faye.
Masaya ako dahil kaklase ko nanaman ang grupong BLACKPEACE ngunit nagtataka ako kung bakit muli nanaman kaming nadagdagan?at isa pa ang nadagdag saamin ay kamukhang-kamukha ni ate mailyn alam ko rin na maaring magkagusto sakanya si ethan o di kaya si andrei,pero bawal na si andrei dahil bali-balita na may bago na itong girlfriend si yen.
"Ang lalim naman ng iniisip ng girlfriend ko,pwede bang sisirin para malaman ko kung sino yan at babasagin ko yung pagmumukha!" nakita ko ang pinakagwapo kung boyfriend na papalapit saakin nandito kami sa may garden nila alliah nakatapat ako sa bonfire at inaantay ang kaibigan kong si jenny para bumaba dito..
"Napaka ano mo!wag mo nga akong kausapin!" nagkunwari akong tinotoyo para suyuin niya ako..
OH girls wag magpanggap lahat tayo tinotoyo!
#tinotoyo pero may sumusuyo..
"Joke lang love,sino ba ang iniisip mo mind sharing it with me?" naks english dugo ilong ko neto maymen..
"Si mia ang iniisip ko,bakit siya napasama saatin eh mukha naman siyang mabait.." napalingon siya saakin at natigilan,alam kong nagtataka ang ilan saamin kung bakit siya napasama sa mga attitude at patapon na ugali ng iba naming mga kaklase..
pero kagaya nga ng motto ni ate mailyn..
'even the kind person would be a sweetest demon'
"Nako ang magjowa nagiging sweet nanaman sana all!" sabay kaming napatawa sa sinabi ng kaibigan kong si jenny..btw ako nga pala si Azahuan Faye C.Ty,17 years old future ni jian mylove..
"Umayos nga kayo,naiingit ako!" umupo si jenny sa harap namin ni jian at kumain ng marshmallow sa gilid..ugh gutomz..
"Mukhang pababa na sila" Napatingin kaming tatlo sa may hagdanan dahil naririnig na namin ang ingay nila na parang mga palakang naulanan.
Simula ng mawala si ate mailyn bumalik na sila sa dati nilang ugali,basagulero,tarantado,nambabae...
"Nasan na pala si ethan?" narinig naming tanong ni markien habang hawak ang kanyang ipod,sana mahulog yan
Narinig nalang namin ang malakas na mura ni markien dahil biglang tumilapon ang ipod niya sa swimming pool.nice move faye..
"Azahuan Fayeeee!bakit mo pinalangin?" napatawa nalang ang iba naming mga kaklase ng umiyak si markien!aww cute dog..
Ayan ang talent ko at alam kong bigay ito ng diyos saakin..
"Oh sinong kasama ni ethan?"
biglang sumigaw si justin na umagaw sa atensyon naming lahat..
"Mukhang Chicks yan pare!" tumawa ng malakas si kaito dahilan din ng pagtawa namin
"Mukhang magugulat ka kung sino yan"mahinang bulong sa tenga ko ni jian..
"Si mia ba yan?"nagtatakang tanong ni thea
Darn.Naguumpisa na nga ethan pigilan mo habang maaga pa
pagdadasal ko pero mukhang waepek ito..
"Si mia ba yan?"nakita ko ang gulat na bumalandra sa mukha ng mga kaklase ko ng makita si mia na suot ang paboritong damit ni ethan at high ways shorts ito na bumabagay sa mapuputi niyang hita..
Magkahawak ang kamay nila na lumapit saamin,mas lalo kong naaninag ang kumikinang na nakangiting mukha ni ethan masayang-masaya talaga siya at parehas pa sila ng damit?so wow.
"Babe..bat ang tagal mo?" nabura ang ngiti sa mukha ni ethan ng lumapit sakanya si marie at hinila siya palayo kay mia..
Si mia ay agad na umupo sa isang tabi,para siyang isang babaeng di makabasag pinggan dahil sa sobrang mayumi niya
