Chapter 4

65.4K 2.3K 2.8K
                                    

Tamira's POV

Pinanood ko lang si Ven kasabay si Sam na naglakad palayo nang makabalik kami sa school.

Napangisi ako nang maalala ang mukha niya kanina na asar na asar lalo na 'nong pagkatapos kong tawaging kid ang kaibigan niya.

Ano bang nakakainis 'don? Abnormal talaga 'yon.

Naglakad na ako pabalik sa office ni Damian. Hindi pa kasi tapos ang meeting at nag-lunch lang muna kami.

"Wow. Si Tamira ba 'yan?"

"Shit ang ganda niya pre!"

"Plus hot and sexy. Parang ang sarap niyang maging girlfriend."

Dinig kong usap-usapan ng mga lalaking estudyante na nadaanan ko.

Tss. Hindi na bago sa pandinig ko iyon kaya wala na lang sa akin.

"Tami." Tawag ni Damian na biglang sumulpot sa harap ko.

"Oh." Tanging nasabi ko.

Napansin ko ang mga babaeng students sa paligid na mukhang kinikilig kay Damian. Well, gwapo naman kasi talaga.

"I've been looking for you. Akala ko ay sa cafeteria ka lang nag-lunch." Nakangiting sabi niya.

"Ah no. Lumabas kami."

Mukhang bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

"Really? Sinong kasama mo?"

"My friend. Pabalik na sana ako sa office mo e."

I urged myself not to roll my eyes. Bakit kailangan niya pang malaman?

Kung hindi ko lang talaga siya business partner ay hindi ako makikitungo sa kanya nang ganito.

He slid his hands inside his pocket saka nagpaskil ng ngiti. "Let's go."

Sabay kaming naglakad pabalik at dumiretso sa conference room sa loob ng office.

Dumiretso ako sa seat ko kanina at binuksan ang aking laptop.

Nandito na rin ang iba pang stockholders. Nagre-report lang naman sila about sa takbo ng school from the past years at kaya ako nandito ay isa ako sa major stockholders.

Nagsimula na ulit ang meeting hanggang sa matapos ito ng bandang 3pm.

Agad kong kinuha ang phone ko para i-text si Venine.

Me:

Where are you?

Inayos ko na ang aking mga gamit hanggang sa makatanggap ako ng reply from her.

Ven-Ven:

Palabas na ng room. Uwian na namin.

Me:

Sabay na tayo umuwi. Parking lot ulit.

Ibinalik ko ang phone sa bag pagkasend ko ng text.

Nakaramdam naman ako ng presensya sa likod ko pero hindi ko iyon pinansin.

"Uuwi ka na ba?"

Napairap ako. I knew it's Damian. Kanina pa 'tong umaga nagpapapansin e.

"Yes." Tipid na sagot ko nang hindi siya nililingon.

"I heard... you and Gab just broke up."

E ano naman sa'yo? Gusto mo ikaw naman ang kapalit? Gusto ko sanang sabihin iyon pero pinigilan ko ang sarili ko.

Calm down, Tami. You need to behave.

"I need to go." Sagot ko na lang pagkatapos kuhanin ang bag ko.

"Hatid na kita." Habol niya.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon