HHS: Chapter 2

21.7K 475 26
                                    

Zarah POV

"Mommy!" Pag ka pasok ko palang sa apartment namin ni Zachery ang aking nag iisang anak ay niyakap agad niya ako ng sobrang higpit. "Thank you ma sa pag aalaga kay Zach." Laking salamat ko kay mama na siya ang nag aalaga kay Zach habang nasa trabaho ako. "Kayo pa ba? Malakas ata ang apo ko saakin ano. Sabi saakin ni mama. "Kain muna kayo mama bago kayo umalis." Pag aaya ko kay mama. "Nako hindi na anak. Madami pa kasi akong aasikasuhin sa opisina sa bahay. Tatapusin ko na muna ang trabaho ko para maaga ako makapunta dito sa aking paborito at nag iisang apo~" Pinisil ni mama ang pisngi ni Zach. "Oh sige ma. Mag ingat ka mama ah." Nag paalam na kami sa isa't isa ni mama. Hinalikan naman ni mama sa pisngi si Zach.

"Kamusta ang baby ko? Ipag luluto na kita anak ah. Nood ka muna ng cartoons sa tv, mama will cook muna okay?" Tininggnan naman ako ng anak ko. "Okay mommy." Kiniss ako ni Zach sa pisngi. Nag palit na ako ng damit at nag suot na ng pang bahay. Alexander Zachery William ang pangalan ng anak ko. Mahaba man pero pinangalanan ko siya ng Alexander dahil sa lolo ko. Si lolo ang bestfriend ko. Siya ang nag aalaga saakin habang wala si mama at papa. Na nasa ibang bansa, business trip kung tawagin. Mapagmahal si lolo sa mga apo niya. At sigurado ako na mamahalin din ni Zach ang lolo Alexander niya.

Kumain at nag half bath na din si Zach. Mag fa-five na si Zach sa June. Kami lang at ng pamilya ko ang kilala niya. Hindi siya nag sabi na gusto niya ng tatay. Kasi alam din naman niya na nandito na ako at sapat na ako sa buhay niya. Binasa ko na ang paborito ni Zach na libro. Hanggang sa makatulog na siya sa kwarto niya. Niligpit ko na ang mga toys ni Zach sa sala at nilagay sa play room niya. Hanggang sa binigyan ko na ng kapayapaan ang aking mga mata.

-
Sabado ngayon at tuwing sabado ay pumupunta kami ni Zach sa mall at sa paborito niyang park. Binibili ko ang gustong cars ni Zach. Pero siyempre nili-limit ko din naman ang pag bili ng mga gusto na gamit ni Zach.

"Let's go mommy?" Kinuha ko ang kamah ni Zach at ni-lock ang apartment namin. "Let's go baby."

Tumawag na ako ng taxi papuntang mall. Nag libot libot kami sa mall. Hanggang sa gusto na pumunta ni Zach sa paborito niyang park. Kinuha ko si Zach at bumili muna ng ice cream, ang paburitong dessert ni Zach. Nag bayad na ako ng ice cream namin ni Zach ng pag katinggin ko sa gilid ko ay wala na ang aking anak.

"Zach!! Zachery!! Asan ka baby!?" Nataranta na ako, hinanap ko si Zach sa swing. At kung saan saan pa. Hanggang sa nakita ko na siya sa gilid ng playground. "Zach ano ka ba? Saan ka galing? Sabi ko sayo wag kang lalayo kay mommy eh!" Pinagalitan ko ang anak ko pero hindi ko naman sinaktan. Hanggang sa nakita ko na may kasamang lalaki si Zach. "Sorry po. Tumakbo po kasi ang anak ko papalayo." Nag sorry ako sa lalaki habang inaayos ang aking anak. "Wala yun. Malaman ko lang. Sino ang ama ng anak mo?" Na tigil ako sa pag aayos saaking anak. Tuminggin ako sa lalaki at sinabing. "Ah. M-matagal na po naming kinalimutan ang ama ng anak ko." Sabi ko sa lalaki. "Bakit naman miss. Ang gwapo ng bata. Iniwan ka ba ng ama ng anak mo?" Naiinis na ako ah. Sa harap pa ng anak ko. "Sino po ba kayo? Kung wala na po kayong ibang sasabihin. Mag papahinga na po ang anak ko." Kinuha ko na ang aking anak, uuwi na kami. Baka makuha pa nung sino sino ang anak ko. "Teka miss! Anak yan ni Joshua ano? Bakit hindi mo sabihin kay Joshua na may anak na pala siya saiyo." Etoh na talaga, naiinis na ako. "Hindi ko kilala ang sinasabi mo. Please lang sir. Pabayaan mo na kami ng anak ko."

Pumara na ako ng taxi at naisip ko na umalis na dito sa lugar na toh, at lumipat na sa America kasama si kuya. Hindi pwedeng makilala ni Joshua ang anak ko. Kahit tatay pa siya ng anak ko. Tinaboy naman niya kami nung una palang. Kaya matagal na siyang walang karapatan sa anak ko.

-
"Sure ka ba Zarah? Ayaw mo ba munang mag stay dito sa Pilipinas at dito muna kayo mag tago?" Pag sabi saakin ni mama. "Ma. Mahirap na. Alam mo naman ang mga Sterling's. Gagawin nila ang lahat para lang makuha ang gusto nila." Pag ka explain ko kay mama. "Pero bago kayo umalis. Gusto muna ni Victoria na makita at makausap ang apo niya." Victoria? N-nanay ni Joshua. "Ma! Kukunin nila ang anak ko!" Hindi pwedeng makuha ng mga Sterling's si Zachery. "Hindi anak. Sinabi niya saakin na hindi niya kukunin sayo ang anak mo. Gusto lang niya makita ang apo niya. Hindi niya sasabihin kay Joshua ang tungkol sa anak niyo." Sabi ni mama. "Ko ma, ko. Hindi anak ni Joshua si Zachery. Matagal na niya kaming tinaboy. Ni hindi man lang ako pinakinggan noong nag mamakaawa ako sakaniya. Kaya hindi niya anak si Zachery." Pag kasabi ko kay mama. "Ok sige. Pero bukas, sa airport kayo mag kikita ni Victoria." Sabi ni mama. Ano pa bang magagawa ko. Mabait ang nanay ni Joshua. At hindi ko alam kung bakit naging sobrang sama ang ugali ni Joshua.

"Let's sleep na Zachery. Maaga pa tayo bukas baby." Luampit saakin si Zach. "Mommy. Sabi ni lola aalis daw tayo tomorrow. Saan tayo pupunta mommy?" Tanong saakin ng anak ko. "Sa America baby. We are going to your tito Dexter and tita Therese. Doon muna tayo mag ste-stay." Pag liwanag ko kay Zach. "Why mommy? May problem ba?" Kahit kailan ay hindi ako binibigo at pinapalungkot ni Zach. "Wala baby. Kaya let's sleep na kasi maaga pa at matagal ang flight natin papuntang America baby." Sinunod naman ako ni Zach at pumunta na kami sa kwarto niya.

"Nandito ka pa pala ma? Akala ko umuwi ka na." Alam kong may sasabihin saakin si mama. "Hindi ba't mas maganda kung sabihin mo nalang kay Joshua na anak niya si Zach? Baka naman maiintindihan niya kayo eh. Matagal ka ng nag hihirap Zarah kaka tago sa anak mo. Baka mamaya mahimatay ka nalang jan sa tabi tabi." Sabi saakin ni mama. "Hindi niya maiintindihan ang nangyayari ngayon. Mas maganda na muna kung ilalayo ko si Zach sakaniya. Kay tita Victoria lang mag papakita si Zach." Tuminggin saakin si mama at hinawakan ang kaliwa at kanan kong kamay. "Mag pakatatag ka anak. Ikaw lang ang nag iisa kong babae. Hah? Mag iingat kayo ni Zach bukas." Sabi ni mama. Sana nga. Sana ay makapag tatag pa ako. Pero siyempre. Si Zach ang kalakasan ko. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko.

 Gagawin ko ang lahat para sa anak ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Vote and comment! Thank you! 💜

Hiding His SonWhere stories live. Discover now