Chapter 1: Brown eyes

18 3 8
                                    

Chapter 1: Brown eyes

Nagising ako dahil sa lakas ng ingay. Para bang may nabasag na kung ano at may nagisisgawan na tao. Bumangon ako sa kama at naglakad palabas ng kuwarto, pababa sa hagdan hanggang sa marating ko ang sala kung saan nagmumula ang tunog.

"Sinabi ko na sayo hindi ba? Ayokong pinapakialaman mo ang mga gamit ko!"  lasing na naman siya kagaya ng dati. Mukhang hindi pa siya nakuntento sa pagsira ng mga gamit kaya pati mga pinggan at baso binasag niya na din.

Hindi ko maintindihan. Hindi naman siya ganyan dati. Isa siyang mapagmahal na ama sa kanyang mga anak at isang mabuting asawa noon...pero bakit siya humantong sa ganito ngayon?

"Bakit? Natatakot ka bang malaman ko ang tinatago mo?!"  halos lumitaw na ang litid sa kanyang leeg. Pulang pula ang mata niya sa galit.

Isa pa siya. Siya ang pinakamaalaga at pinakamabait na ina na kilala ko pero bakit ganito? Payat na payat na siya at halos magmukha ng buto. Nawala na ang dati niyang ganda na kinaiinggitan at hinahangaan ng lahat ng dahil sa paggamit niya ng pinagbabawal na gamot.

Isang amang lasenggero at sugarol.

Isang inang lulong sa droga ngayon.

Naalala ko hindi naman sila ganito noon. Hindi ganito ang buhay namin noon...na ngayon ay parang patapon.

"Puwede bang huwag niyong idamay ang mga gamit natin tuwing magaaway kayo?" tila naging kasing lamig  na ng yelo ang boses ko.

Agad nagbago ang ekspresyon ng mga mukha nila matapos akong makita. Umaliwalas ang mukha nila pareho at nakangiting humarap sakin na para bang walang gulo.

"Mabuti pang matulog ka muna sa hotel o kaya sa mga kaibigan mo. Ito ang pera, gamitin mo." kinuha ni Mommy ang palad ko. Nilagyan niya ng bungkos ng ilang libo.

"Baka kulangin ka pa anak. Ito pa ang tatlong libo kunin mo." nakalahad ang kamay niya at nagaantay na lapitan ko siya.

I breathed heavily before glancing at my drunk father.

"Hindi na kailangan. This money is enough, Daddy."

"No hija, I insist. Go on and have fun with your friends for a few days." siya na ang lumapit sakin at naglagay ng pera sa kamay ko.

Have fun? What a funny word to say in this situation.

"I'm going now but please promise me that you won't break the house." I closed my fist then hid the money in my pocket.

They both nodded in return with a wide smile plastered in their faces. I can't believe them. Nakuha pa talaga nilang ngumiti sa harap ko ng ganyan.

I turned my back and walked my way out. Hindi pa nga ako nakakalayo pero narinig ko na agad muli ang kanilang pagtatalo.

"Bakit ba hindi mo magawang itikom yang bibig mo? Nakita mo na kung anong ginawa mo, Elena? You disturbed my daughter's sleep!"

"Ako pa ngayon? Kung hindi mo binasag yang mga plato at baso hindi magigising ang anak ko. Kasalan mo ito, Arthur!"

I shook my head trying to erase what just happened.  Nang makita kong may taxi ay agad ko itong pinara para makasakay.

"Saan po tayo, ma'am?"

Saan nga ba? Isang lugar lang naman ang maari kong puntahan. I guess I'll be staying there for a few days. As usual tss.

"Clarity po manong." binuksan ko ang bintana para makalanghap ng hangin.

Habang tumatakbo ang sasakyan ay panay ang tingin sakin ng matandang driver.

"May problema ba?" hindi ko napigilang itanong.

"Huwag niyo sanang masamain ito pero sigurado po ba kayo ma'am na pupunta kayo doon?" alangan tanong nito. "Nakapantulog kasi kayo." dagdag pa nito ng may alanganing ngti.

Hindi siya ang unang nagtanong sakin ng bagay na yan. Halos lahat ng nasakyan kong taxi driver ay tinanong din sakin yan. Nakakapagtaka nga naman kasi dahil bar ang pupuntahan ko. Sino namang matino ang magsusuot ng pajama sa loob ng lugar na iyon diba?

"Doon ako nagtratrabaho. May silid tulugan ang mga empleyado doon." kagaya ng sinagot ko sa iba ay yan din ang sinabi ko sa kanya.

Totoong may silid tulugan ang mga empleyado doon. Hindi nga lang totoong doon ako nagtratrabaho. Sabihin na lang natin na tuwing pinapaalis ako ng magulang ko sa kalagitnaan ng gabi ay doon ako tumutuloy para makitulog.

"Ganun ba? Pasensya na kung naitanong ko pa, ma'am."

Matapos non ay hindi na siya nagtangka pa na kausapin ako. Naramdaman niya sigurong ayokong may kumakausap saking ibang tao. Hindi na rin naman nagtagal ay narating na namin ang lugar na yon. Binigyan ko siya ng isang libo para sa bayad. Hindi nako nagabala pang kuhanin ang sukli. Tinalikuran ko na siya at dire diretsong naglakad papuntang back door ng Clarity. Narinig ko pa ang pagtawag niya sakin pero hindi ko ito pinansin at tuluyang sinara ang pinto.

Napabuntong hininga na lamang ako ng sa wakas ay narinig ko ang yabag ng paa niyang papaalis mula rito.

But then I was suddenly pinned down on the door, caged between this unfamiliar man's arm. He was staring intently at me with those beautiful brown eyes. I can't help myself but to stare right back. It's not just his eyes, his nose, lips and brow are perfectly scuplted too. How can someone be this perfect?

"Done checking me out?" he was wearing a smirk.

I closed my eyes in embarassment.

Ano bang ginagawa ko? Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng guwapo kaya bakit nakuha ko pang ipahiya ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtitig sa mukha niya ng ilang segundo?

"Open them." I hear him say.

I can't do as he says. I can't possibly face him after I just checked him out face to face! Nakakahiya talaga.

"Open them if you don't f*cking want me to kiss you right now!" he commanded which made me flinched.

Mabilis pa sa alas kuwatro kong binuksan ang aking mga mata.  Halos maduling na ko ng mapagtantong sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Parang may karera sa puso ko sa sobrang bilis ng tibk nito ngayon.

Masyado kasi siyang malapit! Kapag gumalaw ang kahit sino samin, siguradong magtatama ang labi naming dalawa.

"Can you...can you please move away?" I mustered all my strength to talk.

"Not until you answer my question," nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sakin ng masama. "Who the hell are you and what the f*ck are you doing here?" he asked.

"I-I'm -

I was about to answer when the door suddenly banged open. I was pushed down on the floor ending up with me on top of him. And my lips...

My lips accidentally landed on his.

"Hala may porn!" kasabay nito ang pagflash ng camera mula sa cellphone.

Agad akong napabangon dahil dito at tiningnan ng masama ang walanghiyang may kagagawan ng lahat.

"Stanley, burahin mo yan!" I can feel the heat that rushed in my face. Sigurado akong sobrang pula na ng mukha ko ngayon dahil sa sobrang hiya.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok. I came here to just sleep! What the hell hapened now?! Sana pala hindi na lang ako dumiretso dito kung alam ko lang na ganito ang mangyayari.

I just lost my freaking first kiss to the stranger with brown eyes! Damn it.





PhilautiaWhere stories live. Discover now