Sisteret

71 5 4
                                    

Tahimik ang hapag. Tanging tunog ng kubyertos at plato lang ang maririnig. Balis si Mikael na pasimpleng nagnanakaw ng tingin kay Faye na 'di makikitaan ng kaba o kahit anong reaksyon. Pero sa loob-loob nito ay gusto niya ng umalis at maglaho na lang.

"So Hija, kailan ang kasal? Ako na ang bahala sa wedding organizer and catering services. I knew someone who's good at organizing weddings. Should I cal—"

"Mom." pagputol ni Mikael sa kung ano pa mang sasabihin ng kanyang ina.
Tumahimik naman ang ina ni Mikael at bahagyang ngumiti. Nang mapadako ang tingin nito kay Faye.

"Ahem! Ack! Ack! Thubihg!" nasasamid na anya ni Faye. Agad namang nataranta si Mikael at inabutan ng tubig si Faye.

"S-salamat." nahihiyang turan ng dalaga.

"Mom! Bakit ba kase kayo ngumingiti ng ganun!?" sigaw ni Mikael sa kanyang ina.

"What? Bakit Faye Hija, natakot ba kita? I'm sorry. I'm sorry." sinserong saad ng ina ni Mikael.

"Naku Ma'a—Mommy hindi p-po." pahina ng pahinang saad naman ni Faye. Nang makitang ngumiti ang ginang ay ngumiti rin siya.

"Look Hon! He called me Mommy! I'm so happy!" pagtili ng ina ni Mikael na bahagyang hinampas pa ang kanyang asawang tahimik na umiinom ng kape. Natawa na lang si Faye sa nasaksihan. Ang swerte ni Mikael. Ang saya ng pamilya niya.

"By the way son, have you seen your sister? It's Friday right? Dapat kanina pa siya nakauwi." tinignan naman ni Mikael ang kanyang relo. Eto namang si Mommy, para 2 minutes lang na late e. Tsk.

"I bet she's on her way. Pero pwede bang patapusin niyo muna yung pagkain Mommy? Like your Princess is really hungry na." litanya naman ni Mikael na may kasama pang pag-irap.

"Aray naman Dad! Mashaket ha. Lagi niyo na lang akong binabatukan. My precious batok. Pano na lang ako neto makakahanap ng fafa kung baliko leeg ko?" napanguso naman si Mikael ng makatanggap ng batok mula sa kanyang ama. Napahagikhik naman si Faye.

"Tawa ka diyan." ngunit parang walang narinig si Faye at mas nilakasan pa ang pagtawa. Luh nabaliw na?


Natapos ng kumain ang pamilya. Nakaabot pa si Selene sa pagkain kaya mas naging masaya ang hapag.

"So Ate Faye, ano ba talaga kayo ni Kuya? Kanina mo pa iniiba yung usapan e. Dali excited ako!" natigil naman sa pag-inom ng juice si Faye.

"Walang kami. / Hindi kami talo!" nagulat naman ang lahat sa lamesa sa pagsigaw ni Mikael.

"Mikael Drakos."

"Dad naman e. Alam niyo naman kung ano ako diba? Wala na kayong magagawa para mabago yung isip ko. Saka nananahimik etong merlat na ito, kinukulit niyo. Mommy, Daddy. Please let me be. Hayaan niyo na ako. Malaki na ako at kaya ko na sarili ko. Eto ang gusto ko. At saka isa pa, hindi si Faye ang type ko kung sakaling magkakajowa ako ng merlat." lahat sila ay napalingon sa naglalakad na si Mikael. Marahil ay patungo na ng kanyang kwarto.
Maliban kay Faye na tahimik lang na nakatulala.

hindi si Faye ang type ko...

hindi si Faye ang type ko...

hindi si Faye ang type ko...

hindi si Faye ang type ko...

Castellanos Series: Mikael Drakos CastellanosWhere stories live. Discover now