CHAPTER 1

7 1 0
                                    


Unang Pagkikita


"Bes, anong gusto mong kainin?"


Tiningnan ko lang itong si Lilia
dahil kahit hindi ko naman
sabihin ay alam na niya kung
anong gusto ko.

"Sabi ko nga iyon pa rin! Avocado shake at fries!" She even rolled her eyes at me before she walks away to buy our food.

Tumingin ako sa labas ng canteen nitong school namin. Napakalakas ng ulan. I hate it when it rains when I'm here at school but loving it when I'm just at home. Ayaw na ayaw kong naabutan ng ulan sa daan dahil para sa akin, masarap lamang dam'hin ang ulan kapag nasa bahay.

Hindi ako emo. Sadyang nakakatamad lang gumalaw kapag umuulan kaya mas magandang nakakulong lang sa bahay.

Hindi ko gustong maglakad sa putikan ngunit wala akong magagawa dahil isang oras lang ang huling subject ko at paniguradong hindi agad matutuyo ang daan pero hindi ko rin gusto na umuulan pa rin pag-uwi ko kaya sana talaga tumila na.



Nagsusulat ako ng mga bagay na pumapasok sa utak ko nang dumating si Lia.

"Ito na po, Madam!"-Lilia

Tahimik ko lamang na tinanggap, ibinaba ang notebook sa katabi ko pang upuan at sinimulang lantakan ang meryenda nang magawing muli ang aking paningin sa labas.

Sa pagkakataong ito, may isang lalaki na tila hindi inaalintana ang lakas ng ulan at patuloy na naglalakad nang nakatungo. Mukhang may hinahanap na bagay.

"Taglagas! Tulala ka diyan. Bilisan mo at may klase pa tayo." Sinamaan ko ng tingin itong babaeng nasa harap ko.

"Tigilan mo 'ko sa kakatawag mo sa'kin niyan. Tatamaan talaga kita!" Nagkunwari naman ang loka kong pinsan na hindi narinig ang sinabi ko at pinagpatuloy lang ang pagkain ng paborito niyang blueberry cheesecake.

Tumingin ulit ako sa labas at napansin ang lalaki na nasa malayo na ngunit natatanaw ko pa rin na mukhang may hinahanap. Ganoon na lang siguro kahalaga ang bagay na iyon para magpaulan siya.



Nang matapos na kaming kumain ay lumabas na kami ni Lia at nagmadaling pumunta sa Admin Building para sa huling klase namin. Paupo na sana ako nang mapansin na nawawala ang panyo ko. Saka ko lang naalala, pati ang notebook ko ay naiwan sa inupuan namin sa canteen. Kung sinuswerte nga naman talaga, oo.

Tiningnan ko ang relo at napag-alaman na may kinse minutos pa bago magsimula ang klase. Tumayo na ako upang balikan ang gamit kong naiwan.

"May babalikan lang ako sa canteen. Pakibantayan 'yong gamit ko, Bes." Tumingin lang si Lilia sa'kin at tumango bago ibinalik ang paningin sa librong binabasa.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mainis dahil sobrang lakas pa rin ng ulan. Kailan ka ba titigil!? Binilisan ko ang paglalakad pero may nasipa ako at tumalsik ito, hindi kalayuan sa pwesto ko.

Kwintas?


Pinulot ko ito at pinagmasdan. Hindi ako mahilig sa mga alahas ngunit masasabi kong maganda ito kahit simple lamang. May naka-engraved na pangalan doon.


"Fallestier."


Basa ko sa nakaukit sa kwintas. Wala akong kilalang Fallestier kaya hindi ko ito maibibigay sa kanya. Binulsa ko na lamang ito at napagpasyahang kunin na ang naiwan kong gamit nang may makabangga sa akin.


Hindi ko inaasahan na may makabanggaan kaya napaupo ako at nabitiwan ang payong na hawak ko.


"PUTEK!"


Fathomless LoveWhere stories live. Discover now