chap 22- tristan in

16.7K 429 5
                                    

MIKHAIL'S POV

seryoso kong hinihintay ang sagot sa akin ni Jace tungkol sa sinabi niya kanina.

"haist!halata naman eh!may gusto yang si Icen kay Missa!" sabi ni Brian.

lahat kami ay napatingin kay Icen ng seryoso. Tss. oo nga. halata. dahil napayuko pa itong bugok na toh. namumula pa halatang nahihiya. tss. ano siya bakla?!

well. wala naman na akong pakialam doon. siya rin naman ang magsisisi sa huli. at sigurado ako doon.

si Missa magkakagusto sa kanya?impossible. ni sa langgam nga ata na nadadaanan niya ay wala siyang paki alam. magaaksaya pa kaya siyang pagisipan ang lovelife niya?hindi naman siya tulad ng ibang babae kaya impossible iyon.

"eto na ang mga order niyo."

napatingin ako sa nagsalita. oo si Missa iyon. hawak niya sa magkabilang kamay ang tray na naglalaman ng mga order namin. ewan ko ba sa kanila. kami lang ni Zevi ang may matinong order. bahala silang magutom.

tinignan ko siya at nagtama ang paningin namin. ganoon pa rin. cold pa rin ang mga mata niya. and. damn! dahil tulad din ako ng iba na kahit anong gawin kong tago ay nakakaramdam pa rin ako ng panlalamig kapag nakikita ko ang mga mata niyang ganyan. pero hindi ko siya bibigyan ng kasiyahan na makita ang reaksyon kong iyon.

"ok. iyan pa lang ang ipapagawa ko sayo. bumalik ka na muna sa mga kasama mo." sabi ni Zevi.

"teka." pigil ko kay Missa.

bumaling lang naman ito sa akin ng may bored na expression. tss.

"bakit kasama niyo si Tristan Miller?" usisa ko sa kanya.

napataas naman ang isang kilay niya.

"oo nga Missa bakit kasama niyo siya?" tanong din ni Kira.

alam ko namang lahat kami ay nagtataka kung bakit nila kasama si Tristan. alam ko namang hindi na ulit tatangkain nila Reena ang lumapit sa isang scholar dahil sa nangyari noon kaya sigurado akong si Missa ang dahilan bakit kasama nila ito ngayon.

"dahil gusto ko." tanging sagot niya.

tch. wala talaga siyang paki alam. sigurado naman ako na nasabi na sa kanya nila Im-han ang ugali ng mga tao dito. at sa ginagawa niyang iyan ay ipinapahamak niya si Tristan.

"pero bakit?" usisa pa ni Yvan

"wala akong ibang rason maliban sa gusto ko." sagot ni Missa.

"naaawa ka ba sa kanya?" si Icen

"hindi."

"eh bakit pala?noong tinulungan mo lang naman siya ay saka mo nalaman ang existnce niya." si Brian

"tama ka."

"so tinulungan mo siya. naawa ka sa kanya. kaya ngayon kaibigan niyo na siya?" si Jace

"hindi. alalay ko siya."

psh. hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya o hindi. maaring totoo iyon dahil hindi naman siya friendling tao. sinabi ko na nga. wala siyang pakiaalam sa iba. kaya lang naman niya naging kaibigan sila Im-han at Reena ay dahil ipinilit noong dalawa iyong sarili nila.

"bakit kailangan mo naman ng alalay?" si Zevi

"dahil gusto ko lang."

"hindi ako naniniwala sa mga sagot mo." si Lucien.

i grinned. mana talaga sa akin ito.

natigilan naman si Missa. teka. bakit siya natigilan. mas itinuon ko ang paningin ko sa kanya. sa mata niya. nakita kong may dumaang pagkailang sa mata niya. sigurado ako. segundo lamang ata iyon pero hindi ako pwedeng magkamali.

THE RISE OF THE DRAGON EMPRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon