Chapter 4

18 2 2
                                    

"I still want to court you," sabi ni Killian habang nagd-drive kaya agad akong napatingin sa kaniya.

Mag-iisang buwan na rin kaming magkakilala ni Killian. Halos araw-araw ay magkasama kami, at kung hindi naman kami magkasama ay magkausap kami online. Sa loob ng halos isang buwan na iyon, wala pa kaming label na ibinibigay sa kung anong meron kami. Hindi ko naman siya naiisip, until now na in-open niya 'yung topic.

"Paano kung ayoko?" pabiro kong sinabi at siya naman ang napatingin sa direksyon ko. "Hoy! Tingnan mo 'yung daan, huwag ako. Baka mabangga tayo," natatawa kong sabi saka niya ibinalik ang paningin sa daanan.

"Pero seryoso nga, Asia. Gusto pa rin kitang ligawan."

I cleared my throat at tiningnan ko siya nang seryoso. "Seryoso rin ako, Killian. Huwag na." Nang hindi siya sumagot pabalik ay nagsalita akong muli. "Hindi naman sa madali akong makuha, pero I can't see the point kung bakit kailangan mo pa akong ligawan. We share the same tattoo. You're my soulmate. I think enough na reason na 'yon for us to be together."

"Pero deserve mong pag-effortan, Asia." Napangiti naman ako sa sagot niyang iyon.

In reality, hindi rin naman kasi ganon ka-common magligawan. The idea of courting someone originated sa isang sikat na romance novel. Kailangang patunayan ng lalaki ang kaniyang sarili kaya siya nanliligaw. Pero sa totong buhay, people don't need to do that. Kaya nga may mga tattoo eh, so you'll know sino ang tamang tao para sa 'yo. Hindi na kailangang pagdaanan ang lahat ng iyon.

Natahimik kami pagkatapos ng usapang iyon. Sa buong biyahe ay pinag-iisipan ko lang kung anong gagawin ko ngayong magkaiba kami ng gustong mangyari ni Killian.

Nang huminto na siya sa tapat ng bahay namin ay ako ang unang nagsalita. "Okay ganto, you can spoil me all you want, pero I'm already your girlfriend."

"Are you sure na ayaw mo talagang ligawan pa rin kita?"

"We both know na the minute you court me, sasagutin din naman kita agad. So what's the point? And you know, pwede mo pa rin naman akong ligawan kahit na tayo na." Nakahinga ako nang maluwag nang finally ay ngumiti na siya sa sinabi ko. "Okay, babe, I'll see you tomorrow." I planted a quick kiss on his lips na gumulat sa kaniya. Bumaba na agad ako ng sasakyan bago pa siya makapagsalita at hinintay na makaalis ang sasakyan niya.

Matagal-tagal na rin naman na kaming nagkakasama ni Killian, pero iba pa rin pala talaga kapag may label na. Hanggang sa pagtulog ay masaya ko pa ring naiisip na finally, official na kami ni Killian.

Kinabukasan, pagkagising ko ay chineck ko ang phone ko at nakita kong may message si Killian sa 'kin.

Killian: sabay tayo pasok sa school. ill be there at 6.

Napatingin ako sa oras at nakita kong quarter to 5 na kaya binilisan ko na ang pagkilos ko dahil ayoko naman na maghintay pa si Killian sa 'kin. Pagbaba ko sa dining namin ay 5:30 na  kaya nag-cereals na lang ako para mabilis kainin. Pagkatapos kong kumain at mag-toothbrush, dinouble check ko lang ang gamit ko at nagpaalam na ako kina Mama at Papa. Saktong pagkalabas ko naman ng gate ay nakita kong kadarating lang din ni Killian.

"Anong naisip mo at biglang may pa-ganto ka?" tanong ko sa kaniya nang makasakay na ako sa loob.

"Sabi mo I can still spoil you kahit hindi na kita ligawan. Kaya ito, hatid-sundo na kita," aniya habang naka-focus sa daanan pero nakita kong may ngiting naglalaro sa kaniyang labi. "Saka ayaw mo no'n, tipid ka na talaga sa pamasahe." Parehas kaming natawa sa sinabi niyang 'yon.

Habang nasa biyahe kami ay napagpasiyahan naming mamaya ay sa mga kaibigan naman niya ako sasabay mag-lunch. Laging sa amin kasi nina Laura at Cassy sumasabay si Killian, though sabi niya wala naman daw problema sa mga kaibigan niya. Gusto lang niyang sumabay ako ngayon sa kanila para naman maipakilala niya ako nang maayos sa kanila.

Crossing StarsWhere stories live. Discover now