Chapter 2

3 1 0
                                    

Soccer

Kinabukasan, Sabado, maaga akong umuwi sa bahay namin. Kaso walang tao pagkarating. May iniwan lang silang sulat na nakadikit sa pinto ng kwarto ko.

AC,

Pumunta kami ng Dad mo dito sa province natin. Ilang linggo bago kami makakauwi. I suggest you to stay at your dorm so we know that you are safe. Take care, baby. We love you!

Love, Mom


Napabuntong hininga na lamang ako. Nagpahinga muna ako dahil maaga akong umalis sa dorm. I just messaged Mom then rest for a bit. Alam kong may kinalaman iyon sa work nila. Hinahayaan ko na lang dahil alam kong para rin sa akin ang kanilang ginagawa. At saka kapag naman umuuwi sila, sinisiguro nila na mailalaan nila ang buong oras para sa akin.


Matapos magpahinga ay dumiretso ako sa isang mall para mag'grocery. Naalala ko kasi na walang stock ng pagkain sa dorm.

Marami na'ng nakalagay sa basket ko. Inuna ko nang kunin iyong mahahalaga. Hindi ko aakalaing sa simpleng pag-grocery ay maeenjoy ko na kahit pa mag-isa lang. Ganito na lang ba ako ka-loner para maisip ang mga ito? Umiling iling ako at pinagpatuloy ang pamimili.

Nandito ako sa mga chips. Kailangan ko nito dahil iyan ang kinakain ko kapag nas'stress sa pag-aral. Dalawa na lang ang natitira doon sa flavor na gusto ko. Tatlo sana ang bibilhin ko para tig-iisa kami nila Nice kaso 'yong ibang stocks ay nasa itaas na parte na, masyado nang mataas kaya di ko maaabot.

Nakatingin lang ako roon. Iniisip kung paano kukunin. Malamang kailangan kong humingi ng tulong. Hahanap na sana ako nang may kumuha na lalaki at iniabot sa'kin. Ay mali! Itinapat niya sa pagmumukha ko.

Kinuha ko sa kamay niya at ibinaba ko muna sa basket saka siya hinarap. Magpapasalamat na sana ako nang mapagtanto kung sino ang nag-abot ng chips.

"Ikaw?"

Nginitian niya ako. "Yes, Miss. Sorry but I have to go."

I nodded. "Salamat nga pala."

Ngumiti ulit siya sa akin bago umalis. Tinanaw ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Binayaran ko na ang binili ko. Hindi naman ganoon karami kaya madali na sa aking bitbitin ang pinamili. Nasa labas na ako nang makita ulit ang lalaki, kasama niya iyong babae kagabi. Sila yata.

Sumakay na ako ng jeep papuntang dorm. Pagkarating ko ay wala roon si Lilia. Na saan kaya ang babaeng 'yon?

Napagdesisyunan kong ayusin ang lahat ng pinamili ko. Ang natitira na lang sa lamesa ay 'yung mga chips. Kinuha ko ang isa, lumabas ako sa room at kinatok ang kabilang pinto.

"Pasok!"

Binuksan ko ang pinto at nakitang abala si Nice sa laptop niya. Gumagawa ng powerpoint presentation.

"Kaya pa?"

Sumimangot siya sa'kin. Halata mong nahihirapan. Nagtutulungan naman kami 'pag hindi na talaga kaya. Napagkasunduan kasi naming tatlo na kapag individual ang gagawin, dapat sarili lang talaga, hangga't kaya. Sinusuportahan lang namin ang isa't isa. Pero kapag hindi na talaga, handa naman kaming magtulungan. Proud naman ako sa kanilang dalawa, matalino yata itong mga kaibigan ko!!

Loka loka nga lang.

"Ayos lang. Malapit ko nang matapos. Reporting ko na kasi sa Monday."

Tumango ako sa kaniya. Binigay ko ang chips na binili ko. Ngumiti siya ng malapad.

"Thank you, Bes! Alam mo talaga kapag kailangan ko nito."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fathomless LoveWhere stories live. Discover now