PROLOGUE

9 2 0
                                    



When the bus I'm riding stops,

The rain started to drop.
It seems that the weather understands me,
What's going on outside? I can't see it clearly.
Is it because of the heavy rain?
Or is it because of my teary eyes and raging pain?



"I'm sorry."



Those two words. Why does it have to be so f*cking painful?

Bumaba na ako sa bus na sinasakyan ko. Hindi alintana ang lakas ng ulan. Napangiti ako ng mapait.



Ulan.


Unang beses kong nakita ka, umuulan. Hindi mo rin iyon inalintana.

Para akong tanga na umiiyak kasabay ng buhos ng ulan.

Ang daming iniisip. Nakakapagod. Ang sakit sakit.



Hindi ko inaaakala na darating sa punto na 'to.
Hindi ko alam bakit biglang nagbago.
Napakalabo mo. Sobrang labo.
Kahit ilang ulit kong isipin,
Kahit ilang ulit kong unawain,
Bakit ganoon? Ang gulo pa rin.




"Anak! Bakit ka naman nagpaulan? Maligo ka muna bago magpahinga. Baka magkasakit ka niyan."


Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mommy at niyakap siya habang umiiyak. Hindi ko man lang inisip na mababasa rin siya pero gusto ko lang talaga ng masasandalan.


Niyakap din ako saglit ni mommy at hinaplos ang pisngi ko. Napansin kong lumuluha na rin siya.


"Anak. Tama na, please. Ayoko nang nakikita kang nagkakaganito."


"No, Mom. I know that there's just something bothering him. I understand. I just need to give him ti-"

"Hindi, Anak. Ang gusto ko intindihin mo ang sarili mo. Look at you. You look like a mess. Hindi parating ikaw ang iintindi. What about you? Magtira ka naman para sa sarili mo. Tingnan mo kung gaano rin nahihirapan ang mga taong nagmamahal sa 'yo na makita kang nagkakaganiyan, nasasaktan. Anak, tama na."

Umiiyak na si Mommy. Ang Mommy ko na walang ginawa kundi mahalin at gawin ang lahat para sa akin.

"I'm sorry, Mommy."

Inalalayan niya akong umakyat sa kwarto ko. Naligo, pagkatapos ay humiga lang. Hindi ko magawang magpahinga. Pagod na pagod na ako sa lahat, pero wala akong ibang magawa kundi umiyak at masaktan.





Nagising ako na mugtong mugto ang mga mata. Hinayaan ko na lang, kailangan ko pang pumunta sa school. Huling pasahan ng requirements bago matapos ang school year.



Pagkarating sa school ay siya agad ang nakita ko. Kumirot ang puso ko. Ngumiti ako sa kanya noong lumingon siya sa gawi ko. Nilapitan ko siya.


"Good morning!"


Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Alam kong napansin niya ang pamumugto ng mata ko.


"Date tayo mamaya. Magpapasa lang ako ng projects ko."

"AC."


Pangalan ko ang binanggit niya. Pangalan ko. Ngumiti ako ng malapad sa kanya.

"Please?"


Seryoso pa rin siyang nakatitig sa akin. Kumikirot na naman ang puso ko. Sa huli ay pumayag siya sa pakiusap ko. Ngumiti akong muli sa kaniya at tumalikod na.


Alam ko. Ito na ang magiging huli. Naiiyak ako pero hindi ko na lamang inisip iyon. Hahayaan ko muna ang puso ko na sumaya ulit sa huling pagkakataon.



Marami akong hindi nauunawaan tungkol sa iyo. Sa lahat ng nakilala ko, ikaw lang ang malabo. Hindi ko alam bakit hindi kita mabasa. Siguro sa kadahilanang mahal kita. Totoo, mahal kita. Mahal kita kaya uunawain kita. Uunawain kita dahil mahal kita. Kahit pa wala kang sinasabi sa akin. Masakit, oo. Nakakapagod.




Kaya sa huling pagkakataon.



Sa huling pagkakataon na makasama ka,

Sa huling pagkakataon na iintindihin kita,

Sa huling pagkakataon na may tayo pang dalawa,

Sa huling pagkakataon na sasabihin ko sayong mahal kita,

Kahit hindi ko gusto, kahit sobrang sakit,






Palalayain na kita.



________

I love you with all my heart
Even if it means falling apart.
I will accept whatever decisions you make,
Even if it's painful to the point that I can't take.

Fathomless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon