chap 76- we few

10.8K 242 37
                                    

AUTHOR'S POV

Dahil sa pagsigaw na iyon ni Zevi ay nakuha nila ang atensyon noong mga goons ni Virus. Miski si Virus ay naging alerto at agad na inutusan ang mga alagad nito na sugudin at tapusin sila. Ang iba naman ay inutusan niyang bantayan si Missa na ngayon ay parang wala pa rin sa sarili.

"Mikhail Cross. Saving your little sister eh?" sabi ni Hans kay Mikhail.

Hindi man magkakilala ng personal ang dalawa ay alam nila ang hitsura at mukha ng bawat isa. Isa kasi si Hans sa mga matataas na tauhan ni Virus kaya nakita na ito ni Mikhail sa profile na ibinigay sa kanila ni Missa noon.

Sa profile na iyon ay sampu ang mga ito. si Hans Vier, Gil Harrison, Rey Chen, Josh Bern, Carl Frey, Nate Nichols, Dev White, Ren Hao at Sid Graham.

"Do you know why the big brother is born first? It’s to protect the little brothers and sisters that come after him. By Ichigo Kurosaki." nakangising sabi ni Mikhail kay Hans bago ito pinaputukan ng baril.

"What are you saying?" tanong naman ni Nate.

" They say even death can't cure an idiot. By Ririn" sagot naman ni Jace dito bago ito sinugod.

Naghiwa hiwalay ang mga D.E. At si Tristan para mas madaling maubos nila iyong mga kalaban.

Kung titignan ay wala silang laban sa dami ng mga iyon pero nasanay na sila sa sinasabi ni Missa sa kanila. Na sa laban. Hindi mahalaga kung sino ang mas madami. Ang mahalaga ay kung sino ang mas malakas. Ang mas magaling. Ang mas mautak.

"Tired? Akala ko ba magagaling ang mga D.E.? I still remember kung paano ninyo tinapos ang grupo ni Mr. Smith. Hindi ninyo ba alam na ang daming humanga sa inyo? Pero bakit parang ngayon ay hirap ka na?" nang uuyam na sabi ni Sid kay Brian habang sakal sakal niya ito mula sa likod gamit ang kanyang braso.

Namumula na ang mukha ni Brian dahil sa higpit niyon pero hindi siya papatalo.

Gamit ang inipong lakas sa kanyang kaliwang binti ay pinatid niya paharap iyong kaliwang binti ni Sid. Nawalan ito ng balanse at lumuwag iyong pagkakasakal nito sa leeg ni Brian kaya sinamantala iyon ni Brian at agad na hinawakan ang damit nito sa magkabilang braso at saka yumuko paharap upang gamitin iyon na lakas para mahila si Sid at maihagis paharap.

"Argh!" daing ni Sid ng malakas itong lumapag sa sahig.

Walang inaksayang oras si Brian at kinuha iyong spare gun niya na nakaipit sa likod ng waistband ng kanyang pantalon at walang pag aalinlangan na binaril sa ulo si Sid.

"When life changes to be harder, change yourself to be stronger. By Erza Scarlet." nakangising sabi niya sa bangkay ni Sid bago ito iniwan upang maghanap ulit ng bagong kalaban.

Sa kabilang laban naman ay medyo nadedehado na si Kira. Nahihirapan siyang tumakbo dahil sa buhangin at dahil na rin sa natamo niyang sugat sa binti. Naigagalaw naman na niya iyon pero alam niyang kapag hindi niya iningatan ay sasakit na naman iyon.

At dahil nga sa laban nilang ito ay hindi niya naiwasang hindi iyon igalaw. Idagdag pa na nasipa iyon kanina ng kalaban niya.

"Run! Hahaha! Mukhang sa inyong lahat ay ikaw ang pinakamahina ah? Bakit ka nagtatago sa likod niyang sasakyan? Afraid?" sabi ni Gil habang pinapaulanan ng bala iyong kotseng pinagtataguan ni Kira upang mapilitan itong lumabas.

Mabilis na pinunit ni Kira iyong laylayan ng kanyang damit at tinalian ng mahigpit iyong hita niya na ngayon ay nagsisismula ng dumugo dahil mukhang bumukas muli iyong sugat.

Hindi siya papatalo. Tulad noong huling laban nila. Hindi pa siya nakakapaghabilin kaya hindi pa siya pwedeng mamatay.

Nang matapos sa ginagawa ay pinulot ni Kira iyong piraso ng salamin na malapit sa kanya. Lumayo din siya ng kaunti sa may kotse at ginamit iyong salamin upang alamin kung ilang kalaban niya ang naroon.

THE RISE OF THE DRAGON EMPRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon