Say whuuuuut?!

74 7 2
                                    

"Bilisan mo! Hihintayin kita sa parking lot. Ang kupad kumilos." pagrereklamo ni Mikael na tinutungo ang daan palabas ng opisina.
Abala naman si Faye sa pag-aayos ng kanyang gamit. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. Kasalanan 'to ng Mikael—a na yun e!

"Hay! Bahala na nga." nang matapos ayusin ang kanyang gamit ay agad na lumabas siya ng opisina. Baka tarayan nanaman ako ng Mikaelang yun.

***

"Bakit ang tagal mo gurl? Mygosh! I'm hungry na kay—"

"Magdrive ka na. Hindi yung puro ka reklamo. Baklang 'to" pagpapatigil ni Faye sa pag-iinarte ni Mikael na kina-irap lang ng huli.

"Gusto mo ng music gurl?" tanong ni Mikael para na rin mawala ang awkwardness sa loob ng sasakyan.

"Okay."

"Gusto mo magdrive-thru muna tayo?"

"Okay."

Nakakainis naman 'tong merlat na 'to. Pinapagaan ko na nga yung atmosphere e. Medj bida-bida ha! Kalerki!

"Merlat."

No response.

"Gurl."

No response.

"Faye?"

"Yes Sir? Need anything?" napa-irap naman si Mikael sa pormalidad ng dalaga.

"Really now? Sir talaga? Ma'am na lang. Or mas better pag Mikaela." si Faye naman ang napa-irap.

"Real talk Sir—Mikael"

"Mikaela."

"Whatever. So Mikaela, bakit ka nagibg bakla? You're too gorgeous, you know. Sayang ka. Sayang lahi." napatawa naman ng bahagya si Mikael. Well totoo naman, he's gorgeous.

"So type mo talaga ako? Gurl hindi tayo talo." napa-irap na lang ang dalaga sa kayabangan ng binatang dalaga.

"Sorry to burst your bubble Mister, but you are not my type. Sadyang nanghihinayang lang ako sa lahi mo. Blue eyes, brown hair? Are you serious?"

"Well, what can I say. Pinagbutihan nila Dad ang paggawa sa'kin. Not my fault. Saka anong not your type? I can see in your eyes that you have hots on me. Gurl again, 'di tayo talo." napanganga na lang ang dalaga sa kayabangan ni Mikael.

"Yabang." tumawa lang ang binata.

"Yan. At least nawala yung awkwardness. By the way, are you Japanese? Based on your surname. So are you a Japanese?" tanong ni Mikael na panaka-nakang tinitignan si Faye na busy sa pagkutkot sa phone.

"I'm half Japanese. I don't like that surname for some reason. Don't call me with my surname."

"Bakit naman gurl? Curious aketch ah. Share naman diyan." pangungulit ni Mikael kay Faye. Pero tahimik lang na nagkukutkot si Faye sa cellphone at binalewala ang binata.
Wow famous ka gurl? Kaloka.

Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho ay nakarating sila sa bahay ng pamilya Castellanos. Hindi ito ang unang pagbisita ni Faye sa bahay ng Castellanos.

"Parang palaki ng palaki yung bahay niyo—mansion niyo. Malaki na 'to dati pa, pero mas lumaki siya." mahahalata sa boses ng dalaga ang paghanga.

"Gusto ni Dad na mas palakihin pa itong mansion, kahit tutulan namin si Dad. You know him. Ewan ko ba dun at malakas ang trip. Balak niya ngang magtayo ng isa pang building nearby, gagawin niya daw bar. Diba? Kalokohan." tumawa lang ang dalaga. Alam niya na ang ugali ng kanyang Boss. Pag gusto niya, masusunod. But he's a good CEO and a good father.

***

"Omy! Welcome Hija. Come in, come in." excited na turan ng ginang at bumeso at niyakap siya ng mahigpit. Ngumiti lang ang dalaga at humingi ng tulong kay Mikael na patawa-tawa lang sa tabi.

"Tara handa na yung hapagkainan. By the way Hija, may narinig akong balita. Kayo ha, hinay-hinay." kinabahan naman si Faye. Oh sh*t. Pati si Mikael ay nabalisa. Alam niya pa namang may pagkaloka-loka din itong ina niya tulad ng ama niya.

"Mom, it's not like th—"

"Ma'am, mali po kayo ng ini—."

"Mommy na lang Hija. I like you for my son."

Napamaang naman si Faye sa narinig.

"You like me.... for your son?" sabay lingon kay Mikael na nakanganga.

Say whuuuuut?!













Eto muna sa ngayon. medyo busy sa panonood ng Kdrama e. HSHSHSHSHS.
Please bare with me. HSHSHSHSHS. Nawili ako e.

Ano palang reaksyon niyo sa KAACHI?HSHSHSHS. Medyo triggered ako, lalo na kay Chunseo. Hoy 'wag si Jungkook! Suntukan na lang. Char.

Keepsafe❤️

Castellanos Series: Mikael Drakos CastellanosWhere stories live. Discover now