?!"

AYAN NAPAPA-ENGLISH TULOY AKO.

Lumuhod naman siya sa harap ko para magkalebel ang mga mukha namin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Iniisip mo siguro na isusurprise kita 'no? Hahahahaha Love nakakatawa ka." tumawa siya nang malakas

I rolled my eyes while looking at him. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

WOW SO ANO WALA TALAGA? WALANG SURPRISE? YUN NA YUN?!

"E kung hindi saan ka nga galing ha? Nambabae ka?!"

Tumawa ulit at itinuro pa ako "Hahahahaha nako Angeline, napapraning ka nanaman. Galing ako ng gym, pagkatapos naggrocery ako ng handa mo para mamaya. Wala akong ibang pinuntahan ano, okay na po?"

"Gym talaga?!"

"Oo nga promise kahit amuyin mo pa ako ngayon eh pero Love..." sabi niya at hinaplos niya ang pisngi ko bago nagsalita nang kunyari ay seryoso pero halatang pinipigil ang pagtawa. "Pasensya na pero wala talaga. Yung bulaklak? Yun na yon. H'wag kang mag expect masyado. Grabe nakakaaliw ka."

ERIK!!!

Dahil doon ibinato ko sa kanya yung cellphone ko. Wala na akong pakialam kung saan siya tatamaan buti nga nasalo niya.

"Ugh I hate you! Lumayas ka nga sa harapan ko! Birthday na birthday ko naiinis ako sayo!"

"Pikon ka nanaman di ka ba natutuwa na nandito ako? Nandito ang poging future husband mo." natatawang sabi niya at kumindat pa

"At bakit ako matutuwa ha, bakit may nakakatuwa ba sayo ha?"

Pasalamat lang talaga 'to at nasa tiyan ko ang anak niya kundi kanina ko pa siya tinadyakan.

"Ouch naman, Love ako ang pinakamagandang regalong natanggap mo. Wala ka nang mahihiling pa sa Maykapal." madramang sabi niya

"'Love ako ang pinakamagandang regalong natanggap mo.' Tse! maghanda ka na nga lang ng pagkain doon, dadating na sila Nanay Litz!" sabi ko para umalis na siya nang sala.

"Sa ayaw mo at sa gusto, ako ang greatest blessing mo, mahal ko." he even winked.

Nakatawang umalis naman ito sa harap ko. Nakakaloka, hindi naman sa nag eexpect ako pero kasi talaga ba?

Secrets Beyond the StarsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin