chap 65- what is she?

9.9K 251 9
                                    

ZEVI'S POV

"what happened?bakit parang nagbago siya kanina?" naguguluhang tanong ko.

"dahil nagbago siya." tanging sagot ni Aki.

"pwede ba!ipaliwanag na ninyo ng mabuti kung anong nangyayari kay Missa?!" naiinis na sabi dito ni Brian.

umingos lang naman si Aki at humiwalay na sa kama ni Missaki kung saan siya ay mahimbing pang natutulog.

"Ako na ang magpapaliwanag." si Mr. Lee iyon.

nagtungo siya sa may mini sala dito sa loob ng kwarto ni Missaki kaya napasunod kami. at kahit ayaw ko man, hinayaan ko muna si Tristan na kasama si Missaki dahil isa rin siya na hindi ko maintindihan. malakas ang kutob ko na may kung anong koneksyon sa kanilang dalawa sa kanilang nakaraan.

nagkanya kanya kaming pwesto at saka nag abang sa sasabihin ni Mr.Lee.

"nangyari ito higit sampung taon na ang nakaaraan. ah. hindi. higit dalawang dekada na pala ang nakaraan ng magsimula ang ganitong mga pangyayari. nagsimula pa ito sa dating Empress. ang ina nila Missa at Mikhail." paninimula nito.

magatal ng nagsimula ang ano?simula sa dating Empress?wala akong ganong alam tungkol sa dating Empress pero ang alam ko ay galing siya sa mga angkan ng mga Assassin. isa siya sa pinakamagagaling. pero ng halos maubos ang samahan nila at napahiwalay ito sa mga kasama. pagkatapos ay napunta siya sa Mafia ng mga Kossaki. the great Kossaki Mafia na napatumba ng mga Cross.

pinagsama iyon ng dalawang pamilya ang Sakiyoshi at--

Kossler.

Missa Kossler.

iyon ang ginamit ni Missaki na pangalan noong una.

"kung hindi ninyo alam. ang ina nilang magkapatid ay galing talaga sa pamilya ng mga Omoyama. isang angkan ng mga Assassin. kaso naubos halos ang kanilang angkan ng sakupin sila ng mga Jovan. isang grupo ng mga mafia. nakaligtas ang batang Miyuwara sa kaguluhang iyon at nabalik sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola sa ina,ang mga Kossler. na sa mga panahong iyon ay plano na ng mga Kossler na sumanib sa mga Sakiyoshi. ng makapagsanib ang dalawang mafia ay hindi nagtagal at napunta ang limang taong gulang na si Miyuwara sa pangangalaga ng mga Sakiyoshi. siya ang naging anak ni Hiro Sakiyoshi, ang pinuno ng mga Sakiyoshi. at siya ang natatangi dahil iba ang mga ipinapagawa sa kanya. minahal siya nito bilang anak at minahal din nito ang kanyang kakayahan bilang isang assassin. ginamit siya nitong laruan at ito ang game master. pero sa kaalaman ng lahat ang ginagawang laro ni Hiro ay  masama. ngunit ang totoo ay tinatama lamang nito ang nagawa nitong kamalian noon." mahabang paliwanag ni Mr. Lee.

para kaming nag i-story telling sa nakaraan.

"then dumating ang pagbagsak ng mga Sakiyoshi. pero hindi tulad muli ng inaakala ng marami. hindi ito natalo ng mga Cross. dahil kusang nawala ang mafiang iyon at nagpakasal si Miyuwara at si Hendrick." pagtatapos nito.

"teka. asan po duon ang tungkol sa pagbabago ni Missa kanina?" naguguluhang tanong ni Kira.

oo..ako rin iyon ang hinahanap ko.

huminga ng malalim si Mr. Lee bago nagsalita muli.

"nasa pagkatao ni Miyuwara. ang V-Virus. isa iyong Virus na hindi natapos ng kanyang ama. alam naman ninyo siguro na ang ama ni Miyuwara ay ang katangi tanging hindi assassin sa mga Omoyama dahil siya ay isang imbentor at scientist. ang kanyang mga likha ang ginagamit ng mga assassin sa kanilang pakikipaglaban." sabi nito na tinanguan namin.

THE RISE OF THE DRAGON EMPRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon