PART 16(2)

25 2 1
                                        

-this part is for kuya remph.

(July 7,2019)

Remphsy.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon,hindi na ako mapakali dahil sa mga nangyari kahapon at bukas may panibago nanaman kaming activity,at ngayon may pinapatrabaho pa saakin si ethan.huwag ko daw hahayaan na pumasok si rey sa klase.

Gulong-gulo akong naglakad papunta sa dean's office para iask siya kung pwedeng ako na ang bahala kay rey dahil hindi siya pwede sa section namin Letter R ang gitna niya hindi letter C.

"Mr.President are you free tonight?" inis kong nilingon ang babaeng nagsalita mula sa likuran ko,ang kapal ng mukha niyang tanungin kung libre ako mamaya,bakit babayaran niya ba ako?

Nilingon ko siya at nagulat ako na siya ang babaeng nangbasted saakin noong grade 4 palang ako dahil mataba pa ako noon,tandang-tanda ko pa ang mukha niya dahil sa nunal niya sa pagitan ng mga makakapal niyang kilay.

"Ikaw pala yan aika." ngumiti ako sakanya pero nandon padin ang sakit ng nakaraan,heller kahit grade 4 palang ako noon ang sakit kaya.

"So?libre ka ba mamaya?" pag-iiba niya sa usapan pero sorry siya papahirapan ko siya hanggang sa magmakaawa siyang idate ako.

Umiling ako at nagpatuloy papunta sa dean's office bahala siya sa buhay niya manigas siya kakaantay.

"Anong kailagan mo?" pambungad saakin ni dean ng makapasok ako sa walang kwenta niyang opisina.

Umupo ako sa may swivel chair niya at hinithit ang tabako na nasa gilid nito,sarap buhay ang dean namin hindi niya alam nagdedeliryo na ako para sapukin ang pagmumukha niya,dahil sa mga nangyayari saamin alam kong kasalanan niya lahat ng ito.

"Tungkol ito sa bago naming kaklase." tumingin ako sakanya ng seryoso habang siya ay natigilan,hindi ko ba alam sa kalbo nato napaka-tanda na niya para mamuno sa school na ito,bat ayaw niya pa kasing ipasara ito?

"Hindi niyo siya bagong kaklase matagal niyo na siyang nakaka--" agad kong hinampas ang lamesa niya dahilan ng pagkatigil niya sa pagsasalita.he don't know everything.

"Ako ang Sc President ng paaralang ito at may karapatan din ako dito!simula ng binigyan mo ako ng pagkakataon na tumakbo sa posisyon na ito,inangkin ko na ang lahat!kaya wala kang karapatan na ilagan ang mga gustong gawin ng mga kaibigan ko!at ng mga kaklase ko!" natahimik siya sandali at biglang tumawa.

"Easy lang Son,i just want you to be happy." hinawakan niya ang kamay ko ngunit agad ko itong iniwas at nagsalita.

"Hindi mo ako anak!tanggalin mo si tan at casiano sa section namin!at kapag wala kang natanggal ni isa sakanila,susunugin ko ang paaralang ninakaw mo nasa ay para kay ---" inabot niya ang pisngi ko at malakas na sinampal,i know i deserve this freakin shit slap!

"Ama mo parin ako!palagi mong tatandaan yan,wala ka ng galang saakin remphsy!" nakita ko ang pamumula ng mga pisngi at mata niya,bahala siya sa buhay niya.

"Tatay nga kita!Pero wala ka namang kwenta!" dinuro-dinuro ko siya at napahagulgol ako dahil hindi ako sanay na ganto kami,oo tatay ko siya pero sa loob ng 21 years akong nabubuhay sa mundong ito hindi ko ramdam ang pagiging tatay niya saakin.

"Remphsy patawarin mo na ako!" dahan-dahan siyang lumapit saakin para akapin sana ako pero agad akong umiwas at umalis sa opisina niya.Alam kong napakasama kong anak pero hindi niyo ako masisisi dahil sinaktan niya ako pati ang nanay ko.

Agad kong pinunasan ang mga luha sa mata ko,ayokong makita ako ng mga kaklase kong umiiyak dahil kilala nila akong walang puso,halos lahat naman kami walang puso,kaya nga sila ang napili ko para sumama at itatag ang BlackSection at Class 5-C.

CLASS 5-C DARK HELL SECRETS (under editing)Where stories live. Discover now