Chapter 16

68.1K 2.3K 1.2K
                                    

Tamira's POV

Ang ganda ng gising ko kaya nasa mood akong magtrabaho at hindi ko nga namalayan na lunch na pala.

Agad kong inayos ang mga gamit ko saka lumabas ng office. I can't wait to see my baby vixen.

Now I'm not afraid to show and express my true feelings towards her. What's the use of concealing it e I already confessed my feelings na? And besides, I'm happy that I can finally tell her what I really feel. I can freely flirt her pa nga. I'm not expecting anything din naman from her. Happy na akong hinahayaan niya lang ako and she's not running away.

Swerte niya nga dahil first time ever in history ay nag-confess si Tamira Sienn Alcantara na gusto niya ang isang tao. Kahit ako sa sarili ko ay hindi ako makapaniwala dahil sa isang babae pa! Oh well, life's really unpredictable.

Masaya akong nag-drive at naka-on pa ang stereo kaya sinasabayan ko ang mga kanta hanggang makarating ako ng parking lot ng school.

Ang kaninang magandang ngiti ko ay biglang napawi nang matanaw kong hindi lang si Ven ang naghihintay sa parking lot. Kasama niya rin si Sam and that Wade guy!

Tinext ko na siya kanina na hintayin ako sa parking lot at malinaw naman ang sinabi ko kagabi. Now tell me, anong mahirap intindihin 'don at bakit may mga kasama siya ngayon?

Inis akong bumusina para makuha ang kanilang atensyon at napatingin naman sila agad sa sasakyan ko. Naunang lumapit si Ven kasunod ang dalawa niyang kasama. Binuksan ko naman ang bintana sa gilid ko at matalim siyang tiningnan.

"I'm sorry. Wala kasing kasabay mag-lunch si Sam then nasalubong pa namin si Wade." Mahina niyang sabi with apologetic face.

Inirapan ko siya saka bumuntong hininga. "May magagawa pa ba ko? Hop in."

Sandali niyang kinausap ang dalawa at pumasok na sa kotse ko pero dahil nga bigla akong minalas ay bigla ring sumulpot si Damian.

"Tami? Oh it's really you! What are you doing here?" Gulat na sabi niya.

"I'm with Venine and her friends." Walang gana kong sagot.

Sa liwanag ng mukha niya ay akala niya siguro siya ang ipinunta ko rito. Tss. Assumero.

"Magla-lunch out kayo?"

Ayoko na sanang sagutin ang tanong niya dahil alam ko na ang kasunod pero wala akong nagawa at tumango na lang.

"Can I come?" Tanong niya pa.

See? Sabi na e.

"Sige." Sagot ko na lang sabay sara ng bintana pero kumatok naman siya agad. Bwisit naman!

Binuksan ko ulit nang kalahati para mata ko lang ang makita niya at ang nakakunot kong noo.

"What restaurant?"

"Just follow my car." Iritado kong sagot at isinara ulit ang bintana saka tahimik na pinaandar ang sasakyan.

Ganon ba talaga kapag masyado kang masaya? May bawi rin agad na pangsira sa mood mo?

"Tami." Mahinang tawag ni Ven pero hindi ko siya pinansin. Naiinis pa rin ako sa kanya.

Sana tinext na lang niya ako na may mga kasama siya para hindi ko na tinuloy ang lunch out slash date namin.

"Tami..." Tawag niya ulit and this time ay malambing na ang boses. Naramdaman ko pang hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa gear lever kaya hindi ko na natiis na balingan siya.

"Huwag ka nang mainis." She said with a smile na makatunaw ng heart. Now she's using her charm huh.

"Kiss me first." Nakangising sagot ko pagkatapos ibalik ang tingin sa daan.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon