Morning Draky!

71 7 0
                                    

"Pinapatawag niyo daw ako. Anong meron Dad? A-ano 'to?"

"Morning Draky! Miss me?"

FLASHBACK ten years ago~

"Julia, please ayusin natin 'to. Parang awa mo na."

"Ano bang hindi mo naintidihan sa AYOKO NA?! Ha?"

"Hon, please wag namang ganito oh."

"Drakos. Please... Please let me go..."

"N-no... No! No! Julia we'll make it through. Naririnig mo ba ako? Malalagpasan natin 'to. Pag-usapan naman natin yung problema..."

"Drakos ayoko na."

"Hon, i love you."

"Drakos pleas—"

"I love you."

"Tapusin na natin 'to para 'di na tayo mahi—"

"Julia, I love you. I love you so mu—"

"I don't love you anymore!" natahimik ang buong kwarto sa sigaw ni Julia. Nang wala sa katinuang tumawa ng pagak si Mikael. Napahilamos naman ng mukha si Julia sa nangyayari.

"No. I don't believe you. You're joking right?"

"I'm not joking Mikael Drakos. Now let me go."

"No. You love me right?"

"I don't love you anymore."

"No! You're lying!" matigas na sabi ng binata.

"No I'm not!" sagot ng dalaga na nakatingin sa sahig.

"Then look into my eyes at sabihin mo sa 'king hindi mo na ako mahal. Tignan mo 'ko sa mata, Julia." dahan-dahang nag-angat ng tingin si Julia kay Mikael.

"I... I-i don't love you a-anymore Drakos. We're done."

"I can't believe this bullsh*t!"

"It's over."

"But why?" at sunod-sunod ng pumatak ang luha sa mga mata ni Mikael ganun din si Julia.

"I'm sorry..." pinunasan ni Julia ang mga luhang pumapatak at tumutulo sa pisngi ni Mikael. Hindi niya kayang nakikitang ganito ang itsura ng nobyo. Alam niyang kung hindi niya ito gagawin ay may ibang gagawa nito para lang mapaghiwalay sila.

'Sorry Hon. Hindi kita kayang ipaglaban. Kailangan ko 'tong gawin para sa 'tin. Para sa'yo. I love you.'
bulong ni Julia at mahigpit na niyakap niya ang nobyo.

"Goodbye Drakos. Be happy."

END back to the present~

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito? Dad, what's the meaning of this?" hindi makapaniwala si Mikael sa kanyang nakikita.
It's her. Still beautiful. His ex is back! Pero alam kaya nitong bakla na si Mikael?

"I invited her here since kadarating niya lang from France." tinignan niyang muli ang dating kasintahan. Wala pa ring nagbago sa panlabas na kagandahan nito. Mas nakikita ngayon ang hubog ng katawan nito dahil sa suot na itim na fitted dress. Pero mas sexy si Fay—I mean ako!

"Tama mas sexy ako!"

"Mikael Drakos." may babalang saad ng kanyang ama.

Nagulat ang dating nobya sa lumabas sa bibig ni Mikael. Pati si ang binata ay nagulat sa kanyang nasabi. Lalo na sa kanyang naisip. Bakit naman pumasok sa isip ko ang merlat na yun?! Bahagya pa siyang umiling-iling.

"I'm back Draky. Don't you miss m—"

"Bakla ako."

Natahimik ang buong opisina ng kanyang ama sa tinuran niya. Gulat na gulat at hindi makapaniwala ang mukha ni Julia. Blangko naman ang itsura ng kanyang ama na tila inaasahan na ang kanyang sinabi.

"Draky, what's the meaning of this? You're g-gay?" nag-aalangang tanong ng dating kasintahan.

"Yes. May problema ba tayo sa bakla?"

"Mikael Drakos." muling paalala ng ama.

"What's wrong Dad? Sinasabi ko lang yung totoo. Yung totoong ako. I'm just being me. What's wrong wit—"

"I'm leaving you two here to talk."

"No Dad. I'm leaving. Wala kaming dapat pang pag-usapan. Goodbye." pagtapos ni Mikael at agad nanilisan ang silid.

Napabuntong hininga naman si Sander na ama ni Mikael at humihinging pasensyang tinignan si Julia na gulat na gulat at hindi pa rin makapaniwala sa nangyare.

"I'm sorry about that Hija."

"A-ayos lang po Tito Sander. Alam ko naman pong ganito amg mangyayare at handa po ako... P-pero totoo po bang b-bakla si Mikael." nag-aalangang tanong ni Julia.

Muling napabuntong hininga ang ama ni Mikael at pinaliwanag kay Julia ang nangyare sampung taon na ang nakalilipas.

***

"Naging bakla po siya matapos ang n-nangyare sa 'min?" nag-aalalang tanong ni Julia. Tumango lang ang matanda bilang pagsagot. Natahimik ng ilang saglit ang opisina. Nang biglang humikbi ang dalaga na bahagyang nakayuko.

"H-hija? Huwag kang mag-alala, wala kang kasalanan. Walang alam si Mikael sa sitwasyon mo noon. Saka sarili niyang desisyon ito at tanggap na namin siya." nag-aalala ang ama ni Mikael ng makitang umiiyak ang dalaga. Naaawa siya para dito.

"Mabigat din ang pagsubok na dumating sa'yo Hija. Naiintindihan kita. Pero nagbago na si Mikael. Iba na siya ngayon Hija. Sana matanggap mo din siya tulad ng pagtanggap namin sa kanya." dahan-dahang napatango si Julia pero humikbi pa rin. Inabutan siya ng panyo ng matanda at pinakalma.

"Ayos na po ako Tito. Salamat po sa pagpapaliwanag sa 'kin. Mauuna na po ako. Babalik po ako bukas. Bibisita po ako kay Tita Miranda." ngumiti at tumango sa kanya ang matanda bilang pagsang-ayon sa nais nito.

Babalik ako. Babalikan kita Drakos. Sana kaya mo pa akong patawarin...











sorry nagkaproblema lang sa kuryente kagabi. hshshs

LOVE YOU. keepsafe

Castellanos Series: Mikael Drakos CastellanosWhere stories live. Discover now