"Princess kayo na bahala dito babalik kami kaagad!" sinarado ni faye ang pinto at agad na tumakbo,alam nilang ang mga grupo ng taga labasan ay kakaiba.Walang habas ito kung makipagbugbugan at kaya din nilang makapatay ng tao ng hindi nakukulong.

Hindi maipaliwanag ang kaba sa dibdib ni ethan ng malaman niyang kasama ni leo si mia,bakit ngayon lang ang dalaga nagbalak pumunta sa school nila?alam niyang kayang-kaya ni leo na makipagsapakan pero iba padin kapag buo ang miyembro ng blackpeace,matagal na nilang kaaway ang grupo ng mga taga labasan,hanggang ngayon pala naiingit parin sila sa grupo nila ethan at andrei.

"Babasagin ko talaga ang pagmumukha niyan ni pepeng gatilyo!" seryosong sabi ni ethan,bakit ba kasi sa 4th floor pa sila nahirapan tuloy sila sa pagbaba,kainis naman.

"Yang grupo nila pepeng gatilyo hindi na natuto,basag na nga ang mukha gusto pang basagin lalo!mga bobo talaga!" nanggagalaiting sabi ni matthew,ilan taon na siyang hindi nakikipagaway kaya abot-abot ang saya niya ng malaman na sila pepeng gatilyo ang unang bibinyagan niya ng malupitang suntok.

Nang makalabas sila ng gate ay agad silang lumiko at nakita nila si leo na nakikipagsuntukan sa isang miyembro ng labasan,sa sobrang kasabikan ni matthew ay agad siyang tumakbo at rumesbak kay leo bago sumunod ang ibang lalaki ay nagbilin sila sa mga babae na magingat kung gusto din nilang makipagsuntukan sa grupo nila pepeng gatilyo.

Nakita ni ethan na hawak ni pepeng gatilyo si mia,kaya agad niyang naramdaman ang kakaibang kabog ng dibdib niya,ngayon niya lang ulit ito naramdaman sa makalipas na dalawang taon.Agad nandilim ang paningin ni ethan ng makita niyang tinutukan ng kutsilyo ni pepeng gatilyo si mia sa leeg.hindi pwede.hindi maari.

"Kingina wala kaparing kadala-dala gatilyo,basag na nga yang mukha mo gusto mo pang mabasag lalo?" humigpit ang hawak ni pepeng gatilyo sa kutislyo at mas idiniin pa nito sa leeg ni mia.

"Wala kaparing pinagbago ethan,mayabang ka padin." dahan-dahan dumulas ang kutsilyo sa leeg ni mia at mabilis nagsituluan ang dugo nito,ngunit parang wala lang yun sa dalaga at pinag-sawalang bahala lang ito.

Hindi na makapagintay si ethan kaya agad niyang hinawi ang kutsilyo at itinulak si mia at agad tinuhuran si pepeng gatilyo,napaigtad sa sakit si pepeng gatilyo ngunit hindi tumigil si ethan agad niyang hinawakan ang leeg nito at pinagsasapak,doon niya ibinuhos ang galit niya.wala siyang pakialam kung anong sabihin sakanya ni mia kasi ang alam niya kapag galit na siya wala ng makakapigil sakanya.kahit magmakaawa ka pa.

"Kingina mo!hindi na matahimik ang maantol mong kaluluwa,pati si mia dinadamay mo sa kahayupan mo!" putok ang dalawang mata,putok na labi dumudugong kilay,duguang mukha ayan ang mailalarawan sa mukha ngayon ni pepeng gatilyo.Alam ni ethan na kulang pa ang pagsuntok niya para mawalan ng buhay ito,susuntukin niya na sana ulit ng yumakap sakanya si mia na umiiyak.

"Ethan.tama na,ayokong makapatay ka ng tao alam kong galit na galit ka pero please lang.ayokong makulong ka" agad tumayo si ethan at hinigpitan ang yakap sa dalaga,pakiwari niya na parang mahihimatay din siya kagaya ni kaito dahil sa kilig.

"I'm sorry mia,hindi na mauulit galit na galit ako sakanya.ayokong may mananakit sayo!"(ako lang dapat) lumapit ang ibang grupo ng blackpeace kay ethan at mia.

"Salamat dear mia.kung hindi dahil sayo hindi nabanat ang mga buto ko" pumalakpak si matthew at tumawa,agad binatukan ni leo si matthew dahilan para matigil sa pagtawa ang binata.

"Gago ka!tuwang-tuwa ka pa eh halos ako mabalian ng kamay,ang titigas kasi ng mukha ng mga kulokoy nayun!" tumingin sila sa likod nila at nakita nila ang mga babae na pinagbabato ang mga grupo ng labasan,nagtawanan sila dahil todo iwas ang ilan sa mga ito ngunit naheheadshot iyon ni aira kaya wala silang ligtas.

CLASS 5-C DARK HELL SECRETS (under editing)Where stories live. Discover now