“Anong pangalan mo?”
“H-huh? U-uhm,.. Darlene.”
“Ako naman si Al. Nice to meet you.” Muli itong ngumiti bago nito buksan ang coke na binigay sa kanya.
Kaya lang, kabukas nito sa nasabing inumin ay saktong sumabog ito sa muka nya.
Pareho silang nagulat sa nangyari and for a moment, both of them fell in a deep silence.
Sumimangot si Al at pinunasan ang muka niya gamit ang kamay nya. For some reason, hindi mapigilan ni Darlene na titigan ito at pamayamaya ay tumawa na ito. Ayaw nya mang tumawa, hindi nya paring magawang tumigil sa pagtawa. Bihira lang syang tumawa at sa tingin nya ay ito na ang pinakamalakas niyang pagtawa.
Tahimik na nakatingin ang lalake sakanya habang nakasimangot at pinapanuod ang pagtawa nito.
Pamaya-maya ay humina ang pagtawa ng babae at binuksan ang coke niya. Splash. Kagaya ng nangyari kay Al ay sumabog din ang inumin sakanya. Wala itong nagawa kundi mapanganga at matutulala sa nangyari. Sheeeet, nabasa sya!
Tumingin ito sa kasamang lalaki at nakitang ito ay nakatingin rin sakanya. Hindi nagtagal ay tumawa ang lalaki.
Sumimangot si Darlene ngunit kahit nakikita na ito ni Al na nakasimangot ay hindi parin ito tumitigil sa pagtawa. But then again, just like a virus, she was infected and laughed too. Sino ba namang magaakala na ang bago nyang kaklase na kinatatakutan ng lahat ay may napakainosenteng ngiti at tawa.
Tila lalong nag-iba ang tingin nito sa lalaki, in a good way.
Tama ang hinala niyang mabait nga ito.
Well, she do believe in the saying “Don’t judge a book by its cover.”
Sana lang lahat ng tao naniniwala din sa saying na iyon.
But reality is reality and reality is pretty harsh.
“Paano yan basa ka? May dala ka bang extra uniform?” Tanong ni Darlene.
“Ha? Ahm, wala.”
“Kahit P.E. uniform?”
Umiling ang lalaki. “Ayos lang, hindi naman ako papasok mamaya.”
“Huh? Bakit di ka papasok?”
“Ahm,..”
“Alam mo pwede kang ma-suspend pag madami ka ng absent.”
“Kaya lang-“
“Okay lang yan.” Ngumiti si Darlene. “Kaklase mo naman ako eh, akong bahala sayo.”
BINABASA MO ANG
Red String
Teen FictionSabi nila, lahat daw ng tao ay may nakatadhang kapareha para sakanila na balang araw ay maari nilang makilala at makatuluyan. Ngunit paano mo malalaman kung siya na nga ang nakatadhana para sa iyo? Ito ba ay may mga signs? Paano kung nagmahal ka per...
Chapter 2
Magsimula sa umpisa
