Lumipas ang oras ay mas lalong rumarami ang tao sa loob ng kanilang room para makapasok sa house of illusion,ang pinapwesto nila sa gitna ay isang human size na sira-sirang teddy bear ni john rey.Nageenjoy ang ibang estudyante at paulit-ulit na sumasakay sa rides nila kaya mas dumadami pa ang kita nila at hindi nila alam kung saan ibibigay ang perang mga nakolekta nila.
"Hanggang anong oras ba ako tatayo rito?" nagrereklamong tanong ni matthew,marami na kasing babaeng umaaligid sakanya at naiirita na siya.
"Bhoset ka matthew manahimik ka dyan!" sambit naman ni johnrey na busy sa pagtingin sa maliit na monitor na nakadikit sa likod ng house of illusion,kaya niligay nila yun para obserbahan ang mga estudyanteng nasa loob kung sakaling may nasugatan man.
"Patayin niyo nalang yung tugtog kung mga bunganga niyo ang mas nangingibabaw!ang dami niyong hanesh!" inis na sambit ni dave na kakagaling lang sa pagtulog,nagtawanan sila dahil iritang-irita si dave sa mga babaeng kumukuha ng litrato sakanya.
Nang medyo kumonti ang tao sa room nila ay nagugutom na ang ilan sakanila kaya inutusan ni jian si leo para bumili ng makakain nila sa labas.
"Leo bili ka ng pagkain sa labas,sarado ang Kfc" pag-uutos ni jian hindi makapa-niwala ang ilan sakanila dahil ang pinakakuripot sa lahat ay manlilibre na.
"Whoo!end of the world na ata,himala manlilibre si katukayo!"pambibirong asar ni franco nagtawanan sila at umiling-iling nalamang si jian dahil dito.
Inabot ni jian kay leo ang credit card niya at tinapik si leo sa balikat.
"Balik ka kaagad men!" pagkasabi nun ni jian ay agad na lumabas ng klase si leo.
"Okay!magbebreaktime lang muna kami!balik nalang po yung iba mamayang 11:00,
salamat po!"masayang sabi ni thea sa mga nakapila sa labas ng house of illusion,nalukot naman ang mga mukha ng ibang babae dahil sa hindi sila nakaabot at hindi nahawakan ang abs ni matthew na nakatayo sa gilid ng pinto.
"Woi kaito bunutin mo na yung saksakan o ikaw sasaksakin ko!" naiinis na sambit ni laine dahil nakita niya ang ibang mga babae na umaaligid kay kaito at gustong-gusto yun ni kaito.
"Aysus nagselos ang misis ko!" niyakap ni kaito si laine at hinalikan sa pisngi,umamin na kasi ng pagibig ang binata para kay laine,kaya ang lolo niyo kaito naihimatay sa sobrang kilig.
"Nako ang lalandi niyo!" naiinis na sambit ni joanna at naglagay ng liptint sakanyang labi,nagkatinginan naman silang lahat at agad nagtawanan.
"Hay nako see,sabi ko sayo ligawan mo na si joanna tignan mo napakabitter tuloy!" naghiyawan ang lahat sakanila ng hatakin ni hirato si joanna at dampian ng halik sa likod ng palad.so sweet
"Bawal ang PDA sa paaralan ko diba?"natigil sila sa tawanan dahil sa sinabi ni remphsy halata sa binata ang pagod at puyat,dala siguro dahil sa kanilang kinaharap na problema ngayon.
"Armin anong sinabi ko sayo,galingan mo sa pambabanat para makuha mo si kuya remphsy!" tumatalon-talong sabi ni althea,hindi naman mapigilan ang kilig na gumuhit sa mukha ni princess,ngunit natigil silang lahat sa asaran ng sumulpot ang bata ni andrei na si xen.
"Boss si kuya leo napaaway doon sa may mga taga labasan!kasama niya yung babaeng kamukha ni ate mailyn!"agad na rumesponde ang mga lalaki at pinuntahan si leo,sumama rin ang grupo ni jannah at hilary ngunit naiwan si alliah,rica at princess para bantayan ang house of illusion.
PART 16
Start from the beginning
