Arte-arte

64 7 3
                                    

Matapos ang nangyari kahapon ay naging maayos naman ang tagpo sa loob ng opisina. Medyo makahahalata ng kauting ilang sa opisina pero hindi ito naging hadlang upang gawin ang mga dapat gawin sa kompanya.

"This are the files that you need to check before the meeting tomorrow. Ipaabot niyo na lang kay Gina pagtapos. And by the way, pinapatawag kayo ni Sir Sander sa office niya."

"Thank you Faye." ngunit ngiti lang ang natanggap niya at umalis na ito.

"Akala ko ba wala lang yun. 'Bat ang formal niya masyado sa'kin? Tsk! Ano bang problema mong merlat ka. Ginugulo mo'ko."

FLASHBACK sa elevator kaninang umaga~

Pakanta-kanta pang nilakad ni Mikael ang lobby at binati ang lahat ng makakasalubong. Dahil siya ang sususnod na magmamana ng kompanya, ay kailangan niyanh ipakita na magiging isa siyang mabuting CEO. Habang naglalakad patungo sa kanyang opisina si Mikael ay nakita niya si Faye na may kausap sa cellphone.

"Mag-ingat ka palagi... I love you too."

'Sino naman kaya kausap ng merlat na ito at may pa-I love you too pang ganap? Baka jowa.'

"Good morning Faye. Heading to the office?"
tila nagulat naman si Faye ng makita ang binata. 'Gulat ka ano? I love you too pala ha?'

"Ah... Yes Sir good morning, sabay na tayo?" ngumiti lang si Mikael pero palihim na umirap.

'I love you too-I love you too... Ka aga-aga puro harot.'

"Ano yun Sir?"

"Wala. I mean musta naman tulog mo?" halatang nagulat si Faye sa tanong ni Mikael. Ngunit ganun din si Mikael na 'di alam kung saan nangmula ang kanyang tanong.

"Ayos lang naman Sir yubg tulog ko. Kayo ba?" medyo awkward na tanong ni Faye.

"Diba I told you to call me Mikaela not Sir? Naging maayos din naman yung beauty rest ko kaya medyo nasa mood ako today."

"That's good to hear."

"Faye, about sa kahapon, I'm so—"

"Si—Mikaela it's okay. I understand. Alam ko namang pinapaliwanag mo lang yung side mo sa family mo. I'm really happy na tanggap ka nila. Ang swerte mo sa kanila, I envy you. I wish to have a happy family when I was a kid. You're really lucky. Just be yourself someday mahahanap mo din yung para sayo na hindi merlat. Hahaha." natatawang turan ni Faye na kinahinto naman ni Mikael.

Ting~

"Mauna na ako sa iyo, Mikaela."

END back to the present~

"Sino naman kaya yung ka-I love you too niya kanina sa phone? Aish! Ano bang paki ko sa merlat na yun. Bahala siya kung anong gusto niya!" naiinis na sambit ni Mikael ng biglang bumukas ang pinto.

"Sir pinapatawag po kayo ni Sir Sander sa office." tawag ng pansin ni Gina kay Mikael na naiinis.

"Ang arte-arte ng merlat na yun. Akala mo naman kagandahan. Hmp!" pabulong-bulong pa ni Mikael. Kahit nagtataka ay hindi na lang ito inintindi ni Gina bagkus ay sinamahan niya na lang si Mikael patungong opisina ng ama nito.












short update dahil GG na si mama sa'kin sa kapupuyat ko. hshshs

salamat! keepsafe❣

Castellanos Series: Mikael Drakos CastellanosWhere stories live. Discover now