Walang sagot ang lalake at tanging nakatingin lamang ito sakanya habang siya ay papalapit.

Nang makalapit ay iniabot nito ang hawak na coke. “Thanks dun sa kahapon.”  She said with her soft voice, blushing slightly out of nervousness.

Hindi kinuha ng lalaki ang inaabot na coke bagkus ay inilapit nito ang muka sa kanyang kaklase. “Hindi ka natatakot?” Tanong nito.

Dahil sa gulat ay bahagyang napaatras si Darlene pero malapit parin ang muka ng lalake sakanya. Hindi nya inaasahan na kakausapin sya nito at lalong hindi niya inaasahan ang tanong nito.

Hindi siya natatakot?

Oo, kinakabahan sya.

Sa katunayan ay madalas siyang kabahan sa kahit anong bagay- lalo na kung recitation sa klase.

Pero natatakot?

Ang mga itim na mata nito ay nanlilisik, matulis at tila naghahanap ng away.

Ngunit sa kabila ng yon ay,

“Hindi.” Iling nito.

Hindi siya natatakot.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila siya lamang ang nag-iisang estyudante sa buong klase nila ang hindi nakaramdam ng takot ng makita siya. She even felt that he’s less intimidating when she saw him with those cats. Plus, linigtas siya nito.

Pamaya-maya ay linayo na ng lalaki ang kanyang muka sa harapan niya at umupo.

Laking gulat nya ng tumawa ito.

Tumatawa.

Ito.

 “Mabuti naman.” Wika ng lalake.

“H-huh?”

“Halos lahat kasi ng nakakakita sakin kung hindi umiiwas, sinusuntok ako.” Inosenteng sagot nito.

Sa gulat ay tila nilamon ng lupa ang kanyang boses at tanging sa isip nya lamang siya makapagsalita. ‘Siguro dahil yon sa mga mata nya kaya siya iniiwasan, pero sinusuntok?’

“Salamat.” Ngiti nito.

Isang ngiti.

Isang napakainosente at totoong ngiti.

Ngumiti rin si Darlene at tahimik na muling iniabot ang coke.

Pagkakuha ng lalake sa inumin ay umupo narin si Darlene.

Red StringTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang