chap 63- the mission

8.8K 238 7
                                    

MISSA'S POV

"anong gagawin mo?"

mula sa pintuan ay nalipat ang tingin ko kay Mikhail na siyang nagtanong niyon.

tinignan ko ang mga D.E. sa harap ko at nakita kong naghihintay sila sa magiging sagot ko.

"wala." tanging sinagot ko at saka umupo akong muli sa upuan ko.

wala. wala akong gagawin. choice niya yan. choice niyang umalis. hindi ko siya pipigilan at hindi ko siya pipilitin.

wala kaming relasyon na kung saan ay commited siyang manatili sa akin.

naguguluhan man ay walang umimik sa kanila. mabuti na iyon. dahil wala rin naman akong alam na sasabihin tungkol sa sitwasyong ito.

ang importante ngayon ay ang misyon.

"Mr. Lee, please ready the video." sabi ko na lang kay Butler Lee.

agad naman siyang tumalima at pumunta sa may harapan kung saan may malaking screen.

pinatay ni Tristan ang ilaw sa buong silid upang mapanood namin nang mas mabuti ang nasa screen.

naglalaman ang video na iyon ng mga impormasyon tungkol sa isang tao. blueprint ng isang bahay. ang mga exits at entrance na maaaring pasukin at ang plan a to plan c na paraan ng pag atake.

simple lang naman ang misyon doon. iyon ay ang tapusin ang lahat ng taong naandoon. ang Headquarters at mismong bahay ni Sylvester Pieere. isa sa tatlong boss ng B.S.T.

itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa video.

focus. kailangan kong mag focus kung hindi ay matatalo ako.

pinilit kong ibigay ang 100% ng atensyon ko sa pinapanood ko pero hindi ko maiwasang mag isip.

bakit?bakit ang bigat ng pakiramdam ko?wala lang dapat sa akin ang naging desisyon niya. ayos lang dapat sa akin iyon. isa pa. iyon din naman ang gusto ko.

pero bakit masakit sa dibdib?bakit nasasaktan ako?hindi ba sapat ang nararamdaman niya para sa akin para kapitan pa ako?

ZEVI'S POV

siya si Fujin. si Missaki Sakura Cross,na anak ni Mr. Cross at ng late Empress, ay si Fujin.

si Fujin na bagong leader o mas tamang sabihin na bagong Empress ng The Dragon.

si Fujin na sinasabing halimaw ng iba dahil wala siyang puso kung pumatay.

si Fujin na rank 1. ang pinakamagaling at pinakamalakas sa Underworld.

si Fujin na kinatatakutan ng lahat ngunit gustong gustong mapasailalim.ng grupo nila.

si Fujin na hinahangaan at kinaiinggitan ng lahat.

si Fujin na gustong patayin ng libo libong tao sa Underworld.

si Fujin... ay si Missaki... ang babaeng mahal na mahal ko.

hindi ko alam kung anong iisipin ko at kung anong mararamdaman ko kaya umalis ako. hindi naman ako katulad nola na basta basta na lang matatanggap agad iyong mga nalaman ko. at hindi basta basta lang iyon na parang nalaman ko ang sagot sa tanong na one plus one.

kanina, noong nakatanggap ako ng mensahe kay Fujin na may kinalaman tungkol kay Missaki ay nag alala ako. gusto ko siyang protektahan sa lahat ng paraan na alam at kaya kong gawin.

pero...bakit?

bakit ako? bakit hindi niya ako mapagkatiwalaan?

si Lucien. si Tristan. sila. bakit sa kanila ay nasabi niya ang pagkatao niya. bakit sa akin ay hindi?

THE RISE OF THE DRAGON EMPRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon