July 6,2019 (6:00 am)
Kinaumagahan maagang nagasi-kaso ang klase ng 5-C dahil ngayong araw gaganapin ang kanilang 5 days activity,nagaayos ang mga babae para sa mga dekorasyon at ang mga kalalakihan naman ay nililinisan ang labas ng house of illusion na nilagay nila sa pinakangitna sa loob ng kanilang classroom.
"Asan na ba si ethan at mia?" nagrereklamo na ang ilan sakanila dahil sa wala pa ang dalawa,kailagan nilang madaliin ang pagdidisenyo para mas lalong nakakaen-ganyong puntahan sila ng mga kaeskwela nila.
Magaalasyiete na ng matapos sila sa kanilang ginagawa ngunit wala padin si mia at ethan,ano kaya ang ginagawa ng dalawang yun?may ibinigay nading papel ang kanilang paaralan para sa araw ng kanilang mga gagawing activitys.
"Guys Sorry late!" hinihingal na sabi ni ethan sa klase,napansin nila ang pamumula ng pisngi ni ethan na mukhang galing sa pagtakbo.
"Saan ka ba nangaling ha?
usapan kagabi alas-singko!" pambubungad na sabi ni faye kay ethan,napakamot nalang sa ulo si ethan at yumuko.
"May kausap lang akong investors sa company namin,eh medyo bobo yun eh!kaya natagalan ako" tinangal ni ethan ang kanyang leather jacket na akala mo napakalamig sa pilipinas kung magsuot siya ng ganon.
"Bat hindi ka manlang tumawag?" sabat naman na tanong ni jian.
"Eh sa naiwala ko ang cellphone ko kung saan!" naiiritang sabi ni ethan habang kumukuha ng tubig sakanilang ref.
"Si mia nandito na?"natahimik silang lahat dahil sa tanong ni ethan,bakit ba niya kailagan hanapin si mia?
"Bakit babe?nandito naman ako ha?mas maganda,mas sexy kaysa kay mia" lumapit si marie kay ethan at ang hintuturo nitong daliri ay ipinunas sa basang labi ni ethan.napakalandi mo!
"Enough marie,alalay ko si mia diba?" naging seryoso ang expresyon ni ethan at hinalikan si marie sa leeg,anong kaharutan yan?
Alalay lang ba yung hinahalikan?alalay lang pala yung pinagluluto ng almusal?at isa pa alalay lang ba yung sinasabihan ng i love you?
Ang ilan sakanila ay nagulat sa sinabi ni ethan,hindi parin pala siya nagbago.Just like the old times playboy parin,ginagawang laruan ang mga babaeng mahihina na akala mo papatusin siya.
"Pero ethan kung alalay mo lang si mia?bakit ka nagselos nung gabing tinabihan siya ni kenji?at noong gabing din yun bakit malungkot ka?kasi sabi ni mia hanggang halik lang ang kaya mo?"hindi makapa-niwalang tanong ni alliah kay ethan,madilim ang mukha ni ethan ng tignan niya si alliah hindi niya inaasahan na sasagutin siya ng ganto.
"Why do you care?Please just shut up!okay?" uminom ulit ang binata ng tubig at pinakalma ang sarili,bakit niya nasabi ang mga ganong salita?alalay lang ba tingin niya talaga kay mia?pero hindi,bakit niya ito hinalikan kung alalay lang pala ang turing niya dito,ano yun alalay with benefits?
"Aminin mo man o hindi naaalala mo lang si mia kay mailyn diba?" naibagsak ni ethan ang hawak niyang plastic bottle dahil sa sinabi ng isa sa mga kaklase niya,tinignan niya ito at nakita niyang si justin ito.
"Pwede bang ipagpatuloy niyo nalang yung mga ginagawa niyo!" naiinis na sambit ng binata,pati ang sarili niya ay hindi niya makalma dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya,alam niyang may mangyayaring kakaiba ngayon.
Nang pumatak ang alas-otso ay handa na silang lahat,hindi padin dumadating si mia at hindi alam ng ilan sakanila kung ano ng nangyari sa dalaga,napapansin din ng ilan sakanila ang paglingalinga ng binatang si ethan na mukhang may iniintay.Napapa-iling nalang sila dahil kahit hindi sabihin ni ethan ay nagaalala ito para kay mia.
