HHS: Chapter 1

31.9K 569 43
                                    

"Pakinggan mo naman ako Joshua! Please lang!" Pag mamakaawa ko sa lalaking naka buntis saakin. "Tapos na tayo Zarah! May mahal na akong iba. Ginamit lang kita! Kasi nag break kami ng girlfriend ko. At ngayon kami na ulit. Kaya pwede ba? Umalis ka na!" Iniwan kami ni Joshua ng anak ko na nasa tiyan ko palang sa gilid ng daan. Gabi na. Kaya di masiyadong nakikita ng mga tao na umiiyak ako. Hinawakan ko ang tiyan ko. 'Kaya natin ito anak. Palalakihin kita ng mag isa. Kakayanin ni mama para lang sayo.' Pa bulong na sabi ko sa anak ko. Habang tumutulo ang mga luha ko.

-
"Jusko Zarah? Ok ka lang ba? Ang apo ko juskooooo. Buti nalang hindi ka nahimatay anak. Pag ikaw nahimatay baka mahimatay din kami ng tatay mo." Si mama at papa nalang ang meron ako sa ngayon, si kuya kasi ay nasa America kasama ang fiance niya. "Kung may kailangan ka anak nandito lang kami ah? Kung kailangan mo ng bahay, ng yaya, pera o gamit ng baby kami ang bahala ah? Wag ka na muna mag trabaho. Nakakasama yan sa bata." Sunod sunod na pag ka sabi ni mama na parang nag ra-rap na siya. "Anak. 23 ka na, kaya mo naman na ata maging nanay. Alam mo naman gusto nadin naman na namin ng apo. Hehe." Siniko ni mama si papa. "Iniwan na nga si Zarah ng naka-buntis sakaniya tapos ganiyan ka pang hayop ka." Galit na pag kasabi ni mama kay papa. Ayuko pa sanang mabuntis sa edad na 23 pero blessing ang dumating sa buhay ko. Ayukong itaboy nalang ang pinaka magandang blessing na dumating sa buhay naming lahat. Aalagaaan kita anak. Kakayanin ko hanggang sa bumuti na ang buhay nating dalawa. I love you so much anak.

-
"Zarah, okay ka lang ba diyan? Pwede naman kaming umuwi ni Therese sa pinas para maalagaan namin ang bata pag ka-anak mo." Sabi ni kuya Dexter saakin. Si Therese naman ang kaniyang fiance. "Ok lang po ako kuya. Nandito naman si mama at papa. Makakaya ko naman pag nandito sila eh. "Alam mo bang gusto kong sapakin ng sobrang lakas si Joshua?" Sabi ni kuya. "Ano ka ba Dexter. Kung tulungan at i-cheer up mo nalang kaya si Zarah." Sabi ni ate Therese kay kuya. "Ok lang po yun ate. Kaya ko naman talaga kuya. Di naman ako teenager na nabuntis sa edad na 18 pababa diba? 23 na ako kuya. Kaya ko na mag alaga ng bata." Naintindihan naman ako ni kuya.

Nag kamustahan kami nila kuya at ate. Masarap sa pakiramdam at buhay na meron kang pamilya na ganto.

Narinig kong nag ri-ring ang cellphone ko.

Jana:
Kumusta ka na sis? Kumusta ang pamangkin ko? Sinabi ko na din kay Harry ang sitwasyon mo sis. Kaya pwede ka munang hindi pumasok. Sabi niya din na pwede kang pumasok kung kelan mo gustonh pumasok.

Ito naman si Jana. Isa sa mga bestfriend ko. Si Harry naman ang asawa niya. Kaka-kasal palang nila last month. Pag ma-may ari ni Harry ang kompanya na pinapasukan ko, kaya napag bigyan ako na wag muna pumasok.

:Salamat Jana ah, sabihin mo kay Harry na salamat din.

Jana:
Sus, ikaw pa ba matagal na tayo mag kaibigan ano! Gagawin ko ang karapat-dapat na makakatulong sayo. Oo nga pala. Di pa napapatawag si bakla. Baka busy sa boyfriend niya.

:Ahh. Si Vincent? Hayaan mo yun. Baka busy nga sa boyfriend niya.

Si Vincent ang beklekish naming kaibigan. Vincent sa umaga Vincy sa gabi. O baka sa araw araw nadin. Kaming tatlo ni Jana ay mag childhood best friends. Kilalang kilala at napag kakatiwalaan namin ang isa't isa.

Jana: mamaya tatawagin ko. Pagod din ata sa work niya.

:Tatawag nalang iyon kapag di na busy. Thank you talaga ah.

Jana: ikaw pa ba. Wag ka na mag pasalamat. At kung nakita ko talaga yung lalaking yun. Baka di ko mapigilan ang sarili ko. Baka masapak ko ang lalaking iyon.

:Ayukong ipaalam na may anak siya saakin. Itatago ko ang anak ko sakaniya. Hinding hindi niya makikita ang anak niya, lalong lalo na, hinding hindi niya makukuha ang anak ko.

Jana: Buti naman. Ayukong makita kayong mag ina na nang hihina hah? Kaya natin ito sis! Pray lang!

:Lalaban talaga ako. Kung kailangan kong itago ang anak ko. Itatago ko.

Jana: Andito lang kami palagi ah? Tawagan mo lang kami kung may kailangan ka.

:Sige Jana. Thank you talaga. Bye Jana, ingat kayo diyan ah.

Jana: You're always welcome. Ingat din kayo diyan, love you!

-
Binaba ko na ang tawag. Humiga na ako at pinikit ang aking mga mata. Mag mamadaling araw na. Kaya kailangan ko na din matulog. Sobrang nakakapagod ang araw na ito.

 Sobrang nakakapagod ang araw na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Don't forget to vote! Thank you! 💜

--
Ok, so ito na yung warning ko na napaka cringey nito, saakin at baka sainyo rin since ginawa ko ito noong mga time na medj jeje pa ate girl niyo. Napapa-face palm ako every time na ine-edit ko yung mga chapters while reading it. But if you still want to read it go ahead, I'm not stopping you, I'm just giving you a warning HAHA! Read at your own risk nga kamo, emz!!

Thank you!!

Hiding His SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon